Chapter 45

1.2K 69 15
                                    

"Ate  Nash! Namiss po kita!" Paglabas ko ng kuwarto ni Juno ay sinalubong ako ng masiglang yakap ni Bonbon.
Kasama ng bata si Mama na nakangiting nanonood sa aming dalawa.

"Ako rin, namiss kita, sobra." Niyapos ko rin siya. Bagong paligo siya at nasamyo ko ang mabangong halimuyak ng shampoo sa buhok niyang basa pa. Late na rin siguro siyang nagising kaya ngayon lang nakaligo. Magtatanghalian na kasi.

"Ate, totoo bang wala na tayong bahay? Nasunog daw sabi ni Mama." Napansin ko ang pagbalong ng lungkot sa mukha ni Bonbon.

"Totoo iyon, pati mga gamit natin nasunog."

"Pati mga damit natin? Lahat nasunog?"

Tumango ako.

"Pero buti na lang ligtas sina Apple at Vanilla." Ngumiti siya.

"Tayo na sa hapag. Kanina pa namin naihain ni Emma ang tanghalian." Niyaya na kami ni Mama patungong dining room.

"Sina Juno at Papa po?"

"Baka mamayang hapon pa ang mga iyon. Dadaan pa sa assessors office ang Papa mo. Gagawan daw siya ng voucher para mabigyan ng sahod sa mga araw na hindi siya nakapagtrabaho. Kukunin din daw nila ang motor mo."

"Ganoon po ba?" Nagpaalam kanina si Juno na sasamahan ang Papa ko papuntang munisipyo. Kakausapin daw ito ni mayor.

Sabay-sabay na kaming dumulog sa hapag nina Mama, Bonbon, Nanay Emma, Mayet ay Benjie. Kung hindi lang ako nalasing kagabi makapupunta pa sana ako ng school ngayon. Grabe ang hang-over ko kaninang umaga. Ayaw paawat ng sakit ng ulo ko kaya natulog ako ulit pagkaalis ni Juno.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami ni Bonbon sa may bakuran. Pero nakamasid lang ako sa bata na nakikipaglaro kay Apple habang nakaupo sa may porch. Hinaplos ko si Vanilla na humilata sa tabi ko at sinilip ang aking cellphone. Binuksan ko ang facebook account ko at nag-scroll sa newsfeed. Um-exit din ako agad at lumipat sa messenger. Nagtype ako ng message para kay Juno kahit hindi siya online.

Ako: Hindi ko talaga nakita si general

May kasamang emoji na tumirik ang mata ang mensahe ko.

Walang isang minuto'y biglang online na ang lalaki. Nagreply siya sa chat ko.

Siya: I love you

Napangiti ako at mabilis na nagtype.

Ako: Lagi mo akong dinadaan sa ganyan.

Siya: I love you.

Ngumuso ako. Tawagan ko kaya? Pinindot ko ang video call. Tinanggap naman nito agad. Pamatay niyang ngiti ang bumungad sa akin.

"I love you, Nazarita."

"Nasaan ka?"

"In meeting with mayor."

Napanganga ako. Naku, ano bang ginagawa ko. "Sorry, off ko na 'to. Sorry talaga!" Hindi ako magkamayaw sa paghingi ng tawad.

Pero tumatawa lang siya. "It's okay, are you checking me up? Nag-lunch ka na?" tanong niya.

Nanlambot ang puso ko. "Katatapos lang. Ikaw, kumain ka na?"

"Discussion over lunch."

"Okay, sige na. Mamaya na lang ulit. Pasensya ka na talaga. I love you." Nagpalipad siya ng malutong na halik.

"Smell you when I'm home, I love you."

Pinindot niya ang end-call at tila lasing na nakabungisngis. Nilapag niya sa kandungan ang cellphone at tumingala sa kawalan. Gusto ko munang ipahing ang utak ko sa mga mabibigat na iisipin ngayong nakabalik na ng ligtas ang mga magulang ko at si Bonbon.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now