Chapter 34

1.1K 67 16
                                    

Sinimulan ang salu-salo matapos ang tila walang katapusang pagbati ng mga naroon para sa kaarawan namin ni Juno. Naupo kami sa nireserbang espasyo ng buffet table. Sa harap namin ang masaganang tanghalian at ang tatlong layers ng birthday cake. Tapos na kaming mag-candle blow kanina at binawasan ko na agad ng isang slice ang cake. May mangga at cherries iyon sa loob.

"Don't feel rushed about my proposal," nagsalita si Juno at isinubo sa akin ang maliit na piraso ng chicken fellet matapos niyang isawsaw sa spicy sauce.

Magkasalo kami sa iisang pinggan. Daig pa namin ang bagong kasal. Sabagay bagong engaged naman kami kaya okay lang pero ayaw na humupa ng apoy sa pisngi ko. Baka mamaya magka-third degree burn ako sa mukha.

"Magtatapos pa ako ng college," sagot kong sinipat ang engagement ring sa aking daliri.

Sobrang kinang ng diamond. Parang bituin na madalas kong pagmasdan sa gabi. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Akala ko dati ako ang magbibigay sa kanya ng sorpresa. Later on, noong nalaman kong magka-birthday kami naisip kong birthday gift ko na sa kanya ang matamis kong Oo.

"Having able to make you wear that ring is enough for me. Waiting to bring you to the altar will be another milestone I am so looking forward to do after you finished school." Hinawakan niya ang kamay kong may suot ng singsing.

Umunat ako sa inuupuan ko nang mapansin ko si Lidi Mae na papalapit sa amin bitbit ang bote ng Champagne na kabubukas lang. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"I'd like to propose a toast for our birthday couple." Nagsalin si konsehala sa dalawang baso at ibinigay sa akin. Inubos niya sa ibang mga baso ang natitirang laman ng bote.

"Thank you for organizing this party, Lidi." Dinampot ni Juno ang isang baso. "We will share this one."

Magiliw na umiling ang babae at tumingin sa akin. "Can I give him my birthday kiss intended for you?" biro nito.

Nataranta ako. Hahalikan daw niya si Juno imbis na ako? Hindi iyon pwede. Pero hindi ko alam paano siya tanggihan ng maayos. Nalilitong tumingala ako sa lalaki na tumatawa. Natutuwa ba siya? Gusto niyang hahalikan siya ni Lidi Mae?

"Thanks, but I will pass for the kiss, Lidi. Give it to my little girl instead," pahayag ni Juno. Nakatulala naman ako sa kanya. Na-o-obssessed na yata ako sa kanya. Kahit ang boses niya ay sobrang sarap pakinggan.

"I really hate how faithful you can get, Juno. Pangit mo ka-bonding." Inangat ni Lidi Mae ang baso niya. "Cheers to our birthday boy and girl!"

"Cheers!" Sumali ang lahat sa toast na iyon, pati mga magulang ni Juno.

Matapos kong tikman ang champagne ay sunod na lumapat sa labi ko ang halik ni Juno. Nalasahan ko pa ang aroma ng inumin na naiwan sa kanyang labi at dila.

"Mas masarap, 'di ba?" pilyo niyang anas.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na alam kung alin ang unang iintindihin, ang mga pisngi kong tupok na kanina pa o ang puso kong nababaliw na ang tibok. Iginala ko ang paningin. Nakatanaw sa amin sina Toby at Janine mula sa kabilang dulo ng mesa. Si Warren ay wala roon at nagpaalam kanina na may pupuntahan. Palagay ko ay nagdahilan lang para umiwas sa party. Buti na rin at nang makapagpahinga naman ako sa tension sa pagitan nilang dalawa ni Juno.

Nagtuloy ang kasiyahan hanggang ala-dos ng hapon. Saglit pa akong kinausap ng mga magulang ni Juno at kinumusta.

"About your parents, we wanted to help but Juno told us to stay in corners or we might ruin his plans. Pasensya ka na, Nash. Pero may tiwala naman ako sa kakayahan ng anak ko. Minsan man ay hindi pa siya pumalpak," paliwanag ni Sir Jonas.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon