Chapter 44

1.1K 73 18
                                    

Tumatahol ang pananabik sa puso kong urong-sulong ang mabilis na tibok. Ilang hakbang na lang at kuwarto na ni Juno pero binuhat niya pa rin ako. Nilunok ko ang impit na tili dahil sa kilig. Baka nagbibiro lang naman talaga siya, ayaw ko munang umasa ng bongga. Sumaglit sa mga labi ko ang titig niya habang binubuksan niya ang pinto. Sinipa niya iyon pasara pagkapasok namin.

"Let me take a quick shower first, or maybe you would like to join me?" anas niyang nagbigay ng kilabot  sa aking sikmura. "We can start designing the baby. Gusto mo boy muna? We have Sheena, so I think it's perfect to have a boy." Kinagat niya ng mahina ang leeg ko bago ako ibinaba sa kama.

Wala na ba talagang urungan 'to? Excited ako pero may sundot ng takot sa akin ang ideyang iyon. First time ko at wala akong alam kung paano gawin iyon ng tama. Pero may tama nga ba sa puntong ito gayong hindi pa kami kasal? Turo ng mga magulang ko sa akin na dapat pag-isipan munang mabuti ang kada desisyon na gagawin ko. Handa na ba akong mag-aral habang buntis? Kaya lang, ako rin naman ang nag-alok ng ideyang iyon kay Juno.

Lumunok ako nang hilahin niya ako patungo sa loob ng banyo. Sige na nga lang, mahal ko naman kasi siya. Mahal din naman niya ako. Sapat na sigurong pangpiyansa iyon sa gagawin namin ngayon. Mahigpit akong kumapit sa kamay niya pagpasok namin ng banyo. Hinugot ko ang buntong-hininga at ibinuga kasunod ng ngiti. Dama ko ang mga mumunting balahibo ko sa katawan, nagtatayuan kasabay ang pagbalot ng mainit na haplos ng excitement sa aking sistema.

"Juno," sambit ko nang isandal niya ako sa counter ng lavatory at binakuran ng mga braso niya.

Magaspang at mabigat ang paghinga niyang tumatama sa mukha ko. Humawak ako sa magkabilang braso niyang nakatuon sa edge ng counter at bahagyang ibinuka ang bibig ko nang lumapat ang labi niya. Segundo lang ang banayad na paghagod ng halik niya. Nag-iba agad iyon at naging masidhi. Mapusok. Naghahanap ng katapat na intensidad mula sa akin. Pilit akong sumasabay. Pero unti-unti akong nilulunod. Mula sa kanyang mga braso ay humaplos paakyat ang mga kamay ko. Nakarating sa matipuno niyang dibdib sa ilalim ng kanyang uniform.

Napahingal ako nang makalaya saglit sa kanyang halik at suminghap nang pumalit ang kiliti dahil sa dila niyang lumandas sa aking leeg. Naghihingalo na ang katinuan ko kaya hindi ko man lang napansin na nahubad na pala niya ang suot kong bestida. Nadama ko na lang ang pagbagsak niyon sa may paanan ko. Paulit-ulit niyang hinagkan ang sariwa pa ring peklat ng paso ko sa leeg pababa sa aking balikat.

"Pangit, di ba?" bulong ko kasabay ng halinghing.

"No," anas niya pabalik, habol ang hininga. "Nothing can make you ugly, not these scars." Kinalas niya sa pagkaka-lock ang aking bra at hinulog din iyon sa sahig.

Gusto kong matawa nang buhatin niya ako at isampa sa counter ng lababo. Kung gusto niyang halikan ang dibdib ko kailangan niya kasing umuklo ng bongga dahil maliit ako. Kahit papaano naagapan naman iyon nang nakasampa na ako sa counter.

"God, I love everything I see about you, Nazarita. Beauty and innocence combined, I'll go crazy believe me." Hindi na siya naghintay na sumagot ako, binuhusan na niya ng maliliit na halik ang dibdib ko at binihag ng bibig niya. Sinuyo. Salitan ang halik at haplos na nagpatirik ng utak ko.

Pumipisil ang kamay niya sa hita nito. Gumapang paakyat at ang mahahaba niyang mga daliri ay sumiksik sa ilalim ng aking panty. Naitiklop ko ng husto ang mga hita at umigtad ang pang-upo ko sa kakaibang talim ng kiliti nang masagi niya ang pinagbabawal na sentro ng aking pagkababae. Umatras muna ang mga daliri niya at hindi nagpilit. Pahaplos-haplos saka dahan-dahang hinatak pababa ang panty ko.

"J-Juno..." singhap kong tinakpan ng mga palad ang gitna ng aking mga hita.

Umangat ang sulok ng mga labi niya sa isang pilyong ngiti. Napansin kong bahagyang umakyat sa wall sa may ulunan ko ang mga mata niya at kumunot ang mga kilay niya habang pumapasada ang dila sa ibaba niyang labi.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now