Chapter 29

1K 75 24
                                    

Hindi na nasundan ang pagpuslit kong iyon kasama si Toby para bumisita sa amin. Naging abala na kasi kami sa reporting at sunud-sunod na exams. Balak ko nga sanang bumalik para kausapin ang ilan sa mga kapitbahay ko. Nagtaka kasi ako kung wala bang nakapansin noong may pumuntang mga police sa amin. Masyadong busy siguro ang mga tao at wala man lang nagbalita sa akin noong araw na iyon na dinampot na pala si Papa. Kahit ang taga-barangay ay imposibleng walang alam.

Isinuot ko ang off-maroon silk dress na may mahahabang bell sleeves at turtle neck. Sakto lang na sumayad sa itaas ng tuhod ko ang laylayan. May base iyon sa ilalim na kakulay ng balat ko kaya nagmukhang see-through ang damit. Hinagilap ko sa mga paa ang itim na thong sandals.

Muli kong sinuklay ang buhok. Gusto kong ilaso iyon pero hindi ko pa gaanong nai-aangat ang braso kong may paso. Pati balikat ko ay pabugso-bugso ang pagguhit ng kirot mula sa loob tuwing napupuwersa ko ang pagkilos. Palabas na ako ng pintuan nang sumilip doon si Warren. Takaw-pansin siya sa suot na plain charcoal black shirt, khaki jeans at puting sneakers.

Sumaglit ang mga mata ko sa wallclock nang nasa sala na kami. Nine-thirty pa ng umaga, alas-diyes ang misang dadaluhan namin at sa labas na raw kami kakain ng lunch. Araw-araw ay may ginagawang effort si Warren para lang hindi ako mainip doon sa bahay. Na-appreciate ko naman iyon. Minsan ay nako-konsensya ako kasi tinatanggihan niya ang imbitasyon ng mga kaibigan niya para lang hindi ako maiwang mag-isa.

"Your birthday is around the corner, may napili ka na bang lugar?" Hinawakan niya ang kanan kong kamay at iginiya ako palabas ng bahay. Hinayaan ko na lang kaysa makipaghilahan na naman ako.

Saan ko raw gustong i-celebrate ang birthday ko? Kahapon pa niya ako kinukulit. Ayaw kong magcelebrate nang wala ang mga magulang ko. Pero naisip ko ring dapat ko nga palang ipagpasalamat sa Diyos na buhay pa ako pagkatapos ng sunog. Malaking regalo na ang makaabot pa ako sa birthday ko.

"Pinag-iisipan ko pa, pero hindi naman importante ang venue. Kahit dito na lang sa bahay."

Binuksan niya ang pinto ng Wrangler at sumampa ako sa loob. Lumigid na rin siya sa kabila at niluklok ang sarili sa upuan sa likod ng manibela.

"We can have it on the beach," suhestiyon niya pag-usad ng sasakyan palabas ng gate.

Umiling ako. Humigpit ang hawak sa handbag. "Ayaw kong gumastos ka pa ng malaki, masyado na akong nababaon sa utang. Wala rin naman akong ibang bisita, sina Toby at Maricel lang. Bar-be-que lang, okay na."

Huminga siya ng malalim, halatang hindi kontento sa sagot ko. "Sinisingil ba kita sa tulong na ibinigay ko? Kung ipipilit mo ang ganyang mind set iba ang gusto kong kabayaran sakaling maniningil ako, Nash." May bahid ng iritasyon sa kanyang tono.

Napalunok ako. Hindi niya ako naintindihan. Wala kaming relasyon at kahit magkaroon pa, ayaw kong maging obligasyon niya ako at ayaw kong umasa na lang sa kanya para buhayin ako.

"Alam ko kung ano'ng gusto mo. Ang kaso'y hindi ko alam kung darating ang araw na magiging handa akong ibigay sa iyo ang tiwala at pagmamahal ko." Aaminin ko man o hindi, hanggang ngayon ay buo pa ring pag-aari ni Juno ang puso ko.

Umunat ako sa upuan nang mahagip ko ang sasakyang nag-overtake sa amin. Chevrolet pick-up? Si Juno iyon! Bigla akong nanlamig at sinalanta ng marahas na kaba. Basta na lang nagpulasan ang masaganang luha sa mga mata ko. Hindi kailanman naging totoo na ayaw ko nang makita si Juno. Pinagpipilitan lang iyon ng utak ko para maitawid ko ang bawat araw nang hindi sasabog sa lungkot ang puso ko.

"Nash!" Muntik na akong mahulog sa pagmamadaling makababa ng sasakyan ni Warren pagkahinto niyon.

"Juno," sambit kong hinagilap ang pick-up sa nagkalat na mga sasakyan sa parking area ng simbahan. Nahanap ko iyon at natanaw ko si Juno na naglalakad patungo sa pulta-mayor. Hindi ko na alintana kahit kasama niya si Konsehal Lidi Mae. "Juno!" Hinabol ko sila.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin