Chapter 22

1.1K 74 14
                                    

Ano iyon? Sabay kong ibibigay kay Juno ang 'Yes at I do' ko? Hindi naman ako nagsisi pero dapat talaga hindi ko muna sinabi sa kanya ang plano ko. Para na tuloy akong timang na hindi mapakali ang isip kahit kumakain kami.

"Nash, okay ka lang ba? Ang tahimik mo," puna ni Madam Noriza.

"Po? Okay lang po ako, Madam," taranta kong sagot.

"Madam? Call her Nanay," ungot ni Juno.

Namilog ang mga mata ko. Gusto niyang tawagin kong Nanay ang Nanay niya? Nahihiyang sumulyap ako kay Madam Noriza. Nakangiti ito at tumango, ibig sabihin sang-ayon ito sa sinabi ni Juno.

"And Tatay for my father," dagdag pa niya. "Is the food okay?" tanong niyang sinipat ang pagkain sa pinggan ko.

Tumango na lang ako. Para na akong matutunaw sa hiya dahil silang lahat ay sa akin nakatingin. Katabi ko ng upuan si Juno. Ang ama niya ang nasa kabisera, sa kanan nito ay ang Nanay niya, si Janine at Warren. Tapos kaming dalawa ay nasa left side.
Masarap ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Sobrang sarap. Pero hindi talaga ako makapag-focus. Ang utak ko ay paikot-ikot lang sa naging usapan namin doon sa silid ni Sheena. Ni hindi ko magawang sumali sa diskusyon nila kahit mayroon naman akong masasabi. Nakikitawa lang ako sa mga biro si Juno at ng Tatay niya.

"Thank you po sa masarap na pagkain, pasensya na po kayo, may iniisip lang kasi ako," apologetic kong paliwanag. Mabilis kong iniwasan ang matiim na titig ni Warren sa akin.

"She is thinking about our wedding plans," pakli ni Juno na ikinaunat ng batok ko.

Hindi na ako nakatiis at kinurot ko siya sa hita. Sinikap ko talagang tumagos ang mga kuko ko sa makapal na hibla ng kanyang pantalon. Pero imbis na masaktan ay parang mas nakiliti pa siya. Hindi ko rin naman siya matadyakan dahil ang mga paa ko ay hindi sumayad sa sahig habang nakasampa ako sa bar-type dining chair. Kung bakit kasi nakalimutan yata ng mga magulang ko na isa sa mga basic ang height noong gawin nila ako. Binuhos na lang lahat ng genes nila sa paghulma sa aking mukha.

"Hindi ka pa nga sinagot ni ate tapos nag-ilusyon ka na ng kasal? Ang kapal mo talaga, Kuya!" natatawang kastigo ni Janine sa kapatid.

"I'm just being optimistic. I may not have her yes yet, but that doesn't mean she is not going to be my wife," tiwalang-tiwala niyang pahayag.

"I can understand that you are excited to settle down," nagsalita si Sir Jonas na tumango-tango.

"Bear with him, Nash. He is used to doing his things fast," salo ni Madam Noriza.

"Thick-faced lang po talaga siya, ate." Hagikgik ni Janine. "Pero excited na rin akong maging bride's maid n'yo."

"No pressure," hinawakan ni Juno ang kamay ko at dinala sa bibig niya. Dinampian ng halik. "We will follow your own pace."

Hindi ko na malunok ng maayos ang kinakain ko. Hindi na yata huhupa ang nadarama kong hiya dahil sa kagagawan ng lalaking ito. Nasaan na ba dapat ang limitasyon sa pagitan naming dalawa? Hindi ko na iyon maramdaman. Pilit akong sumasabay sa tawanan kahit feeling ko ay dinaig ko pa ang slime. Tumingin ako kay Warren na nasa ibayong upuan. Halata ang disgusto nito sa usapang umiikot doon sa hapag-kainan pero idinaan  na lang nito sa pag-inom ng tubig.

Nabusog naman ako sa kinain ko pero pakiramdam ko ay okupado pa rin ng mga alaga kong tutubi ang aking sikmura. Pumunta kami ng sala kung saan naroon si Sheena na nilalaro ng yaya. Nauna na naming pinakain ni Janine ang bata kanina. Mahaba ang itinulog nito, kinailangan na naming gisingin para makapaghapunan.

"Sir Juno, may tawag po sa telepono para sa inyo. Naroon po sa library." Lumapit sa amin ang isa sa mga katulong.

"Just a sec," paalam ni Juno at nag-iwan ng halik sa aking ulo.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now