CHAPTER 26.1

229 7 0
                                    

Bumuka ang bibig ni Louisse pero naisara niya rin lamang iyon. Wala siyang maapuhap na salita para i-comfort ang lalaki.

"Noong umalis si Lena sa poder ni Zairus ay kami ang kasama niya. Nakita ko ang saya at lungkot sa mga mata niya nang muling makita ang anak namin. She told me that her feelings for me didn't changed. And when we about to forget everything and fly to France, Rita–" hindi na nito natapos ang sasabihin at tuluyang umiyak. Gumagalaw na pati ang balikat nito sa labis na pagpipigil ng emosyon. "Gusto lang naming bumuo ng sarili naming pamilya, Louisse. Gusto lang naming malayang mahalin ang isa't isa. Pero hindi namin magawa dahil nakatali siya. I want justice for her, but how can I do that if she ask me to protect our child instead of her?"

Namasa na rin ang pisngi ni Louisse dahil sa lahat ng kan'yang narinig. Inabot niya ang kamay nito at mahina niya iyong tinapik. Sa sandaling iyon ay nauunawaan niya ang sitwasyon ng dalawa.

"Louisse, how can I tell Nana that her mommy already passed away?"

Pareho silang nag-breakdown na dalawa nang dahil sa sinabi nito. Magkaharap sila at hilam ng luha ang pisngi. Natagpuan na lamang ni Louisse ang sarili na niyakap si Kris at tinapik ito sa likuran. She didn't whispered any words. Because for her, the best comfort that you can give to someone is for you to let them feel that you are there, willing to listen and cry for their pain.

Nang mahimasmasan silang dalawa ay may inilabas ito sa bulsa at inabot sa kan'ya ang isang blue na usb. Nagtataka naman niya iyong kinuha. "Para saan 'to, Kris?"

"Ang ginawang video lamang ni Lena ang tanging laman ng usb na 'yan, Louisse. Ang huling habilin niya sa akin bago siya umalis ay ibigay ko iyan sa'yo kung sakaling may mangyari sa kan'ya. I didn't take it seriously, but I think that video is the last message she can give to you. After all, she's your twin."

Ang buong akala ni Louisse ay ang relasyon nila Kris at Lena na ang huling katotohanan na malalaman niya. Pero tila tuluyan na niyang hindi naramdaman ang katawan dahil sa huling sinambit nito. Hanggang sa maramdaman niyang tinapik nito ang balikat niya, saka na ito tumayo.

"Kailangan na nating gawin ang parte natin, Louisse. Ako ay kailangan ko nang sabihin kay Nana ang totoo. Habang ikaw naman ay kailangan mong ihanda ang sarili mo dahil malalaman mo na ang kalahati na bubuo sa pagkatao mo, Louisse."



NANGINGINIG ang kamay na isinalpak ni Louisse sa laptop ang usb na ibinigay sa kan'ya ni Kris. Bumungad sa kan'ya ang isang folder na naroroon. Pinindot iyon ni Louisse, humugot ng malalim na hininga bago buksan ang nag-iisang video na laman ng nasabing folder.

Hello, Louisse. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko pa 'to ginagawa. Kasi gusto ko na lang ibaon sa limot ang lahat at pagmasdan ka mula sa malayo. Pero may mga importanteng bagay na kailangan kong sabihin sa'yo kahit sa ganitong paraan man lamang. Ayoko kasing ipagkait sa'yo ang katotohanan. Louisse, natatandaan mo pa ba noong 19 years old pa lang tayo? Nagbakasyon tayo noon nila Eya sa isang resort. Magalit ka man sa akin kapag nalaman mo 'to pero ako ang gumawa ng paraan para muling magkrus ang landas niyo ni Zairus. Kasi hindi ko na magawang maitama sa kan'ya ang pinaniniwalaan niyang ako ang sumagip sa kan'ya noong mga bata pa tayo. I tried to tell him the truth but he didn't believe me. Louisse, si Zairus ang nakasama mo noon sa room 302.

Tila siya kinakapos ng hininga. Mabuti na lang at may natitira pa rin siyang lakas para pindutin ang stop button ng video. Ramdam niyang hirap na siya sa paghinga dahil sa rebelasyon nito. Hanggang sa naramdaman niya pati ang pagtulo ng kan'yang luha.

Zairus is the man who got her first. Magmula noon ay pinilit niyang kinalimutan ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Pero sinong niloko niya? Parte na iyon ng kan'yang buhay at nakatatak na iyon sa kan'yang isipan.

She continued to play the video.

I know that you're mad while hearing this. You have the rights, Louisse. Alam kong iisipin niyo na anong karapatan ko para diktahan ang mga buhay niyo? You have Arthur while I'm his girlfriend. But you two are the most important people to me. Louisse, hindi ko siya deserve. He deserve someone better like you. Nagsisisi ako e. Nagsisisi ako na hinayaan ko si Rita na gumawa ng paraan para magkita kaming muli. Dahil alam niyang hinahanap ka ni Zairus mula nang sagipin mo siya. And I knew, it's also my fault kasi hindi ko siya tinama noong time pa lang na 'yon. Pero Louisse, si Zairus 'yong ginawa kong proteksyon para sa sarili ko, para sa taong totoong mahal ko at para sa anak namin. Naisip ko na kung nasa tabi niya ako, pare-pareho kaming maliligtas. I know I'm selfish but what can I do? Mahal na mahal ko rin sila. Pangarap ko na makasama sila sa isang tahimik na lugar. But I know Rita wouldn't let me do that. Kasi ako... ako ang naging kabayaran sa mga utang ng magulang natin. Paano nila nagawa sa atin 'to gayong iniwan nila tayo sa ampunan? How can I pay the debt of them if we haven't meet them?

Tukoy ni Louisse na na-cut ang video at sa ibang kuwarto na kinunan ang sumunod na clip.

Louisse, kapag natanggap mo ang video na 'to. Isa lang ang pakiusap ko, alagaan mo ang lalaking alam kong parehong importante sa buhay natin. Gusto kong ikaw ang nandyan kay Zairus kapag nawala na ako.

Mabilis nitong pinunasan ang pisngi saka ngumiti.

Nga pala, ako ang matanda sa ating dalawa, ha? Ako raw ang naunang inilabas. Ako ang ate kaya ako ang magsasakripisyo para sa ating dalawa. I love you so much, my twin.

As the video ended, Louisse cried with all her heart.

"A-ate," garalgal niyang sambit.

Hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataon na bigkasin ang salitang iyon sa mismong harapan nito.

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon