Chapter 19

1.1K 79 14
                                    

Tama nga si Warren. Hindi ako nagsisi na sumama rito. Bukod sa nagkaroon ako ng mga bagong kakilala'y  marami akong natutunan sa programa. Informative ang bawat presentation sa kada school na sumali. Pangatlo kaming nagpresent kaya hindi ako gaanong kinabahan at napagtuunan ko ng pansin ang mga sumunod na naglahad ng kanilang presentation.

Sa university coliseum ginanap ang event, dinaluhan ng ilang opisyal ng kapitolyo at ng siyudad. Narito rin ang taga-region. Hindi siksikan sa loob dahil mga deligado lang mula sa iba't ibang sangay ng pamantasan sa mga lungsod ng lalawigan ang nandito.

Binalikan ako ni Warren sa table namin matapos siyang kausapin ng ka-batch niya noong college. Dito siya nagtapos sa main campus at narinig kong nakakuha siya ng latin honors. Magaling naman talaga siyang guro. Versatile. Kasali rin yata siya sa varsity ng basketball team dito noong nag-aaral pa. Karamihan sa mga guro na dumalo ay kakilala niya.

"Okay ka lang ba? Hindi ka na-bore?" tanong niyang ibinigay sa akin ang softdrink na bitbit niya.

Umiling ako. "Hindi naman. Uminom na ako kanina," malumanay kong tanggi.

"Malapit na 'tong matapos. Hintayin na lang natin ang distribution of certificates." Tinungga niya ang laman ng bote. "Nabusog ka ba sa lunch?"

Tumango ako. Cater ang tanghalian namin at hinahatid lang ng mga waiter sa aming table ang mga pagkain. Masarap naman lalo na ang veggies at lechon na isa sa specialty ng Cebu. Dumako muli ang paningin ko sa kabilang mesa malapit sa amin. Mga babaeng guro ang naroon at kanina ko pa sila napapansin na panay ang tanaw kay Warren. Mukhang hindi sila old acquaintance ng lalaki kasi didma lang siya.

"Sir, feeling ko pabaliktad ang programa nila para sa mga magsasaka." Nagbukas ako ng mapag-uusapan. Kanina ko pa iyon gustong i-discuss sa kanya.

"Like how?" tanong niya.

"Hindi ba dapat magsisimula sila sa investment nila sa mismong mga magsasaka? Hindi pa ba sila nadala sa dating programa nila? Kapag sa LGU ulit nila ida-download ang budget, may tendency na hindi iyon makarating sa beneficiaries. Fertilizers nga ay pahirapang makarating, eh. Dadaan pa kasi iyon sa barangay officials tapos 'yong mga opisyal ng barangay ang pipiliin lang na bibigyan ay mga kamag-anak nila."

"Iyan din ang madalas kong napapansin. Pero kung maglagay ng monitoring para sa barangay affairs baka masolusyonan ang ganitong kakulangan."

"Saka kulang po sila sa orientation para sa mga programang hindi pa pamilyar ang mga magsasaka. Dapat may information drive para hindi masayang ang budget. Pera ng taong-bayan iyan. Parang nakikita ko ang pattern na kaya lamang sila gumagawa ng ganitong event ay para makakuha sila ng budget galing sa national at siyempre kickback na rin." Napairap ako.

Tumawa si Warren. "Ang talas ng dila mo ngayon, pero gusto ko iyan kaysa magbulag-bulagan ka at manahimik."

"Ilang taon na ba silang may ganitong launching pero hindi pa rin tayo makausad?" Tuluyan nang napukaw ang kinikim kong pagkadismaya sa ganitong kalakaran ng pamahalaan. "Pahirapan pa rin kung kumita ang mga magsasaka at hindi pa nabibigyan ng ayuda tuwing nasalanta ng mga kalamidad ang pananim nila. Dapat patatagin muna ang programa. Tingnan ang mahihinang parte at aayusin kaysa kuha tayo nang kuha ng budget sa kaban ng bayan na napupunta lang naman sa bulsa ng iilan."

Hinayaan lang ako ni
Warren na maghimutok doon. Tingin ko ay natutuwa siyang makinig sa hinaing ko. Swerte lang talaga at walang nabubuong grupo ng aktibista sa isla. Kung mayroon malamang ako ang mangungunang nagmamartsa sa kalye at nag-iingay.

"Ms. Nazarita Tacum?" Lumapit sa amin ang isa sa mga gwardiya.

"Ako nga po iyon, kuya. Bakit po?"

"May naghahanap sa iyo sa labas." Itinuro nito ang labasan ng coliseum. "Mag-ama mo raw. Hinahanap ka na raw kasi ng baby n'yo."

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now