CHAPTER 22

218 6 0
                                    

HULING araw na iyon ng Abril. Simula nang may mangyari sa kanila ni Zairus ay ilang araw na rin niya itong pilit na iniiwasan.

Tapos na siyang magbihis nang marinig ang katok sa pinto. Kaagad niya iyong tinungo, huminga siya ng malalim sa isiping bumalik nang maaga si Zairus, pero pagbukas niya ng pinto ay si Ezekhiel ang bumungad sa kan'ya.

"Good morning, sister-in-law," bati nito sa kan'ya.

Hindi siya nakaimik nang may bumati ulit sa kan'ya. "Good morning, ma'am," sabay na pagbati sa kan'ya ng dalawang lalaki na nasa likuran ni Ezekhiel. May bitbit ang mga ito na hindi niya mawari kung ano iyon, dahil na rin natatakpan iyon ng mahabang tela.

"Ipasok niyo na iyan," utos ni Ezekhiel.

Gumilid si Louisse para bigyang daan sila Ezekhiel at ang mga lalaking kasama nito. Pumasok ang mga ito at ang dalawa ay kaagad na ginawa ang pinag-uutos ni Ezekhiel. Dumaan ang ilang minuto at umalis na rin ang mga ito. Tanging sila na lamang ni Ezekhiel ang naiwan sa kuwartong iyon. Hindi naman matukoy ni Louisse kung para saan ang kabang nararamdaman.

Si Ezekhiel pa mismo ang nagtanggal ng puting tela na iyon. Tila mamamasa ang mga mata ni Louisse nang makita ang litrato nila ni Zairus sa isang malaking picture frame na ngayon ay nasa dingding na.

"You look good together." Maya-maya ay komento ng lalaki.

Napatikhim naman si Louisse. "Thank you."

Tuluyan na itong bumaling sa kan'ya, seryoso na ang mukha. "I know who you are."

Tumahip ang kaba sa dibdib ni Louisse. Mas lalo lang niyang naramdaman ang malakas na pagpintig ng kan'yang puso. Pero hindi niya iyon ipinahalata sa kaharap. Sinalubong niya ang tingin nito at tipid na ngumiti. "I know that," aniya. "I'm Manuella Or–"

Before she finished what she's about to say, he cut her off. "You're Louisse Anastacia Alejo."

Tila bombang sumabog iyon sa kan'yang harapan nang sambitin nito ang kan'yang pangalan. Nanlamig din ang kan'yang buong katawan na tila ba siya ay binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas siya at hindi na napigilan pang ipakita ang gulat sa kan'yang mukha. Habang si Ezekhiel ay gano'n pa rin ang reaksyon. Hanggang sa napangisi na ito saka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong jeans.

"Alam ko rin kung ano ang plano mo. But no worries, I won't stop you. Kasi alam ko namang may hangganan ito, right?"

Natigagal siya sa naging rebelasyon nito. Nilunok niya ang tila bara sa kan'yang lalamunan at nauutal na nagsalita. "P-paano mo nalaman?"

Nagkibit-balikat naman ito. "Sabihin na lang nating hindi ako kagaya ng pinsan ko. You won't fool me. I have many ways to know the truth. Patay na si Lena at pati na rin ang dapat na mapapangasawa mo."

Naramdaman niya ang panghihina ng kan'yang tuhod. Mabuti na lang at napahawak siya sa seradura ng pinto, dahil kung hindi ay tuluyang mabubuwal ang kan'yang katawan.

"H-hindi ko ginustong magpanggap," pahayag niya na kaunti na lang ay maiiyak na.

"Ginusto mo iyon, Louisse. Ginusto mo at choice mo na lokohin ang pinsan ko. Pero hindi tulad ko ay hindi niya inalam ang tungkol kay Lena. Alam kong kahit nagtataka na siya sa'yo ay pinagsalawang bahala niya lang iyon. You see, he's madly in love with your friend. But here you are, taking advantage about that."

Tuluyan siyang napayuko dahil totoo naman ang sinabi ni Ezekhiel. Choice niya iyon at walang pumilit sa kan'ya. Kahit ano pang sabihin niya ay hindi pa rin iyon magiging valid. Hindi pa rin no'n mababago ang katotohanang niloko niya ang pinsan nito at patuloy pa ring niloloko.

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon