"Sunny!!" rinig kong sigaw ni Sabrina tapos may naririnig akong ingay sa labas. Ingay nang nababasag na gamit. Bigla akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto.

"Anong nangyayari?!"

Hindi niya sinagot yung tanong ko bagkos ay bigla niya nalang akong hinila papunta sa Cr. Pagkapasok namin ay bigla niyang hinawakan yung lalagyan ng tissue at lumaki lang yung mata ko ng bumukas iyon.

"Goodness! Isang pinto?!" mungkahi ko. Hindi pa ako nakakarecover sa pagkamangha ng bigla niya na naman akong hinigit papasok doon. Goodness! Elevator pala to? Wow! As in Wow!

"Shit!"

"Bakit?" takhang tanong ko.

"Gamitin mo to Sunny. Pagkalabas natin siguradong may nakaabang." sabi niya at ibinigay sakin ang isang baril na hawak niya. Napatingin naman ako sa kamay ko.

"Seryoso?!" sigaw ko.

"Oo. Kaya umayos ka!" seryosong sabi niya.

Mga ilang minuto ay bumukas yung elevator. Syempre kinalma ko na iyong sarili ko. At pagkalabas na pagkalabas namin ay may pinaputukan na agad si Sab. Shit! Ang dami nila.

"Sunny!!" sigaw niya. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko yung Baril.

"May ghad!" mabilis ko namang pinulot iyon at pinaputukan sila.

"Kyaaah." sigaw ko sa tuwing patatamaan nila ako. Juiceko!

"Sunny yuko!" mabilis naman akong yumuko at may binaril lang naman sa likod ko si Sab. Tumakbo ako ng makita kong wala ng tao sa harapan ko. Patuloy parin ako sa pagbabaril.

"Sunny dito!" pumunta ako sa kinaroroonan niya. Mabilis yung pagtakbo at sa pagpasok ko ng sasakyan ay bigla nalang may bumaril sakin.

"Urgghh." daing ko.

"Shit Sunny." mabilis na pinaharurot ni Sab yung sasakyan ng makita niya papalapit sila sa amin. Kahit masakit yung balikat ko na natamaan nila ay humawak parin ako ng mahigpit sa kinauupuan ko. Baka kasi tumalbog ako eh.

"Sab. N-nakasunod." tumingin muna siya sa likod at mabilis na lumiko.

"Ouch!!" Ang sakit!

"Hello? Hello! Need Help! Si Sunny nataaman ng baril!....Oo nakasunod sila! Bilisan niyo. Damn! Shit.. Bilisan niyo!"

Gustuhin ko mang sumigaw sa sobrang takot ay hindi ko magawa. Sumasakit lang iyong likod ko.

"Sunny kaya mo pa ba?" tumango ako. Keri ko pa naman kaso nanghihina lang.

"Malapit na tayo Sunny. Konting tiis nalang." tango lang ako ng tango. Nandidilim na kasi yung paningin ko. Anytime pipikit na yung mata ko.

"Shit! Sunny?! Sunny?!" rinig kong sigaw ni Sab. Ang bikat na ng talukap ng mata ko kaya hindi ko na nagawang magsalita.

*****

Sabrina Pov

Nandito kami ngayon sa hospital kasama si Philip na kaibigan ni Sunny at mabuti nalang tinulungan niya kaming makatakas sa mga tauhan ni Tito Qu, I think so, I'm not sure kung mga tauhan niya nga. At masyado silang madami kanina kaya hindi ko sila mapatay nang mag-isa lang ako.

"What happened ba?" maarteng tanong ng Philip na ito.

"As if you don't know? At tsaka huwag na tayong maglokohan dito Philip. We both all know here na isa kang Assassin. Assassin na inutusang patayin yung mga taong nagtatangka sa buhay ni Sunny pero ano? Napatay mo ba?" Biglang nagbago yung ekspresyon niya at bigla na lamang itong sumeryoso. Walang halong kabaklaan yung ipinapakita niya ngayon. A person who does not show fear in his eyes. He smirked before he speak.

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now