Chapter 27

1K 62 38
                                    

Isang linggo pa bago ako nagkaroon muli ng balita tungkol sa mga magulang ko. Nahanap na sila sabi ni Warren. Nasa mainland at hawak nga ng mga tauhan ni Juno. Sa pagkakaintindi ko ay naka-detain sila sa isang safehouse ng kapolisan. Hindi ako pwedeng pumunta dahil suspek talaga sa drugs si Papa kahit ayaw ko mang paniwalaan.

Blessing in disguise na rin siguro na napasama sina Mama at Bonbon noong kunin si Papa ng mga police sa amin. Kung hindi ay kaming tatlo ang lalamunin ng apoy. Doon daw muna sila sa safehouse dahil wala na rin namang bahay na babalikan sa amin. Kahit papaano ay napalagay ang loob ko dahil ligtas sila at maayos. Iyon na muna ang mahalaga.

Nawala ang atensiyon ko sa binabasang aklat nang maingat akong hapitin ni Warren at hagkan sa tainga. Kumislot ako nang magsimulang lumandas pababa sa leeg kong may benda ang kanyang labi. Kahit hindi tumatagos ang kanyang halik pero nagbigay iyon ng tension sa balat kong hindi pa lubusang naghilom.

"Warren..." banayad ko siyang itinulak palayo.

Bumuntong-hininga siya. "Sorry, I just get carried away. Ayaw kong isipin mong sinasamantala ko ang pagkakataon habang nandito ka sa akin. Pero mahal kita, Nash. Gusto kong iparamdam iyon sa iyo. Handa akong pakasalan ka."

"May dalawang taon pa ako sa college, gusto ko munang magtapos bago ko iisipin ang pagpapakasal." Ibinaba ko ang libro sa aking kandungan.

"Kung wala sanang asungot gaya ni Toby na nangungulit sa iyo kahit three years pa kaya kong maghintay." Hinawakan niya ang kamay ko. "I had a talk with the school directress about my romantic intention towards you. Nagkaroon pa kami ng mahabang debate bago ko siya nakumbinsi na payagan akong ligawan ka."

"Taboo pa rin iyon."

"We are moving into the millineal's age, Nash. Kailan pa ba pwedeng tanggapin ng society ang pagmamahalan ng isang guro at estudyante kung parehas naman silang malaya? I don't understand why people should have the right to stop me from loving my student? Kung code of ethics ang pag-uusapan, gagawin naman natin in private ang sweet moments natin."

Nalukot ang mukha ko. "Kung magsalita ka para bang girlfriend mo na ako."

Humalakhak pa siya imbis na mapahiya. Mga lalaki talaga ang hahaba ng ihi. Manliligaw pa lang pero kung maka-claim daig pa ang inasawa na. Naibaling ko sa kawalan ang paningin ko. May isang tao na mas masahol pa kay Warren kung mangbakud ng teritoryo. Akala ko sa paglipas ng mga araw ay unti-unti nang lalabo sa utak ko ang mga bagay tungkol sa kanya. Pero tuwing gumising ako sa umaga'y siya pa rin ang una kong naiisip kasama ng sakit na sariwa pa rin sa puso ko.

"Ano ba? Magtigil ka nga!" Pinalo ko ng aklat si Warren na hinalikan na naman ang tainga ko.

"Ayaw mo sa tainga? Gusto mo subukan ko sa lips mo?" panunukso niya.

"Gawin mo at nang mabungi ka," banta kong iniumang sa kanya ang matigas na spine ng libro.

"Gusto kong matakot pero lalo ka lang gumaganda tuwing nagagalit," banat niyang nagpatirik ng mga mata ko. Hindi ko masabi sa kanyang hindi ako natutuwa sa ganito. Nakakandado pa rin kasi ang puso ko sa nag-iisang pag-ibig. Si Juno Hidalgo. Hindi ko tiyak kung kailan ako makalalaya sa damdaming ito o kung makalalaya pa ba ako.

Maaga akong nagising nang sunod na araw. Papasok na kasi ulit ako sa eskwela. Pumayag na ang doctor basta hindi muna ako sasali sa mga aktibidad sa school na masyado akong mapapagod.

Pumili ako ng maisusuot sa mga damit na binili ni Warren para sa akin. Kailangan 'yong malambot at hindi mainit. Maselan pa rin ang mga paso ko kahit papahilom na. Kinuha ko sa hanger ang off-white na bestida. Button-down iyon at may belt. Three-fourth ang manggas at sapat lang para takpan ang benda sa braso ko. Lagpas tuhod ang laylayan.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now