Chapter 10

1.4K 100 15
                                    

Posible bang kahit buhay pa ay pansamantalang aalis ang kaluluwa sa katawan? Pakiramdam ko'y iyon ang nangyari sa akin. Maski na hindi ko masabi kung nagtatapat ba si Juno na gusto niya ako. Pero ang puso ko ay nagkukumahog na maniwala sa kahulugang nasa likod ng pahayag niya.

Iginiya niya ang baba ko para salubungin ang nakaawang niyang labi. Maingat ang kanyang halik. Naiisip ko ang matamis at malambot na marsmallow na paborito ko noong bata pa ako.

"Part your lips, Nash. Let me penetrate," anas niyang tinukso sa dulo ng dila ang jawline ko.

Kumislot ako at dahan-dahang ibinuka ang bibig ko. First kiss ko siya. Hindi ko alam ang gagawin. Marahan niyang kinagat ang labi ko na para bang talulot ng rosas na sinisipsip niya at ang dila niya ay naglaro sa loob. Nagustuhan ko ang mainit na kiliting ginagawa niya at ang banayad na hagod ng mala-karayom na kuryenteng kumalat sa aking katawan. Kinapa ko ang gumagalaw niyang panga at hinaplos. Umungol siya.

Pero pinahinto kami ng tahol ni Apple na nagsasabing dumating na ang mga magulang ko. Inakay ako ni Juno patungo sa bakanteng silya at pinaupo. Napansin siguro niyang wala nang natirang lakas ang mga tuhod ko. Pumuslit pa siya ng damping halik sa tuktok ng aking ilong bago niya ako binitawan. 

Kalmado pa rin siya at wala man lang senyales na nabahala sa muntikan na naming pagkakaboking. Kuminang sa mga mata niya ang masidhing emosyon at pagnanasang hindi pa lubos na napawi.

"I've told your parents about my intention. Think I've got their approval but that doesn't mean you need to rush your decision. Take your time, I will wait until you're ready for me."

Tango lang ang nagagawa ko dahil ayaw pa gumalaw ng aking dila. Nanatili pa rin sa labi ko ang masarap na bakas ng una kong halik at hindi makabawi ang aking utak. May isasarap pa kaya iyon? Paano kung hindi dumating ang mga magulang ko, saan kaya kami hahantong ni Juno?

Parehas kaming bumaling sa pintuan nang pumasok si Mama. Sinalubong ito ng lalaki at kinuha ang dala nitong bayong na puno ng iba't ibang gulay. Nilapag niya iyon sa mesa sa harap ko at kinindatan ako nang dumaan sa akin ang gold brown niyang mga mata. Tarantang umiwas ako ng tingin. Gusto kong tumayo para magmano. Baka magtaka si Mama at nakaupo lang ako. Pero nanigas ang mga tuhod ko pababa sa aking mga binti.

"Nash, bakit hindi ka pa nagsaing?"

May nginig ang boses na umahon sa aking lalamunan nang tumikhim ako. "M-Ma-"

"Pasensya na, Aling Annie. Kinausap ko kasi siya tungkol doon sa hiniling ko sa inyo ni Mang Vergel kanina," singit ni Juno. 

Lumambot ang mukha ni Mama. "Doon na kayo sa sala. Ako na rito."

Sana huwag akong kulitin ni Mama mamaya. Baka masabi ko ang tungkol sa halik. Lumiligaw pa lang si Juno pero may ganoon nang namagitan sa amin. Bakit nga ba hindi ko siya itinulak? Bakit hinayaan ko lang siyang halikan ako kahit hindi ko pa siya boyfriend? Ganoon ako karupok pagdating sa kanya?

Inakay ako ni Juno palabas ng kusina at pinauupo sa mahabang sofa sa sala.  Hindi rin naman siya nagtagal pa. Hindi na nga siya napilit ni Papa na roon na maghapunan. Palagay ko ay may raid na naman sila ngayong gabi.

"Police? Naku, huwag kayong magpapaloko sa kanila. Mas masahol pa sa seaman ang mga iyan. Every port report. Kung saan sila madedestino hahanap sila ng babaeng gagawing parausan. Never akong maniniwala na may police na walang girlfriend o kaya ay asawa."
Sagap na sagap ng tainga ko ang sinabi ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

Siguro naman hindi lahat. Tiyak mayroong mga matitino at gusto kong maniwalang isa si Juno sa mga iyon.
P/Capt. Juno Hidalgo. Tuwing naalala ko ang unang halik ko sa kanya para akong lobo na nasobrahan sa hangin at hindi na makababa mula sa himpapawid.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz