Chapter 46

1.2K 67 8
                                    

Binigyan ako ng special exam ng mga professors ko at iilang projects para mapunan ko ang mga araw na hindi ako nakapasok ng school. Tinulungan ako nina Toby, Maricel at Pejay na mag-review bago ang araw ng pasulit. Abala ako sa pagsalansan ng mga gamit ko sa loob ng bag nang marinig ko ang hagikgikan ng mga kaklase kong nasa corridor. Sinundan iyon ng mahihinang katok mula sa pintong bukas naman at nakahawi sa gilid.

Kumurap ako nang makita si Juno na pumasok, nakapinta sa labi ang ngiting sigurado akong dahilan ng kaguluhan ng mga ka-eskwela kong nasa labas. Parang baha ang mga classmates kong nagsiksikan sa pintuan habang papalapit sa akin ang lalaking nagbibigay ng kiliti sa puso ko araw at gabi. Bumuntong-hininga ako at ngumiti ng matamis.

"You're finished with the exam?" tanong nitong hinaplos ng hinlalaki niya ang aking pisngi.

"Oo," tango ko. "Katatapos lang," niyuko kong muli ang laman ng bag ko. Sumikip iyon dahil sa snacks na baon ko. Ayaw kasi niyang pumayag kanina na pumasok akong walang snacks na baon. Siya mismo ang bumili ng mga iyon. Sinubukan ko talagang maubos iyon kaninang break-time pero busog din ako sa breakfast namin. Baka sumakit ang tiyan ko kapag pinilit ko.

Tumingin siya roon at bahagyang pumiksi ang kanang kilay. "Hindi ka nag-snacks?"

"Kumain ako kanina pero kunti lang, busog pa kasi ako sa breakfast natin. Baka hindi na ako ganahang mag-dinner mamaya," paliwanag ko at isinara na ang zipper ng bag. Baka kalkalin niya pa at magdidiskusyon na naman kami.

"It's important to get a proper nutrition. Huwag kang makikiuso sa diet-diet na iyan. I don't mind kung tataba ka or what," pahayag niyang binitbit ang bag ko at inakay na ako palabas.

Nahawi sa tabi ang mga kaklase kong hindi na mapuknat ang mga ngiti at tukso sa mga mata. Ang iba ay kumakaway sa amin. Gumanti ako ng kaway.

"Nasabi mo lang iyan dahil hindi pa ako mataba. Kapag bumilog na ako ng husto baka maghanap ka naman ng sexy at payat," pahaging kong himig nagbibiro.

Pasekreto niyang pinisil ang balakang ko. "Magpataba ka muna para malaman natin," hamon niya sa akin.

Sinimangutan ko lang siya. Pero ang totoo ay gusto ko rin namang subukang tumaba ng kunti, hindi iyong sobrang taba, 'yong chubby lang para naman malusog akong tingnan. Kunting bawas na lang kasi ng timbang ko, magmumukha na talaga akong malnourished. Bumagsak ang timbang ko nitong nagdaang mga buwan dahil sa nangyari. Hindi pa rin nakabawi ang katawan ko sa dating timbang mula nang lumabas ako ng hospital at kahit ngayong balik na sa normal ang buhay namin.

"Do you have anywhere else you want to go?" tanong niya pagkababa namin ng school ground.

"Wala na, pero hahanapin ko pa sana sina Toby at Maricel para magpasalamat. Tinulungan kasi nila akong magreview." Luminga-linga ako, pagbabakasaling mahagilap ko ang mga kaibigan mula sa kalat-kalat na umpukan ng mga estudyante.

Pero imbis na ang dalawa'y si Warren ang nahanap ng mga mata ko. Nasa labas siya ng volleyball court at tila may meeting sa varsity team. May coach naman ang koponan pero siya pa rin ang in-charge para mag-oversee sa sports dito sa eskwelahan. Mahusay kasi talaga siya sa strategy. Ilang invitational game na rin sa mainland ang naipanalo namin dahil sa kanya.

"Tagalan mo pa ang pagtitig at magseselos na ako. Kapag nagselos ako nagseselos din si general at baka hindi ko na siya makontrol," bumulong sa tainga ko si Juno na nagpasinghap sa akin.

Dagli kong binawi ang paningin at tumingala sa kanya. "Kumusta na nga pala ang kapatid niyang police? Sumuko na ba?" Nakahanap ako ng pantubos ng kanyang paghihimutok.

Umangat ang isa niyang kilay. Nahalatang umiwas ako. "Kinausap siya nina mayor at Warren. Gusto niyang sa akin sumuko," sinagot niya naman ng matino ang tanong ko.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat