CHAPTER 25.1

233 5 0
                                    

Hindi na nila nagawang makapag-usap pa ni Eya dahil paggising niya ay wala na ito. Tanging note na lang sa bedside table ang nakita niya na nagsasabing kailangan na nitong umalis dahil may kailangan lamang asikasuhin.

Nang nag-advice ang doktora na maaari na siyang i-discharge ay mag-isang umalis si Louisse sa kan'yang hospital room. Hindi kagaya kanina ay maayos na ang pakiramdam niya. Hindi niya na rin kailangang problemahin pa ang hospital bills dahil nabayaran na iyon ni Tonyo.

Nasa labas na siya ng hospital nang makita ang isang pamilyar na bulto, na kahit nakatalikod ito sa kan'ya ay tila ang imahe nito ay nakatatak na sa kan'yang isipan. Mabilis siyang nagtago kahit alam niyang hindi naman siya nito makikilala. Mabilis ang tibok ng kan'yang puso at ganoon na lang ang relief na kan'yang naramdaman nang sa paglingon niya ay wala na si Zairus sa kinatatayuan.

"You're hiding yourself from my cousin?"

Nasapo niya ang dibdib sa sobrang pagkagulat. Mabuti na lang ay napahawak siya sa gilid ng railings kaya hindi nabuwal ang kan'yang katawan. Bigla ay napalingon siya sa gawi ni Ezekhiel. Mula sa nakasarang elevator ay bumaling ang tingin sa kan'ya ng lalaki. "What are you doing here?"

Napatikhim siya at iniwas ang tingin sa lalaki. Wala siyang balak sabihin kung bakit siya naroroon. Tama na ang pinagsisisihan niya ang ginawang kasalanan kay Zairus. Ayaw niyang madamay pati ang bata sa kan'yang sinapupunan.

"Aalis na ako," paalam niya rito at tuluyan na itong nilampasan. Ngunit bago pa siya makalayo ay narinig niya pa itong nagsalita.

"Hindi mo ba siya kakamustahin? Kauuwi niya lang kahapon."

Sandali lamang na-tense ang kan'yang katawan. "Hindi," matatag niyang sagot saka na tuluyang umalis.

Nang makalayo ay doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag at tila siya nabunutan ng tinik. Kahit malayo na ay tinanaw niya pa rin ang hospital at bigla ay naisip niyang hindi niya pa kayang harapin si Zairus. Hindi man siya nito kilala ay hindi niya maiaalis sa sarili ang posibilidad na baka maging emosyonal lang siya kapag nakatitigan niya ang mga mata nito.

Noong nasa mansyon pa lang siya nito ay hindi niya maiwasang isipin kung paano nga ba tumingin ang isang Zairus Montell? Isipin niya pa lang na successful ang operasyon ng lalaki kaya nakabalik na ito sa Pilipinas ay masaya na siya para rito. Hindi na kailangan masagot pa ang katanungan niyang iyon. Kuntento na siya na isiping muli na nitong masisilayan ang mundo.

Pinara niya ang nakitang taxi. Saglit lamang siyang nagpababa sa bakery at nagpadiretso na sa sementeryo. Nang makarating doon ay kaagad siyang bumaba. Napatigil at napatingala sa malaking gate ng Heaven's Paradise. Noon na lang siya muling nakadalaw roon.

Huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob, bitbit ang binili niyang cake. Mapait siyang napangiti nang nakatayo na siya sa harapan ng lapida nila Arthur at Lena. Pareho niyang pinagsindi ng kandila ang bawat isa, saka siya lumuhod sa harapan ng lapida ng huli.

Binuksan niya ang box ng cake at nilagyan iyon ng kandila saka niya iyon sinindihan.

"Happy 25th birthday sa atin, Lena," pagbati niya.

Sunod-sunod na tumulo ang kan'yang luha. Kaagad niya iyong pinunasan saka ngumiti. "Pasensiya na kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyong dalawa kasi hindi ko pa kaya. Malaki man ang naging kasalanan niyo sa akin, sa amin, hindi ko maitatanggi sa aking sarili na hindi rin ako malinis na tao. I'm sorry, Lena. Hinayaan ko na gamitin ako ni Rita. Sorry din kasi naging marupok ako. And I'm truly sorry because I've took advantage of him."

Nagpalipas pa siya ng isang oras doon, kinakausap ang dalawa. Hanggang sa makita niya ang isang bulto ng tao, papalapit ito sa direksyon niya. Nandoon nanaman ang mabilis na pagtibok ng kan'yang puso, dulot ng kaba at ng pangungulilala sa taong ilang layo na lang ang distansya mula sa kinaroroonan niya.

Kung hindi pa tuluyang nakalapit sa kan'ya si Zairus ay hindi pa niya mapapansing kanina pa niya pigil ang paghinga. Kaya iniwas niya ang tingin sa lalaki at pasimpleng humugot ng buntong-hininga.

Hindi niya gustong titigan ang mukha nito dahil baka tuluyan na siyang bumigay. Noong makita niya pa lang ito kanina ay tila gusto na niyang tumakbo palapit sa lalaki at magpakulong sa bisig nito. Ilang gabi rin siyang hindi makatulog nang maayos, tila hinahanap ng kan'yang sistema ang mainit na yakap ni Zairus.

"Who are you?"

Nabalik sa reyalidad si Louisse nang marinig ang lamig sa boses nito, may pagka-arogante rin ang bakas ng tono ng lalaki. Tuloy ay alanganing naibalik niya ang tingin sa mukha nito. May nakita man siyang kalituhan sa mga mata nito ay panandalian lamang iyon at naging malamig na ang facial expression ni Zairus.

Hindi lamang iyon ang napansin ni Louisse. His eyes doesn't look empty anymore. May buhay na ang mga mata nito. At sa sandaling iyon ay nakatitigan niya na ang magagandang pares ng mga mata ni Zairus. Kulay asul iyon, senyales na American ang donor nito.

"I-I'm Louisse." Sa wakas ay nahanap niya na rin ang sariling boses.

Mula sa kan'ya ay napatingin ito sa lapida ni Lena, saka naibaling ang tingin sa lapida naman ni Arthur. Doon na siya tuluyang kinabahan. Bigla ay muli niyang naiwas ang tingin sa lalaki.

"What is your relationship with the two of them?"

"K-kaibigan ako ni Lena," mabilis niyang sagot, nakagat pa niya ang pang-ibabang labi nang mautal siya.

"Are you sure?"

Tila sinipa nang malakas ang sikmura ni Louisse. Alam niyang hindi dapat siya matakot dahil kahit napansin niya sa mga mata nito na nagtataka ito dahil kamukha niya si Lena ay magkaiba pa rin silang dalawa. Nagpapasalamat na lang siya at ibang-iba na ang hairstyle niya.

"What about Arthur?"

"He's my ex-fiancèe," muli ay mabilis niyang sagot.

Nangulila man siya kay Zairus ay gusto na niyang tuluyang tapusin ang usapan na iyon. Mas nanaisin na lamang niyang mamaluktot sa kan'yang kama, kaysa nasa ganoon siyang sitwasyon na hindi niya magawa pang matingnan itong muli. Pakiramdam niya kasi ay biglang naging tensyonado ang paligid. Para silang nasa maliit na espasyo ng kuwarto.

"Okay. I just wanted to drop something," anito at inilapag ang dalang bulaklak sa lapida ni Lena.

Nanuot sa kan'yang ilong ang mabangong amoy ni Zairus. Mabuti na lang at napigilan niya ang sariling samyuhin ito at ipikit ang mga mata. Hindi nagtagal ay tumayo na ito ng tuwid at walang lingon-likod na umalis. Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ang papalayong bulto ni Zairus. Mapait siyang napangiti at tuluyang umalpas ang kan'yang luha.

Sa mababang boses ay nasabi niya ang katagang, "Baby, he's your father." Nabasag ang kan'yang boses nang himasin niya ang hindi pa kalakihan niyang tiyan.

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon