Chapter 36

1.1K 61 11
                                    

Pagkatapos kong pasalamatan ang mga bisitang dumalo sa dinner, iniwan ko muna sina Juno at Warren, kausap ang iilan sa mga resident doctors. Sinamahan ko ang makukulit kong mga kaklaseng umiinom ng punch na naihabol kanina ni Toby. Bawal doon sa hospital ang alak pero pwede naman ang kunting wine at light na ladies' drink.

"Alam mo bang naglipana sa tabi-tabi ang inggit, Nash? Ganoon ang pinaramdam mo sa amin, grabe ka. Ambunan mo naman kami ng ganda mo," pabirong ungot ni Maricel. "At talagang nilubos mo, hepe natin ang pinatos mo?"

"Swerte ang tawag doon hindi ganda." Sinakyan ko na ang pag-e-emote niya.

"Siguro dati pa kayong may unawaan at kaya siya nagpadestino rito dahil sa iyo. Ang sweet naman n'on!" Tiling-tili na siya pero nagpipigil.

Tawanan ang tatlo pa naming kaklaseng babae - sina Bianca, Harlene at Retchel. Hindi ko sila gaanong close kasi iba ang circle of friends nila sa school. Kaya masaya ako ngayon at natangay sila ni Maricel dito. Kung hindi sana nangyari ang insidente, baka buong klase ang naimbita ko. May hinanda na kasi si Papa para sa kaarawan ko.

"Oo nga no? Kaya pala wala kang boyfriend dito sa atin," salo ni Harlene. Masyado talagang aktibo ang imahinasyon nila sa kapapanood ng mga korean-novelas.

"Walang ganoon, dito ko lang nakilala si Juno."

"Talaga? Ang bilis naman yata ng romance ninyo? Kalilipat niya lang dito," pakli ni Bianca.

"Mahirap ipaliwanag kasi, basta nangyari na lang. I mean, na-realize ko na lang na mahal ko siya." Nilingon ang table na kinaroroonan ni Juno. Saktong tumingin din siya sa akin at nagtagpo ang mga mata namin. Ngumiti siya. Seksing ngiti na alam kong sa akin niya lang ibinibigay. Kiniliti na naman ako ng mga alaga kong tutubi.

Binawi ko ang mga mata nang kunin ni Maricel ang kamay ko at sinipat ang engagement ring sa aking daliri. "Ang mahal siguro nito. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga."

"Ano ba, malayo pa iyon. Magtatapos pa tayo ng college."

"Paano 'yong usap-usapan tungkol sa inyo ni Sir Warren? Totoo bang nanliligaw siya sa iyo at doon ka nakatira sa bahay niya?"

Hindi na napatid ang tanungan. Para tuloy akong nasa hot seat ng showbiz.

"Totoo iyon," maiksi kong sagot at Wala na akong idinagdag pa. Hindi ligtas para sa iba na malaman ang sitwasyong kinasasadlakan namin ng pamilya ko. Mas mapanganib kung maraming makakaalam. Kailangan kong maging maingat sa mga sasabihin ko at maging responsable.

Lumapit sa amin si Toby bitbit ang baso niyang may punch at naupo sa bakanteng silya sa aking tabi. Naamoy ko ang kakaibang aroma ng alak mula roon nang i-angat niya ang baso sa kanyang bibig at lumagok.

"Punch ba iyan?" tanong ko.

"Bakit?" Ngumisi siya.

"Iba kasi ang amoy."

"May halong brandy. Nagpuslit ako kanina."

"Nagmamalaki ka pa," kastigo ko sa kanya.

Ang apat na dalagang kasama ko sa table ay biglang natahimik at parang nakatali na sa kanilang upuan. Napangiti na lang ako.

"Magpaparaya na ba si Toby?" Biglang nagparinig si Maricel kasunod ang mahabang lagok nito sa punch.

Ako at ang tatlo ko pang kaklase ay nakatunganga, nag-aabang sa isasagot ng lalaki. Open-minded naman si Toby. Siguro hindi na niya igigiit sa akin ang nararamdaman niya.

"Hindi iyon masasabing paraya, mamahalin ko lang si Nash sa paraang alam ko. Ganoon lang," sagot ng binata.

Hindi iyon ang sagot na inasahan ko pero kontento ako kahit papaano. Naniniwala akong darating ang araw na mapag-aaralan din niya akong ituring na kaibigan lang.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now