Chapter 38

1K 67 21
                                    

Nilayasan ako ng antok at kahit pilitin kong matulog ayaw naman mawala sa isip ko ang babaeng nasa litrato. Sino kaya iyon? Bakit may picture siya rito sa bahay ni Juno? Guest kaya siya? Kamag-anak? Kaibigan? Ano'ng relasyon mayroon siya sa lalaking mahal ko?

Sumuko na akong ipikit ang mga mata. Pakiramdam ko ay lalo akong mapupuyat. Kailangan kong malaman kung sino 'yong babae para matahimik ako. Bumangon ako at lumabas ng kama. Buti na lang at nasa sala pa si Mayet, nanonood ng movie sa 52 inches wall television. Muntik pa akong tumakbo nang bumungad sa akin ang paparating na malakas na baha mula sa palabas.  Huminga ako ng malalim at nilapitan si Mayet na buhos ang konsentrasyon sa pinapanood.

"Excuse me, Mayet." Maingat kong pukaw sa kanya at itinago muna sa likod ko ang mga kamay habang hawak ko ang picture.

Agad niyang binawi ang mga mata sa tv at tumingin sa akin. "Ikaw pala, Nash. Hindi ka ba makatulog?"

Umiling ako. "Hindi, eh."

"Mahina ba 'yong aircon o masyadong malamig? Pwede natin i-adjust."

"Hindi iyon."

"Ano pala? Ah, namamahay ka siguro. First time mo matulog dito no? Ganyan din ako minsan lalo na kung sa hotel. Hirap akong makatulog."

Madaldal si Mayet. Naalala ko sa kanya si Maricel. Siguro dahil doon kaya komportable akong kausapin siya kahit kakakilala lang namin. 

"Nakita ko ito roon sa kuwarto." Ibinigay ko sa kanya ang litrato.

Kinuha niya naman at tiningnan. Nagdikit ang mga kilay niya. "Paano ito napunta roon?"

"Kilala mo? Ang ganda kasi. Artista ba siya?"

"Hindi ko siya kilala personally, pero ang alam ko ex-girlfriend siya ni Captain. Sam ang pangalan niya, taga-Cebu City yata."

Sam? Si Sammer na mommy ni Sheena at live-in partner ni Weljun? Napalunok ako. Muli kong sinipat ang babae sa picture. Sobrang ganda talaga. Kung ikompara kami, parang panaginip at bangungot. Ayaw kong maliitin ang sarili ko pero ang tindi ng nadarama kong insecurity.

"Patay na yata siya. Balita ko naaksidente. Sayang, 'no? Ang ganda-ganda niya, pang-Bb. Pilinas ang beauty at katawan."

Hindi ako makasang-ayon sa sinabi ni Mayet. Abala ang utak ko sa pag-estima sa naghihimagsik kong dibdib. Sabi ni Warren inagaw ni Weljun si Sam kay Juno. Ayon naman kay Juno break na sila ng babae. Malamang si Weljun ang third party ng hiwalayan at labag sa loob ni Juno ang break-up na iyon kaya hanggang dito sa isla ay dala-dala niya ang mga alaala ni Sammer. Bakit pakiramdam ko bigla akong nagiging rebound? Mukha kasing hindi pa naka-move on si Juno sa babaeng iyon.

"Nash, okay ka lang ba? Nakatulala ka na diyan."

"O-okay lang ako, babalik na ako sa kuwarto ko." Nagpaalam ako kay Mayet at pumihit pabalik sa silid na tutulugan ko.

Dinibdib ko ng husto ang presensya ng picture kaya wala akong itinulog buong magdamag. Kung kailan mag-uumaga na ay saka naman ako naidlip at naalimpungatan sa mga katok mula sa pinto. Bumangon akong nakapikit pa rin ang mga matang nanghahapdi sa antok. Napangiwi ako nang subukan kong dumilat. Bumaba ako ng kama at tinungo ang pintuan. Binuksan.

"Morning, Toby." Nahihikab kong bati sa lalaking nasa labas at nakatulala sa akin.

Hindi siya sumagot. Parang tuod lang doon. Ngumuso ako at di-sinasadyang nayuko ko ang sarili. Gulantang na itinulak ko palayo si Toby at binalya pasara ang pinto. Tutop ko ang dibdib na tiyak nakita ni Toby dahil manipis ang suot kong pantulog. Sobrang iksi pa n'on. Kinutusan ko ang sarili. Burara ko talaga. Kung nandito si Mama siguradong nakurot na ako sa singit.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now