Chapter 18

1.1K 73 26
                                    

Black jeggings, rubber shoes na puti at  T-shirt namin sa BSA ang isinuot ko. May logo ng school sa harapan at sa likod naka-print ang pangalan ng department namin at kung anong level.

First trip ng inter-island na barko ng Jomalia ang sasakyan namin ni Warren. Alas-otso y media iyon, kaya ala-siyete pa lang ng umaga ay handa na ako. Tapos na akong mag-agahan at naghihintay na lang sa lalaki. Dadaan daw siya para sabay na kaming pupunta ng pantalan. Mas convenient nga naman iyon kaysa maghanapan pa kami roon.

"Ma, sa labas na ako mag-aabang kay Sir Warren!" Nagpaalam ako kay Mama na naglilinis ng kusina.

"Sige, 'nak. Ingat kayo sa biyahe!"

Binitbit ko ang bagpack at ang cellphone ko. Paglabas ko ng pinto ay sakto ring dumating ng sabay ang Chevrolet pick-up ni Juno at ang Wrangler ni Warren. Nakagat ko na lang ang labi nang makitang bumaba sa magkakaibang sasakyan ang dalawang lalaki. Nagpalitan sila ng tango at tumingin sa akin na palipat-lipat ang mga mata sa kanila.

Hinubad ni Juno ang suot na dark sunglasses at binitbit. Hindi siya naka-uniporme. Dark gray na pantalon ang suot niya, pero naka-combat boots siya. Sa itaas ay color biege na button down long sleeves. Hindi iyon naka-tuck in at nakarolyo ang mga manggas hanggang sa ibaba ng kanyang mga siko. Tumingkad sa pulso niya ang mamahaling relos. Si Warren naman ay polo shirt na kulay navy blue sa ilalim ng puting sweatshirt ang suot at itim na pantalong maong plus classic high-cut sneakers.

"Hindi mo sinabi kahapon na susunduin mo pala ako, may usapan na kami ni Sir Warren," sabi ko nang tangkang kukunin ni Juno ang bitbit kong bag. Kahit pa gusto kong sa sasakyan niya sumakay, ayaw ko namang magmukhang ginagago ko si Warren na nagpagod nang pumunta rito.

Igting ang mga pangang nilingon niya ang guro ko. Paano na lang kung magmatigas siya. Pero tumango siya at nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang.

"Alright, but you will transfer to my car once we'll get aboard the ship," pagkuwa'y pahayag niya at isinuot muli ang shades.

Napakurap ako. Umawang muna ang bibig bago nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Kahit si Warren ay hindi nakahuma.

"Sasama ka sa amin?" tanong ko.

"Sasabay ako sa inyo. May appointment ako sa Police Provincial Office."

Nagkataon lang ba o sinadya na naman niya? Tuwing may ganitong ganap ay hindi ko na maiwasang magduda na talagang binabakuran niya ako. Hindi na ako nakaangal nang akayin niya patungo sa sasakyan ni Warren. Tahimik namang sumunod sa amin ang instructor ko. Tingin ko ay hindi ito maka-move on sa pagtataka. Si Juno pa ang nagbukas ng pinto para sa akin sa may front seat.

"Doon na 'to sa pick-up," at tinangay niya ang bag ko.

"Hindi nga ako nagkamali ng kutob," nagsalita si Warren na pumuwesto na sa likod ng manibel at binuhay ang makina ng sasakyan. "Doon pa lang sa nakaraang event sa university napapansin ko na ang intensity niya sa iyo."

Lumunok ako ng hangin. "Mahal ko po siya," walang gatol kong sabi.

"Is that a rejection for me?"

"Gusto ko lang po maging honest." Sinulyapan ko sa side mirror ang pick-up na nakabuntot sa amin.

Nawalan ng kibo si Warren. Hanggang sa sapitin namin ang pantalan ay hindi na nadugtungan ang usapan. Pinagpasalamat ko iyon dahil hindi ko kailangang magpaliwanag kung bakit si Juno ang gusto ko. Hindi muna kami tumuloy sa loob ng piyer kasi kukuha pa kami ng ticket at terminal fee. Lumapit sa sasakyan namin si Juno at kinatok ang bintana sa aking tapat.

Ibinaba ko ang salamin. "Bakit?"

"I've got the tickets for us, you'll have to transfer to my car now." May tatlong tickets na nga siyang hawak. Siguro ay advance niyang kinuha iyon kasi hindi naman siya pumasok ng terminal kung saan naroon ang ticketing office ng Jomalia.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon