Chapter 25

1.1K 60 42
                                    

Nagpupulsong kirot sa aking ulo ang nagpapahiwatig na buhay pa ako. Sinubukan kong idilat ang mabigat na talukap ng aking mga mata pero malabo at tanging puting kulay ang bumungad sa aking paningin. Muli akong pumikit at nakiramdam na lang muna. Saan ba ako naroon? Ano ba ang...namilog ang mga mata ko at halos mapugto ang aking hininga nang lubusang mag-sink in sa akin ang nangyari. Ang bahay namin! Nasunog ang bahay namin!

Binawi ko ang paningin mula sa puting kisame at sinuyod ko ang paligid. Nasa hospital ba ako? Sinubukan kong bumangon pero kumirot muli ang ulo ko. Kinapa ko ang aking leeg na may bendang nakapalibot pababa sa kanan kong balikat at braso. Kaya pala pakiramdam ko ay nasasakal ako. Sa kabilang kamay ko ay nakaturok ang suwero.

Umalog ang buong katawan ko sa alaala ng mabangis na apoy. Ang bahay namin at lahat ng gamit namin! Sina Papa at Mama? Hindi pa rin ba sila nakauwi? Sina Apple at Vanilla, ligtas kaya ang mga alaga ko? Ang dami kong tanong sa isip na hindi ko naman mabigyan ng sagot.

"Juno?" Bumaling ako sa pinto nang bumukas iyon.

Pero hindi ang lalaking inaasahan kong makita ang pumasok kundi si Warren. May dala siyang mga prutas at pagkain. Banayad ang tingin na ipinukol niya sa akin. Para bang nag-iingat na huwag masaling ang mga luhang nakadungaw sa aking mga mata kung hindi ay tuluyan nang papatak ang mga iyon.

"Gising ka na pala, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niyang nilapag sa mesa sa gilid ng higaan ko ang dala.

Umiling ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto kong magtanong pero saan ako magsisimula? Alipin pa rin ng takot ang buong sistema ko at pati kakayahan kong magsalita ay tila silyado.

"Dalawang araw kang natutulog. Buti na lang dumating ako sa oras, hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin kung kasama kang tinupok ng apoy." Lumapit siya sa akin at sinalat ang aking noo na may kasamang haplos.

Kung ganoon siya pala ang nagligtas sa akin. Utang ko sa kanya kung bakit buhay pa ako. "A-ang bahay namin..." napalunok ako at humikbi. Hindi na nagpaawat pa ang aking mga luha.

"Sorry, the house and everything inside was gone. Nilamon lahat ng apoy. Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang makahanap ng matitirhan. Ang importante ay ligtas ka."

"Sina Papa at Mama?"

Umiling siya. "Hinahanap pa  namin ang mga magulang mo at ang batang inampon ninyo. Humingi na ako ng tulong sa mga kakilala kong police at kay mayor. May palagay kami na dinukot sila."

Pakiramdam ko ay muli akong hinila pabagsak. Bumababaw ang aking paghinga. Ang mga magulang ko! Nasaan sila?

"Hindi! Hindi pwede!" Humagulgol ako at kung hindi ako nayakap ni Warren ay baka nahulog na ako sa sahig nang tangkain kong bumangon at bumaba ng kama kahit kulang pa ako sa lakas. "Papa! Mama! Bonbon!" Idinaan ko na lang sa malakas na sigaw ang paghihimagsik.

"Kailangan mong magpalakas at nang madala kita sa mas ligtas na lugar. Hindi ako kampante rito sa hospital."

"Si Juno? Tawagin mo si Juno, siya lang ang makatutulong sa atin para mahanap ang mga magulang ko!" Kumapit ako sa damit ni Warren. Niyugyog ko siya sa abot ng aking makakaya. "Gusto kong makita si Juno, tawagin mo siya!"

"Hindi pwede, Nash. Pasensya ka na pero hindi pwede." Magkahalong lungkot at galit ang nabasa ko sa mga mata ni Warren. "Hindi kita pipiliting maniwala sa sasabihin ko pero gusto kong makinig ka sa akin kahit ngayon lang. Hindi mo kakampi si Juno, ni hindi mo siya pwedeng maging kaibigan."

"Bakit ha? Ano'ng pinagsasabi mo?" singhal kong napapangiwi nang gumuhit ang matalim na kirot sa aking ulo. "Mahal ko siya! Mahal niya ako!" Tumindi pa ang sakit na umabot na hanggang sa aking mga mata.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now