"Pasok ko na lang yang lobo sa snickers ko para tikman ko sa susunod yung reece's ni Flair." Bulong niya kaya binatukan ko nanaman siya.

"Aray! Naka ilan ka na saakin ha!"

"Mahiya ka nga, baka kung ano pang isipin ng mga tao sayo." Seryosong sambit ko.

"Wala din si River. Di naka hit ng bullseye." Pag iba ng usapan ni Lexeaus.

"Ako na nga muna!" Paglapit ni Lexeaus sa pwesto niya at kumuha ng darts.

Sa tatlong bato niya ng darts, it didn't hit the balloon.

"Wala, di tumama." Sambit ni Lexeaus bago lumayo.

As I was getting near to get the darts, someone pushed me away.

"Alis nga!"

You know what, if it wasn't an activity, I would've beat the hell out of this son of a b***h.

First dart, it didn't hit the balloon. So does the second and the last one.

"Bwisit." Bulong ni Wester.

"Back off!" Pagtulak ko sakanya palayo sa pwesto niya.

"Let me hit it."

"If you fail, it's all because of your arrogance." Pagbanta niya, kaya I gave him a smirk.

As the game master gave me back the darts, I only took one and slowly aimed the balloon.

I threw the first dart and to my surprise, it hit not only the balloon, but the bullseye as well.

"Okay!!! Congratulations group 4!" Sigaw ni Ruth kaya nagsigawan ang lahat ng mga kabilang grupo.

As I leave my place, I glared at Wester who is in awe about what happened.

"That's how you hit a bullseye." Bulong ko sakanya bago umalis.

"Grabe ka Might!" Paglapit ni Josiah saakin.

"Iba talaga pag Might Baltazar yung gumalaw!" Sigaw ni Lexeaus habang naka-akbay saakin.

Third Person's POV

After ng 2nd activity nila, agad agad na bumalik ang mga estudyante sa main hall at nag lunch na.

Habang nagkakainan na ang lahat, nag kwento ang Amazonians at X Mate tungkol sa activities na nagawa nila.

"How was the first activity?" Tanong ni Logan sakanila.

"I hate it." Sagot ni Might.

"Si Wester yung partner niya." Sambit ni Lexeaus.

"No s**t! Yung mamamatay tao na yan?!" Singhal ni Arianna.

"Si Calla yung kausap ko." Sagot ni Falco.

"Si Keith saakin." Sagot din ni Evander.

"Logan saakin!" Sambit ni Flair.

"Josiah saakin!" Sagot ni Lexeaus.

"I got Gold!" Sagot ni Natasha.

"Si Rhett partner ko." Sambit ni Aarah.

"Just great. Tas kung makatulak siya saakin nung dapat ako yung susunod kay Lexeaus, ayun. Nagyabang." Pagkwento ni Might na naiinis.

"Pero di bale na, at least ikaw lang nakagawa ng bullseye." Sambit ni Falco bago sumubo ng pagkain niya.

"Sino ba yung nakausap mo Sakura?" Tanong ni Logan.

"Someone na kakilala ng kapatid ko."

"Lalaki o babae?" Tanong ni Natasha.

"Lalaki."

"Ay! Iba! Malay mo, jowa niya pala yan!" Natatawang sambit ni Aarah.

"Leroy daw ang pangalan sa pagkaka alala ko. Parehas sila ng school base sa kwinento niya saakin." Pagkwento ni Sakura.

"Ewan ko na lang kung mag jowa yung dalawang yan or ano. Pero gusto ko manggaling mismo sakanya."

"Nabusog na ba kayong lahat?" Tanong ni Findley sakanila bago sumagot yung mga estudyante.

"Okay, so before we proceed for our next activity, we will announce kung sino ang magiging roommates niyo." Sambit ni Findley kaya naging excited na ang lahat.

Habang sinasabi nila kung sino ang magkaka room mate, isa isa na silang nagsasama sama para pumunta sa kwarto nila na dala ang mga gamit nila.

"For Room 523, Logan Eugenio Adolfo, Lexeaus Zamora Ignacio, Falco Sanchez Sy, Might Arellano Baltazar, Rhett Lopez Ferrer, and Evander Gutierrez Guevara." Pag announce ni Findley kaya nagsitayuan na ang lahat ng X Mate.

"Here's your key. And sumunod na lang kayo sa mga game masters kung saan ang room niyo." Sambit ni Harper bago sumunod yung boys.

"Buti na lang nag suggest tayo ng roommates!"

"Agreed Lexeaus. Siya nga pala, since free time naman natin to, anong gusto niyong gawin?" Tanong ni Logan.

"Pag usapan yung mga jowa natin."

"Ooohhh! Game! Game! Game!" Sigaw ng mga lalaki sa sinabi ni Lexeaus bago pumasok sa kwarto nila.

Pagkapasok ng X Mate, sumunod na yung Amazonians na katabi lang ang room nila.

"Room 524. Bingo!" Sambit ni Natasha bago buksan yung kwarto nila.

"Whoo!!!! Finally!!! Makapag beauty sleep na ako!" Sigaw ni Arianna bago humiga sa kama.

"True! Ang aga aga natin gumising para sa lugar na to eh. Tsaka di ako makatulog ng maayos sa bus eh!" Sambit ni Flair.

"Oh, tulugan muna tayo ah!" Sambit ni Gold bago nag ayos ng gamit at humiga sa kama.

Ilang minuto ang lumipas, nakatulog na ang mga babae maliban kina Sakura na iniisip pa rin kung paano nakilala ni Leroy si Leona.

"Uy, ang lalim ng iniisip mo." Paglapit ni Natasha sakanya.

"Natasha. Di ka pa ba inaantok?" Tanong ko.

"Di naman. Bakit?"

"Yung Leroy na nakausap ko, kilala yung kapatid ko. Pero ayoko namang maging hadlang kung sakaling magkakilala talaga sila." Pagkwento ni Sakura.

"Girl, diba ganun ka din mula nung naging kayo ni Logan? I mean, wala naman masama kung itatago niyo yung relationship niyo, but not to the point na tinatago mo yan ng matagalan. Try to ask her about Leroy or something. If magkakilala sila, then what will be the problem? Not unless kung may traumatic experience siya with that guy." Sambit ni Natasha na ikinabuntong hininga niya.

"You trust your sister right? So if she said something good about him, there's nothing wrong about it."

"Sabagay..."

"Sige, check lang muna ako sa labas." Sambit ni Natasha bago umalis sa kwarto.

Napaisip muna si Sakura tungkol kay Leroy at agad agad niyang chineck yung account niya.

Pagkatingin niya, nanlaki na lang ang mata niya sa mga nakita niyang post.

Puro pictures nila na kasama si Leona.

Huminga muna siya ng malalim at agad agad niyang binaba yung phone niya.

"Leona... kailangan nating mag usap."

Family WarWhere stories live. Discover now