Chapter 13

1.3K 84 11
                                    

Matagumpay ang event ng school na nagtapos sa blessings at masaganang tanghalian sa lounge. Napagod ang mga binti ko dahil sa suot kong mule na may tatlong pulgadang takong. Buti na lang at inako na ng student council ang pagtulong sa after care committee para sa paglilinis at pagliligpit ng mga gamit.

Naupo ako sa plastic sofa at minasahe ang mga binti ko. Kasalukuyan kaming nagpapahinga ng mga kasama kong usherettes sa dressing area ng faculty office.

"Salamat sa inyo, girls. Good job," sabi ng directress na lumapit sa amin. "May 3 boxes of pizza bawat isa sa inyo. Sponsored by P/Capt. Hidalgo. Reward for the hard work today."

Naiwan sa ere ang paghinga ko habang ang tatlo kong kasama ay nagngitian sa tuwa. May pa-reward pa ang lalaking iyon. Makaraan ang kinse minutos ay dumating ang twelve boxes ng pizza para sa amin mula sa kilalang pizza house sa lungsod. Hinati-hati na iyon sa tigtatatlo at nakakoldon ng pulang ribbon.

Nilapag ko sa aking tabi ang tatlong boxes na pinagpatung-patong at kinalas ko ang ribbon. Naudlot ang pagbukas ko ng cover ng box  na nasa pinakaibabaw nang masilip ko ang tangkay ng half-bloom rose sa loob. Aligaga akong luminga-linga sa mga kasama ko. Baka may nakapansin sa kanila sa bulaklak. Buti na lang may kanya-kanya rin silang pinagkakaabalahan. Ibinalik ko sa pagkakatali ang pulang ribbon at dinukot ang cellphone kong tumunog.

Juno: Na-deliver na ang pizza?

Ako: Oo, kadarating lang. Thank you.

Juno: Isipin mo ako ang toppings.

Ako: Oo na.

Napangiti ako.

Juno: Pero kung ako na mismo ang nasa ibabaw mo, mas masarap ako.

May kasamang kumikindat na emoticon ang chat niya. Uminit ang mga pisngi ko.

Ako: Ang bastos mo!

Juno: After the wedding, mas magiging bastos pa ako.

Ako: Hindi kaya kita sasagutin, gusto mo? May pa-wedding ka na agad, lumiligaw ka pa lang.

Bumungisngis ako sa aking reply.

Malaking emoticon na umiiyak ang ni-reply niya pero sinundan naman iyon ng emoticon na nakalawit ang dila. Tinakpan ko ang bibig habang tumatawa. Loko talaga! Bored siguro ang lalaking iyon kaya nangungulit.

Ako: Nasa opisina ka na?

Juno: Ni mayor. May meeting ang peace and order committee.

Ako: Okay, behave ka po diyan, Capt.

Juno: Lagi naman. Uuwi ka na? Naghihintay sa iyo ang pick-up. Same spot.

Ako: Okay, thanks.

Juno: Be careful, I love you.

Lumundag ang puso ko sa huling chat niya. Nag-heart react ako at nagreply ng tatlong pulang heart emoticon. Itinago ko muli sa bag ang cellphone at lumapit sa may dresser. Tinanggal ko ang make-up ko gamit ang make-up remover.

"Mauna na kami sa inyo, Nash, Cee!" nagpaalam si Allyana sa amin ni Graciela. Kasama niyang palabas ng pinto si Kizaya na kumaway sa amin.

"Ingat kayo," sabi ko sa kanilang dalawa.

Sabay na rin kami ni Graciela na umalis doon. Hindi na ako dumaan sa classroom ko. Exempted kasi kami sa afternoon class. Sa may hagdanan ay nakasalubong namin si Warren. Mukhang galing pa siya sa program venue. Nakababa pa rin sa leeg niya ang headset at may bitbit siyang portable speaker.

"Ingat sa pag-uwi, girls!" Sa akin siya nakatingin. Iyong klase ng tingin na nakakailang na para sa akin. Pakiramdam ko kasi ay hindi na iyon gaya ng dati. Hindi na iyon tingin ng nagmamalasakit na guro. Mas malalim na at ipinagbabawal.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن