Chapter 21

1.1K 77 11
                                    

Wala akong imik habang nasa biyahe papuntang Juana Osmeña, Capitol. Si Juno ay tahimik din at tila malalim ang iniisip habang nagmamaneho. Ang nerbiyos ko sa nangyari roon sa memorial garden ay idinaan ko na lang sa paulit-ulit na buntong-hininga kahit may nakapagsabi sa akin na hindi raw iyon makabubuti sa puso. Sumulyap ako sa side mirror, kita roon ang Wrangler ni Warren na nakabuntot sa amin. Alam kong nasagad rin kanina ang pagtitimpi ng guro pero kahit papaano ay nanatili siyang mahinahon, napahanga niya ako roon.

Mula Riverside, Mandaue City, ang lokasyon ng sementeryo'y inabot kami ng mahigit trenta minutos bago namin narating ang bahay ni Juno. Nag-atubili pa rin akong bumaba matapos niyang i-park ang sasakyan sa maluwang na bakuran ng malaki at modernong estruktura ng bahay. Gumala ang mga mata ko habang hinahamig ko ang sarili.

Matiyagang naghintay naman si Juno sa labas ng pintong binuksan niya para makababa na kami ni Sheena. Walang saysay kung padadaig ako sa nerbiyos gayong kusang-loob naman akong sumama rito. Maayos kong kinarga ang batang mahimbing na nakatulog sa aking kandungan at umibis kami ng sasakyan. Isinara niyang muli ang pinto habang nilingon ko si Warren na nakababa na rin ng Wrangler.

"Sir!" Lakad-takbong lumapit sa amin ang dalawang guwardiya na nagbukas ng gate kanina. Akmang kukunin nila ang bagpack na bitbit ni Juno pero hindi niya ibinigay.

"It's alright," sumenyas siyang bumalik na sa pwesto ang mga ito. "Warren!" saka niya tinawag ang guro at pinasusunod sa amin sa loob ng bahay.

Tumango si Warren at nalipat sa akin ang titig. Hanggang sa mga sandaling iyon ay naroon pa rin sa mga tingin niya sa akin ang tanong kung sigurado ba ako sa ginagawa ko. Binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti para kompirmahin na ayos lang ako.

Inakay ako ni Juno papanhik ng bahay. Sa bungad ng pinto'y nag-aabang sa amin ang isang dalagita na tingin ko ay nasa pagitan ng katorse o kinse ang edad. Mala-porcelana ang maputing kutis. Maiksi ang buhok na bumagay sa maliit nitong mukha. May hawig ito kay Juno.

"Kuya, kanina pa namin kayo hinihintay. Naihanda na nga namin ni Nanay ang dinner, eh. Masyado silang excited ni Tatay," masaya nitong sabi na ang ngiti ay may halong lambing. Itinabi nito ang sarili at hinayaan kaming pumasok.

"We dropped by at Jun's memorial," sagot ni Juno at umuklo, tinanggap ang matunog na halik sa pisngi mula sa dalagita.

"Hello, Ate! Ako po si Janine, little sister ni Kuya Juno, nice to meet you." Pagkuwa'y bumaling ito sa akin at ako naman ang hinagkan sa pisngi. Saglit akong natigilan. Hindi ko kasi iyon inasahan.

"Nice to meet you too, ako si Nash." Pakilala kong nilangkapan ng sigla ang tono. Naturingan sigurong dalagita ito pero magkasing-tangkad na kami o baka mas angat pa nga ito sa akin ng ilang pulgada.

"Nash? Nickname n'yo po ba 'yon? Sabi kasi ni Kuya sa amin Nazarita ang pangalan mo."

Tumango ako. "Nazarita ang real name ko."

"Okay, pwede n'yo po akong tawaging Nine as in number Nine. Mga numero po ang palayaw namin ni Kuya. Siya ay Uno, tapos ako ay Nine."

Nakangiting tumingin ako kay Juno. May kakaibang hagod ang palayaw ng lalaki. Para bang pribado ang dating at ang tanging pwedeng tumawag n'on sa kanya ay 'yong malalapit lamang sa pamilya niya.

"This is Warren, teacher ni Nash." Nagkusa na siyang ipakilala si Warren nang matuon sa lalaki ang paningin ni Janine.

"Hi po, Sir!"

"Hello," mahinang ganti ni Warren sa pormal na tono bagama't sinamahan nito ng bahagyang ngiti.

"Make yourself at home, Mr. Dela Torre," kaswal na pakli ni Juno na itinuro ang hilera ng mga couches sa sala. "Nine, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Ask the maid to prepare a room for him." Baling niya sa kapatid at kinuha sa akin si Sheena. Hinapit niya ako paakyat ng hagdanang nalalatagan ng abuhing carpet.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now