Chapter 40

1.1K 63 17
                                    

Mahigit twenty missed calls mula kay Juno ang nakabinbin sa cellphone ko. Wala pa rin talaga akong balak na kausapin siya. Hindi ko rin naman alam kung ano'ng sasabihin ko. Baka masumbatan ko lang siya agad sa halip na tanungin ng maayos. Kailangan ko munang mapalamig ang nadaramang inis at tampo.

Matamlay akong lumabas ng kuwarto ko. Gutom na gutom na ako. Hindi kasi ako kumain ng hapunan kagabi dahil sa sama ng loob. Dumeretso ako sa kusina pero nahinto dahil si Juno ang nadatnan kong naroon at naghahain ng almusal sa dining table. Nandito pala siya. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng exclusive niyang killer smile? Tunaw na naman ang puso at kaluluwa ko. Walang saysay ang galit ko kung ganito lang niya kabilis alisin sa aking sistema.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niyang naglakad papalapit sa akin.

Masama ang pakiramdam? Baka masama ang loob. Gusto kong sabihin pero ayaw ko nga siyang kausapin kaya tumango lang ako. Tinangka niyang hawakan ako ngunit mabilis akong umilag at kumaripas patungo sa hapag. Lalo akong manlalambot kung magpapahalik pa ako sa kanya.

"Nash," nasa tono niya ang pagtataka.

Dapat lang. Magtaka siya hanggang gusto niya. Mamaya kapag busog na ako magkaroon na ulit ako ng lakas ng loob na mainis sa kanya kahit one-fourth lang. Para siyang hangin, ang bilis nakarating sa tabi ko at inurong ang silya para sa akin. Alam ko may tendency siyang maging makulit. Mas makulit pa kina Toby at Warren kaya hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya.

Naupo ako. Pumasada ang paningin sa mga pagkaing nakalatag sa aking harapan. Paprika Sausage, Bacon, fried eggs, Tomatoes, Beans in tomato sauce, and toast. Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. Tahimik akong kumakain habang nanonood siya.

"I know you're missing your parents and Bonbon, I'm doing everything to get them back within the week," pahayag niyang itinukod ang kanang kamay sa gilid ng mesa.

Inisip ba niyang iyon ang dahilan kaya ayaw ko siyang kausapin? Grabe, wala ba talaga siyang ideya na pwedeng nakita ko ang mga litratong pakaiingatan niya? Ang mga litrato ng kanyang ex. Sana man lang kasi binigyan niya ako ng kunting hint na may pictures pa siya ng babaeng iyon para hindi ako magmukhang naputukan ng talong. Hindi ko man lang naihanda ang utak at damdamin ko.

"Masama ang loob ko pero hindi iyon ang dahilan. Alam ko namang ginagawa mo ang lahat." Napilitan na akong magsalita sabay irap sa kanya.

"Then tell me what's wrong, don't make me guess. Kagabi mo pa hindi sinasagot ang tawag ko. Kung may nagawa akong hindi mo nagugustuhan, sabihin mo sa akin kaysa manahimik ka at iwasan ako." Mababa lang naman ang boses niya pero napukaw ang inis ko. Bakit parang ako pa ang may kailangang ipaliwanag?

Tumayo ako. Nawalan na ako ng ganang ituloy ang pagkain. Banas na naglakad ako palabas.

"Nazarita!" Humabol siya at hinawakan ako sa braso.

Pumiksi ako. "Ano ba?" Balak kong tumakbo papuntang kuwarto ko pero kinarga niya ako. Hindi na ako nagpagod na pumiglas pa. Masyado siyang malakas para sa akin.

Dinala niya ako sa kanyang silid. Malaki ang kuwarto niya. Maluwang. Hindi siksikan ang mga gamit pero marangya pa rin ang dating. Ibinaba niya ako sa kama. Nagsimulang umarangkada ang tibok ng puso ko nang hubarin niya ang upper part ng fatigue uniform niya. Naiwan ang itim na slim-fit black shirt na may tatak pa rin ng PNP.

Ano'ng gagawin ng lalaking ito? Umusod ako sa may headboard ng kama. Sumiksik doon, yakap ang sarili ko. Bagamat kunot ang mga kilay na lumapit siya sa bedside table at dinampot ang picture frame roon na naglalaman ng larawan ni Sam.

Matalim ang buntong-hiningang pinalaya ko. "Ngayon alam mo na ba kung bakit ayaw kitang kausapin?"

Tumingin siya sa akin, lalong kumunot ang mga kilay. "But I have no idea what is this picture doing in my room."

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon