"What are you thinking?"

"Thinking of you?" mabilis na sagot ko sa kaniya. Joke lang naman sana iyon eh kaso sineryoso niya. So, wala tayong magagawa kasi nakangisi na siya sakin eh. Feelingero din ano? Hmmp.

"What do you want for Christmas?" napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga pala at Christmas na, kapanganakan na nang panginoong diyos. Hay nakakalungkot naman na ewan. Hindi ko man lang makakasama iyong pamilya ko sa Noche Buena. First time pa naman namin itong magsalo-salo ulit nang magkakasama.

"Gusto kong makasama yung pamilya ko sa pasko. Maibibigay mo ba iyon?" nagbabakasakali lang. Malay mo pumayag diba?

"Sorry. I can't. Baka mapahamak ka." tumango nalang ako sa kanya. Naiintindihan ko yung ibig niyang sabihin. Baka mapahamak nga ako pag nagpakita ako sa pamilya ko. Sa pagkakaalam ko kasi bantay sarado rin sina Nanay ng mga tauhan ni Tito Qu. Kung bakit ako pa kasi yung sinisisi no'n eh. Hay! Mukhang kami lang dalawa ni Zenberg yung magsasama sa pasko. Okay lang naman sakin pero iba pa rin yung marami, The more, the merrier ika nga nila. But I have no choice naman eh.

Lumapit siya sakin at tumabi sa akin sa pag-upo. Nakakunot noo lang akong nakatingin sa kanya. "We'll spending our Christmas Day together. And I hope I can make it memorable to you."

Hinawakan ko yung kamay niya  sabay sabing "Ang drama mo Zenberg! Pakain ka nalang d'yan!" ngumite lang siya sakin at tsaka ginulo yung buhok ko. Well, magiging okay rin naman kong kaming dalawa lang iyong magkasama. He will make it memorable naman eh.

Ilang minutong nakalipas napagdesisyunan naming dalawa na mag-ayos ng mga Christmas lanterns. Akalain mo yun siya pa ang nagyaya no'n sakin. At kung kailan mamaya na yung Christmas doon pa kami nag-ayos! Hayaan niyo na walang basagan ng trip nalang. Atlis kahit magdiwang kami mamaya ay maayos naman yung bahay. Hindi malungkot tingnan dahil walang dekorasyon.

Hindi kami lumabas ng bahay para bumili ang ginawa namin is nagpabili nalang. Taray noh?! Eh siya naman yung nagsuggest no'n at tsaka siya rin iyong nagbayad. Edi siya na mayaman ha. Hmp.

"I will put this here." tumango nalang ako sa kanya. Ang tinutukoy niya is yung pangalang MERRY CHRISTMAS, idinikit niya ito sa pinto. Tapos ako naman nag-aayos ng Christmas Tree. Masyadong mataas yung binili niya kaya ito hirap din akong abutin yung pinakatuktok para lang malagyan ng Christmas Balls. Kung bakit hindi kasi ako pinanganak na matangkad. Hay!

"Need help?"

"Pwedi?"

"Yeah. Let me help you." sabi niya at agad na lumapit sa akin. Akala ko kukunin na niya yung Christmas Balls sa kamay ko pero nagkamali ako imbes na kunin iyon ay niyakap niya ko sa likod at tsaka binuhat pataas.

"H-hoy! A-anong ginagawa mo ha?!"

Peste to! Chansing ang Gago!

"Tinutulungan ka? Ano pa ba?"

"Tinutulungan?! Eh chansing ka eh! Ibaba mo ko."

"No."

Aba't! Naku naman oh!

"Isa Zenberg!"

"I will put you down but in one condition." Abah! abuso na itong lalaking 'to ah.

"Ano?! Naku Zenberg siguraduhin mo lang!"

"Can I kiss you? Please?" Hingang malalim Sunny. Kiss? Juiceko! Parang natuyo yung lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Naramdaman ko namang ibinaba niya ako at pinaharap sa kanya. Ilang beses na ba akong napalunok? Goodness!

"A Christmas gift for my Christmas Wish." sabi pa niya na nakapagpabilis pa lalo ng tibok ng puso ko. Shit! Gusto kong magmura nang magmura sa sobrang kilig at halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Bahagya akong tumango sa kanya. "Gusto kong tuparin yung Christmas Wish mo. Pero ngayon lang ito at hindi na mauulit." sabi ko at mabilis na hinalikan siya sa pisnge. Napangiti naman ako ng makita kong nagkasalubong yung dalawang kilay niya. Ang cute niya talaga pagmagseryoso!

"Ba't ganyan mukha mo ha?" sabi ko sabay pisil sa ilong niya. Ngayon lang ito kaya lulubos-lubusin ko na.

"Tsk." Komento niya at tsaka mabilis akong tinalikuran. Napahagikgik tuloy ako.

"Anong nakakatawa?" seryosong sabi niya kaya umayos ako ng tayo pero hindi ko parin mapigilan yung pagngiti. Kinikilig kasi ako na ewan.

"Umm..Pfft- wala naman. And Zenberg." lumingon naman siya at binigyan ako ng pokerface na look. Ang sarap niya talagang pagtripan.

"May wish ako. Pwedi mo bang tuparin yun?" mapanuksong sabi ko.

"What?"

"Ito naman ang sungit! Hmmp.  Ang wish ko lang naman sana ay yung mahalikan ka sa lips!" sabi ko at tsaka tumalikod. Kunwari naiinis ako sa kanya pero ang totoo ay nahihiya ako. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko at iniisip ko.

"Then your wish is my command." he said at pinihit ako paharap sa kanya at tsaka hinalikan! Napangiti nalang ako nang maglapat yung labi naming dalawa. Agad ko namang inilagay yung dalawang kamay ko sa leeg niya and I started to move my lips at ganoon din siya. This is the Best Christmas Wish ever!

"I love you."

Bigla nalang nawala yung ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. At parang huminto ng ilang minuto yung paggalaw ng mga insekto sa paligid ko at pati narin ng taong nasa harapan ko. Ghad! Napahawak ako sa bandang puso ko at pinakiramdaman ang pagtibok no'n. Sobrang bilis at parang walang balak huminto. Corny man pakinggan pero ito yung nararamdamn ko ngayon. Bahagya akong lumayo sa kanya.

"Z-zenberg."

"I love you and I mean it. I'm not kidding nor joking Polkadots."

Anong sasabihin ko? Shitzu!

"Ha.ha. Ano.. Baka nabibigla ka lang. Oo tama nabibigla ka lang. Sige akyat lang ako sa taas may nakalimutan pala ako."

Mabilis kong tinakbo yung kwarto ko at agad na nilock iyon. Gosh! Ang tanga ko grabi! Nagpahalik nako sa kanya pero hindi ko pa rin maamin yung nararamdaman ko.

Hay! Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa sobrang katangahan ko. Tama ba namang iwan ko siya doon ng ganoon nalang?

"Aaaaahhh! Peste! Peste! Peste! Shitzu ka Zenberg! Shitzu ka!"

May pa I mean it, I mean it pang nalalaman! Sana tumahimik nalang siya at hindi nagsalita sa nararamdaman niya para sakin. Sana ipinakita niya nalang! Ngayon ang pinoproblema ko ay tiyak na iiwasan ko siya. Gano'n ugali ko eh, sa tuwing may magcoconfess sakin ay iniiwasan ko. Nahihiya kasi ako. Okay lang sakin yung LIKE eh. Pero I LOVE YOU? Ghad! Magkaiba iyon ha!

Gaga na kung gaga! Gusto ko man yung pagconfess niya at gusto ko rin yung pag I LOVE YOU niya. Pero ewan ko ba kung bakit kung nandoon na umiiwas nako. Hindi ko matake eh alam niyo yun. Naiilang ako super! At nacconscious ako sa mga pinaggagawa ko pagkaharap ko siya. Na para bang hindi mapakali. Yun! Ganoon yun!

"Haaay! Bahala na!"

.

.
_ladymania

#Merry Christmas again.

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now