CHAPTER 16

291 4 0
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Louisse dahil sa masamang panaginip. Kapag gano'ng senaryo ang nakikita niya ay kumakain siya ng malamig na malamig na ice cream. Saglit lamang niyang tiningnan ang kabilang side ng kama kung saan tulog na tulog pa rin si Zairus, saka maingat ang galaw na lumabas ng k'warto at diretsong bumaba sa ikalawang palapag ng bahay.

Mabilis ang hakbang niyang tinungo ang kusina at binuksan ang ilaw. Kumalat ang liwanag niyon sa kabuuan ng kusina. Kaagad niyang tinungo ang double-doors na refrigerator. Mabuti na lang at may stocks ng ice cream sa freezer compartment. Ipinatong niya ang hawak sa lamesa nang makakuha ng kutsara.

Ramdam niya ang pagtagaktak ng pawis dulot ng napanaganipan kaya mabilisan niyang binuksan ang takip no'n. Sumandok siya ng kaunting ice cream saka niya iyon isinubo. Kahit papaano ay naibsan ng lamig no'n ang nararamdaman niya. Ngunit gano'n na lang ang pagkagulat niya nang marinig ang boses ni Zairus mula sa kan'yang likuran.

Nilingon niya ang kinaroroonan ng lalaki na papungas-pungas na naglalakad. "Lena?" tawag nito sa kan'ya. Nangangapa sa kawalan, pumapag-asang mahahanap siya.

"Nandito ako," aniya.

Hindi niya magawang alalayan ito, ni salubungin man lang. Noon niya kasi naramdaman ang panlalambot ng mga tuhod.

Bakas sa hitsura ni Zairus na focus ito sa pagsunod sa pinanggalingan ng kan'yang boses. Napahinto lang ito nang tuluyan niya itong hinarap at pigilan ang dibdib nito. Dahil kung hindi niya iyon gagawin ay sobrang magkakalapit na ang katawan nila.

"May problema ba? Bakit nawala ka sa tabi ko?" Kaagad na iyon ang bungad na tanong sa kan'ya nito.

"I'm sorry. Bigla kasi akong nag-crave sa ice cream."

"Which flavor?"

Kahit nagtataka siya sa tanong ni Zairus ay sinagot niya pa rin ito. "Vanilla."

No'n na tuluyang nangunot ang noo nito. "But you don't like that flavor before. Ilang beses na kitang binilhan noon ng ice cream pero mas gusto mo ang chocolate o kaya ang cheese flavor."

Tila umurong ang dila niya dahil sa sinambit ng lalaki. Lalo na nang umangat ang kamay ni Zairus at mahigpit siyang hinawakan sa magkabila niyang braso. "Is that really you, Lena?"

Dumagundong ang kaba sa kan'yang dibdib. Iyon na ang salitang kinatatakutan niyang marinig mula rito. Ilang araw na lang ang nalalabi para gawin niya ang misyon, kaya hindi siya maaaring ngayon pa mabulilyaso.

Tumikhim siya saka pekeng napangiti. Kinuha niya rin ang isa nitong kamay at pinisil ang palad. "Zai, why would you think that? May iba pa bang Lena sa buhay mo? O baka naman ibang babae ang nasa isip mo ha?" She forced her voice to sound jealous to divert his attention.

"I'm not thinking of any woman. How would I? If you're the only one who makes me crazy and happy at the same time."

Tuluyan siyang napangiti nang dahil sa sinabi nito. Saka niya naalala ang naiwang ice cream. She unconciously deep her finger and put it to her mouth and taste it. Napaungol siya dahil iyon talaga ang paborito niyang flavor ng ice cream. Muntik na niyang makalimutang naro'n pa nga pala si Zairus kung hindi lamang ito tumikhim.

"You want an ice cream?" tanong niya na muling isinawsaw ang daliri sa ice cream at muli iyong isinubo.

"Are you dipping your finger in your ice cream?" his voice sound like as if he's in pain.

Mabilis naman siyang tumango sabay sagot ng, "Oo."

Her heart was beating so fast. When Zairus bit his lip and then he licked it, a strange sensation seemed to spread in her body. Then, Louisse suddenly gasped in surprise, when his hand from her shoulder gradually slid to her waist. She also felt how he tighten his grip on one of her hands.

The UnWanted Billionaire Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang