Chapter 33

1K 70 15
                                    

Hindi na nagawang umalma ni Warren pagkatapos marinig ang sinabi ng konsehal. Tiyak wala siyang nakahandang paliwanag kung hindi siya papayag na gaganapin dito sa kuwarto ko ang selebrasyon ayon sa hiningi ni Juno. Wala rin naman kasing ipinagkaiba sa kidnapping ang ginagawa niya sa akin ngayon. Yamot na napahabol na lang ang tingin niya sa mga kasamahan ni Lidi Mae na masiglang kumikilos sa loob ng kuwarto ko at tahimik na nagtrabaho habang nakaantabay ang konsehal.

Mabilis na nai-setup ng catering services ang buffet table. Ginagawa naman ng tatlong bakla ang mga palamuti. Hindi ko maiwasang ma-conscious sa madalas na pagdaan ng paningin ni Lidi Mae sa gawi ko. Kahit binibigyan niya ako ng tipid na ngiti, pakiramdam ko ay may kakaiba pa rin sa titig niya sa akin. Hanggang sa lumapit na nga siya sa akin.

"I heard today is your birthday too."

"Yes, Ma'am." Tango ko.

"It's nice. Magkasabay talaga kayo ni Juno ng kaarawan. Anyway, what we prepared for him is intended only for lunch. You can have your own celebration afterwards, I'm guessing Warren is preparing something special for you." Nilingon niya si Warren na nakaupo sa couch at nakatingin sa amin.

May hinanda ang lalaki para sa akin?
Pero bumitaw ang titig niya sa akin na para bang nahihiyang naboking ang plano niya. Sorpresa ba iyon? Baka magulantang na lang ako mamaya sa binabalak niya. Buti na lang at naunahan siya ni Juno ko. Kinuha niya ang cellphone at doon na nabuhos ang atensiyon niya.

Ibinaling kong muli ang mga mata ko kay Konsehal Lidi Mae.

"Natutuwa ako at nagkabati na kayo ni Juno. Sinabi niya sa akin kung ano'ng nangyari noong nasa simbahan tayo. Nagseselos daw siya at nagtatampo," kuwento ng konsehala at humagod sa mukha ko ang paningin niya. "I suggest you make yourself beautiful today," dagdag niyang bumaba ang titig sa aking leeg.

"Magbibihis po ako mamaya," sabi ko na lang. Dinalhan naman ako ng disenteng damit nina Chanley at Nitchee. Hindi naman siguro kailangan 'yong bongga? Ang imporatante presentable sakali may mga imporatanteng bisitang darating.

"I can help you with the make-up. Shantel here is my make-up artist, it's your birthday so I'll give you his services for free."

"Thank you po, Ma'am."

Tumango siya na may kasamang bahagyang ngiti. "Sa totoo lang, I do not approve you to be Juno's choice of girlfriend. But everytime I put up an argument he always fought hard for you and proved me why it has to be you." Umiling siya at ang ngiti ay nagiging mahinang tawa. "That man is so stubborn and hard, but I like him more that way."

Napalunok ako. Kung hindi siguro pinaramdam sa akin ni Juno na sapat na kung ano ako at minsan ay sobra pa baka pati ako ay maliitin ang sarili ko. Kung susukatin sa pamantayan ng tao, masyadong malayo ang agwat naming dalawa. Pero pagmamahal ang naging sukatan namin. Pagmamahal na bulag sa mga bagay na may kulang, mga bagay na may kapintasan. Pagmamahal na walang labis at walang kulang at may sapat na kakayahang tanggapin ang itinatakwil ng mga mata. Iyon ang klase ng pagmamahal na pinaniniwalaan kong mayroon si Juno para sa akin at mayroon ako para sa kanya.

"I like him a lot, aaminin ko. Nasa mainland pa lang ako kilala ko na siya. We go out sometimes, I have other girlfriends too who had a crush on him. Wala man lang isa sa amin ang mapalad. Iyon pala'y dahil nandito sa isla ang sinasabi niyang heartmate niya." Para lang siyang nagkukuwento ng normal na ganap sa buhay samantalang ang puso ko ay halos sumabog na. 

Pasado alas-diyes ay handa na ang lunch buffet. Ako naman ay kasalukuyang inaayusan ni Shantel.

"Hi, ate. Wow, ang ganda mo na!" bulalas ni Janine matapos akong ayusan ni Shantel.

Nagulat na lang ako. Kasama ng dalagita si Toby at may dala silang parihabang gift box na hindi nakabalot ng kahit anong fancy wrapper. Hindi na rin sila nagawang harangin pa ni Warren.

"Dala ko ang dress mo, ate. Tutulungan kitang magbihis."

Binuksan ni Toby ang gift box at tumambad sa akin ang electric red dress na may kasamang gold stiletto.
Sinamahan ako ni Janine patungo sa loob ng banyo. Nakasunod sa amin ang paningin nina Warren at Toby.  Inalalayan ako ng dalagita habang nagbibihis. Nakababa lang ang buhok ko. Hindi kailangan ng anumang accessory para itago ang benda.

"Si kuya ang pumili nitong dress. Bagay na bagay sa iyo," sabi ni Janine at maingat akong pinaiikot. Hanggang sakong ang haba ng damit. Kimono style ang upper part at mayroon bishop sleeve na hanggang siko. Malamig sa balat ko ang tela at tumingakad ang kulay ng kutis ko.

"Salamat, kasama mo ba ang mga magulang mo?" tanong ko.

"Yep, naroon sila kay kuya. Pupunta na sila rito mayamaya."

"Doon din ba galing si Toby?"

"Toby? Sinong Toby, ate?" kumunot ang mga kilay niya.

"'Yong lalaking kasama mo."

"Ah, si Thomas Benjamin? Toby ba ang nickname niya?" Umilap ang mga mata niya at napansin ko ang pagpula ng kanyang mga pisngi. "Mas gusto ko 'yong Benjamin."

"Maganda nga 'yon. Guwapo siya no?" may halong tudyo kong wika.

Tumango siya. Lalong nag-blush. "Guwapo nga, ano lang, medyo masungit at cold. Close po ba kayo?"

"Classmate ko siya. Top siya sa klase namin saka magaling din siya sa sports. Naglalaro siya ng sipak-takraw at soccer."

"For sure mai-inlove lalo si kuya sa iyo," nakangiti niyang sagot. Nagkunwari siyang hindi gaanong interesado sa sinabi ko at sinuri ang damit ko sa likod. Halatang napapansin niya ang tindig ni Toby base sa kanyang expression.

Nakaabang sa amin sina Warren at Toby paglabas namin ng banyo. Nahinto pa ako nang hawakan ni Toby ang kaliwa kong pulso at isinuot sa akin ang gold-plated na relos. Wala na akong pagkakataong tumanggi pa.

"Happy birthday," mahina niyang bati.

"Thank you." Tipid akong ngumiti.

Si Warren na kanina pa nakabusangot ay nagtagis ng mga bagang.

Bumukas ang pinto. Parang may kunehong lumundag sa loog ng dibdib ko nang pumasok si Juno kasama ang mga magulang niya. Nagtagpo ang mga mata namin. Bukas ang harapan ng itim na long sleeves na suot niya at nasa ilalim niyon ang shirt na may shades na pula kapag tinamaan ng liwanag ng ilaw. Bumakat doon ang mga masels niya sa dibdib. Purong itim ang suot niyang pantalon at nakatuck-in sa brown boots na may strap at buckle. Medyo messy ang brush up ng buhok niya at lalo siyang gumuwapo.

Hindi ko magawang kumurap. Ayaw kong may makaligtaang detalye sa hitsura niya ngayon. Kumaripas ang tibok ng puso ko pero pakiramdam ko ay napako ang patak ng oras. Bawat hakbang niya papalapit sa akin ay hinuhugot ang hininga ko. Gusto ko nang tumakbo para salubungin siya pero naka-glue yata sa sahig ang suot kong stiletto.

"Juno," pabuntong-hininga kong sambit nang hawakan niya ang kanan kong kamay.

"Did you dolled up for me?" Umuklo siya at pinatakan ng halik ang labi ko.
"Happy birthday, Nazarita. I love you."

Para akong kiti-kiti na hindi mawari kung ano'ng dapat maramdaman dahil sa maghalong saya, kilig, hiya at excitement na bumuhos sa akin. Hindi lang kami ang naroon. Nakaantabay sa amin ang mga magulang niya. Nakangiti sa akin ang mommy niya at si Janine. Sina Konsehal Lidi Mae at ang mga kasama nito ay tahimik ding nanonood. Si Toby ay nakatuon din sa akin at si Warren ay nakaiwas sa amin ang paningin. Gumagalaw ang mga panga.

"I love you, Juno. Tulad ng pinangako ko, pumapayag na akong-" pinigilan niya sa daliri ang bibig ko.

"Please, make your sweet 'YES' a partner for this," hinugot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang crystal ring box at binuksan. "Will you promise to marry me when you're ready? I can wait no matter how long. Will you marry me?"

"J-Juno..." napalunok ako at mula sa guwapo niyang mukha ay nalaglag ang paningin ko sa diamond ring. Hindi ko madama na ginagawa niya ito para apurahin ako. Ang pagbalya ng puso ko ay hindi dahil napi-pressure ako kundi dahil masayang-masaya ako. "Yes, papakasal ako sa iyo, Juno."

Pinakawalan niya ang pinipigil na hininga at nagmamadaling isinuot sa akin ang singsing. Para bang takot siyang magbago ang isip ko. Palakpakan ang mga nakapalibot sa amin. Niyakap niya ako. Naiiyak ako kaya ibinaon ko sa dibdib niya ang mukha ko. Sana nasaksihan din ito ng mga magulang ko.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now