"Pagbigyan mo na Setzer." Bulong ni Rae sakanya.

"Sige. Don't make me regret my choice." Pagbanta niya bago pumwesto.

"Ako na lang manghuhula." Pag volunteer ko na ikina-ngiti ni Evander at Keith.

Ilang minutong lumipas, nakapwesto na kaming lahat at naghihintay ng go signal.

"First to five points to Sakura. Kaya galingan natin." Pagpaalala ni Evander na ikinatango ko.

"On your mark... get set... let the games begin!!" Sigaw ni Gamemaster Harper bago tumakbo si Leroy papunta kina Setzer.

Naghintay muna ako ng ilang segundo at nanlaki ang mata ko na nag drawing na si Evander sa likod ko.

Ang bilis ha! Grabe si Leroy! MVP natin to!

Agad agad akong tumakbo at sinulat yung sagot at pinakita sa game master.

"Okay! May one point na ang Group 2!" Pag announce niya at naghintay ulit ako ng drawing.

What?! Ang bilis talaga! Nagdra drawing agad si Evander sa likod ko. At nalaman ko agad yung sagot.

Inulit ko lang yung proseso hanggang sa nag announce na si game master.

"OKAY!! WE HAVE A WINNER!!" Sigaw niya kaya tumalon kaming magkagrupo sa saya.

"Congratulations Group 2 for winning the pass the message! Grabe yang bilis niyo!"

"Thank you po. All thanks to Leroy dahil nanalo kami." Sambit ni Keith bago sila nagpalakpakan.

"Ay! Ganito! Before kayo pumunta sa sixth activity, magbihis muna kayo ng damit na pwedeng mabasa dahil mababasa kayo sa next activity!" Pagpaalala niya na ikinatango naming lahat.

"Sige, pwede na kayong magbihis."

Agad agad kaming bumalik sa mga kwarto namin at kinuha ko sa bag ko yung damit ko na pang swimming.

"Huy! Grabe yang Leroy na yan sa drawing ah!" Pagpuri ni Flair.

"Ang bilis niyo ah! Sanaol magaling mag drawing!" Sambit ni Arianna.

"Eh ang bilis mo nga bumaba nung kinarga ka ni Falco na bagong kasal." Pag asar ko.

"Ay wow ah! Anong akala mo saakin?! Speed?! Tulad ng kapatid mo na kilala yang Leroy na yan?!" Pagbara niya na ikinatuwa nilang lahat.

"Malay ko sainyo!" Singhal ko bago magbihis.

Flair's POV

"O ayan! Nakasuot na tayo ng damit na pambasa!" Sambit ni Natasha.

"Tara! Punta na tayo sa kagrupo natin!" Pagyaya ni Gold bago sila lumabas.

"Sige, mauuna na kami ah!" Sambit ni Aarah at Sakura bago lumabas.

Naiwan muna kami ni Arianna at pagkatapos niyang magbihis, lumabas na din siya at ako yung naiwan.

Well, kagrupo ko naman si Logan kaya okay lang.

"Mukhang g na g kang mag swimming ah!" Sulpot ng isang boses na ikinalingon ko.

"Hoy!!" Sigaw ko bago umiwas ng tingin.

Bwisit kasi itong Lexeaus na to eh! Pumunta pa talaga sa kwarto namin na nakatapis lang ng twalya!

"Oh. Hindi ka nanaman makatingin saakin ng maayos!" Pag asar neto.

"Harap ka nga saakin!" Utos niya.

"Ayoko!"

"Nakatapis lang ako Flair! Chill lang!" Sambit niya na ikinabuntong hininga ko.

Lumingon muna ako sakanya at halata sa manyak na to na may kalokohan nanaman itong gagawin.

"Flair, pwede bang dito muna ako magbihis? Tutal, tayong dalawa lang ang nandito." Pagpaalam niya saakin.

"Eh bakit hindi ka makabihis sa kwarto niyo?!" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Wala lang. Wala akong makausap sa kwarto ko at nagsi alisan agad sila eh." Sagot niya na ikinairap ko.

Kainis ha! Talagang dito pa talaga sa harapan ko magbibihis!

"O sige. Chillax ka muna dito at sabay tayong pupunta sa kagrupo natin." Sambit niya.

Maya maya pa, nanlaki na lang ang mata ko nang mahulog yung twalya niya.

"OH MY GOD!!!" Sigaw ko bago ko takpan yung mga mata ko!

"Ay! Sorry!" Sambit niya bago isuot yung damit niya na pang swimming.

"PWEDE BA LEXEAUS?! WAG KA NGANG MAGBIHIS SA HARAPAN KO!" Sigaw ko sakanya na ikina-ngiti niya.

"Bakit? Ayaw mo bang makita tong snickers ko? Mukhang nakita mo na nga eh! Malaki ba?" Tanong niya.

"ANG MANYAK MO!" Sigaw ko bago lumabas ng kwarto ko.

"Flair! Hintay lang naman!" Sigaw niya.

"Magbihis ka muna! Jusko!" Singhal ko bago ko hintayin na magbihis si Lexeaus.

Bakit ba sa harapan ko Lexeaus?! Bwisit na buhay na to oh!

Family WarWhere stories live. Discover now