CHAPTER 17.1

263 5 0
                                    

"You're my first love, wife."

Nang marinig iyon ni Louisse mula kay Zairus ay tila lolobo ang puso niya. Could it be possible na siya talaga ang first love nito? Ang Louisse at hindi ang impostorang si Lena? Then she realized, did Lena pretended as she?

Muli niyang tiningnan ang librong hawak. Nang dahil doon ay naalala niya na may nakaraan pala siya kung saan nakasama niya na si Zairus.

"May naitago ka bang pictures mo noong binata ka pa?"

Mula sa libro ay naibaling niya ang tingin kay Zairus. Hindi nakatakas sa kan'yang paningin na nanigas ang katawan nito, saka niya naalala ang sinabi sa kan'ya ni Manang Pasing. He doesn't want to keep pictures of his childhood memories. Dahil maaalala lamang ni Zairus ang ginawang pag-iwan ng ina.

"It's okay if you don't want to show it to me," aniya na magaan lamang ang pagkakasabi. Ayaw niyang ma-trigger nanaman ang takot na matagal na nitong dala-dala.

Narinig naman niya ang paghugot ng buntong-hininga ni Zairus, bago niya ito muling makitang gumalaw at may kinuha sa isang maliit na drawer. May inilabas itong box mula roon saka iyon ibinigay sa kan'ya.

"I was just shocked because this is the first time you wanted me to show you my picture. Isang beses pa lang kasi nating nagawang magpakuha ng litrato nang magkasama."

Napatingin naman si Louisse sa picture frame na nakalagay sa ibabaw ng bedside table. Iyon siguro ang tinutukoy nito. Matapos no'n ay muli niyang ibinaling ang tingin sa hawak na box at tinanggal ang takip no'n.

Gano'n na lang ang pagsinghap niya nang tuluyang makita ang picture ni Zairus. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Si Zairus din ang nakausap niya noon sa paboritong spot nila ni Arthur. He was that new orphan who told her not to wait anymore for Arthur, because he was not coming back.

"Hindi ko akalain na ikaw pala ang nakasama ko sa balon. I was felt guilty because of what I've said to you. Iyong Arthur bang iyon ay ang taong binabanggit mo rin sa akin na gusto mo nang makita?"

Naramdaman ni Louisse ang pagbilis ng tibok ng kan'yang puso. Hindi nito p'wedeng malaman ang totoong papel ni Arthur sa buhay niya.

"Sinubukan ko na kasing itanong iyon sa'yo pero pilit mong iniiba ang usapan," dagdag pa nito.

Humugot siya ng malalim na hininga saka tumango. "Yes. They are the same person. Kaso wala na siya, Zai. Naaalala mo pa ba iyong dalawang linggo akong nawala? Pinaglamayan namin siya." Pigil niya lamang ang sariling huwag maging emosyonal.

Nakita niya naman ang pagdaan ng pag-aalala sa bakas ng mukha nito. Nakalarawan din doon ang simpatya. Kaya hindi na nagulat si Louisse nang bumalik ito sa kama at mabilis siyang hinatak at niyakap nang mahigpit. Tuluyang umalpas ang luhang pinipigilan niya nang maramdaman ang pagtapik nito sa kan'yang likuran.

"I didn't know, I'm sorry. Hinayaan ko ang sarili kong magalit sa'yo dahil iniwan mo ako nang walang pasabi. If I knew the reason, maybe I was beside you and comforting you."

Hinayaan ni Louisse ang sariling mahigpit na yakapin si Zairus. Habang napahawak siya sa laylayan ng suot nitong pajama top. Hindi niya nagawang umiyak noong lamay ni Arthur, ngayon na lang tila naproseso ng puso niya ang sakit dulot ng pagkawala nito.

It sounds unfair, pero naisip ni Louisse na kung hindi kaya siya naampon ng mag-asawang Alejo noong araw na iyon, mas nakilala niya pa kaya si Zairus? Siya kaya ang nasa posisyon ni Lena at minamahal nito magpa-hanggang sa oras na iyon?

Maya-maya pa ay kumalas na si Zairus sa pagkakayakap sa kan'ya. Umangat ang kamay nito at tinuyo ang mga luha sa kan'yang pisngi. Hanggang sa ang daliri nito ay napalitan ng labi nito nang inilapit ng lalaki ang mukha sa kan'ya.

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now