CHAPTER 25

247 4 0
                                    

IT'S been two weeks since Louisse got hired in AlZero Tech Company. So far ay maayos naman ang pakikitungo sa kan'ya ng mga ibang co-workers. May iilang employees nga lang na matagal ng nagtatrabaho sa kumpanya na sa kanilang mga baguhan pa lang ipinapasa ang mga trabaho ng mga ito. Hindi na iyon bago kay Louisse, lalo na't may mga ka-trabaho rin siya na ganoon ang ugali sa dating kumpanyang pinagtatrabahuhan.

Sa isang grupo na nabuo kasama si Louisse ay mix of new and old employees. Sabay-sabay silang tumayo at nagngitian pa nang oras na para sa lunch. Bago sila makalabas ay nag-ring ang telepono ni Mrs. Juarez, ang kanilang chief human resource officer. Si Louisse ang nahuhuli kaya nang ibaba nito ang telepono ay sa kan'ya napunta ang tingin nito saka siya tinawag. "Miss Alejo."

Napahinto si Louisse saka nilingon ang kanilang senior. Lumapit siya rito at kaagad nitong inabot sa kan'ya ang mga folder. Marami iyon at makapal kaya kailangan hawakan nang mabuti ni Louisse para wala siyang mahulog kahit isa.

"Pakidala na lang sa office ni Mr. President."

Nabigla naman siya. Simula nang makapasa siya sa interview ay iyon pa lang ang magiging unang beses na makakapunta siya sa opisina ni Tonyo. Tila napansin naman nitong natigilan siya. "You don't have to worry, Miss Alejo. Strict man si Sir Aiden ay mabait siya."

Tumango na lang siya. Nasabi na iyon sa kan'ya ni Tonyo. Kahit magkakilala pa sila ay binigyan na siya nito ng babala na strict ito sa loob ng kumpanya.

"Alam mo naman ang opisina ni sir Aiden, hindi ba?"

Tumango lamang siya ulit. Na-assist na silang mga newly hired patungkol sa bagay na iyon. Tuluyang naglakad na si Louisse nang talikuran na siya ni Mrs. Juarez at ilagay muli ang telepono sa tainga nito. Nang makalabas ay ang sumarang elevator door ang bumungad sa kan'ya, lulan ang mga kasama niya. Ni hindi na niya nagawang makapagpaalam sa mga ito. Habang siya naman ay sumakay na sa elevator paakyat. Siya lamang ang tanging sakay no'n, lalo na at natitiyak niyang kanina pa nakaalis ang ibang mga empleyado sa bawat departamento dahil lunch break.

Tuluyang lumabas si Louisse nang bumukas na ang elevator at narating na niya ang tamang floor. Napansin niyang iba ang atmosphere sa paligid. Katahimikan ang namamayani sa floor na iyon at ang sahig ay may red carpet. Elegante ang interior design at agaw pansin ang logo ng kumpanya.

Diretso lang ang lakad ni Louisse papunta sa direksyon nang nakita niyang opisina ng presidente. Hindi niya na inisa-isa pang basahin ang mga nameplates ng iba pang may matataas na posisyon sa AlZero.

Bago pa siya makakatok sa pintuan ng opisina ni Tonyo ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Ilang araw niya na rin iyong nararamdaman. May pagkakataon pa na nagsusuka siya sa tuwing nagigising siya sa umaga. Buong akala ni Louisse ay saglit lamang ang hilong nararamdaman, kaya gano'n na lang ang gulat niya nang siya ay mawalan ng balanse.

Tuluyan niyang nabitawan ang mga folder na hawak at kan'yang naipikit ang mga mata. Bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay naramdaman niya pa ang pagsalo ng kung sino sa kan'ya.



DIS-ORIENTED na binuksan ni Louisse ang mga mata. Nasilaw siya sa liwanag na dala ng florescent light. Bigla ay naipikit niya ang mga mata at muli iyong iminulat nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Naibaling niya ang kan'yang tingin sa isang babaeng may suot ng lab coat. Noon ay nakumpira ni Louisse na kasalukuyan siyang nasa hospital.

"You're awake." Nang marinig ang boses ni Tonyo mula sa kan'yang gilid ay sa lalaki naman niya naibaling ang tingin.

"Bakit ako nandito, Sir?" nanghihina niyang tanong sa boss, sapat lang ang boses niya para ito lang ang makarinig.

"Kamuntik ka nang matumba kanina sa sahig. Mabuti na lang at nasalo kita. Masama ba ang pakiramdam mo? Nilalagnat ka ba? Baka nasobrahan ka naman sa pagtatrabaho," sunod-sunod nitong tanong.

"It's normal, Mr. Parker," singit ng doktora sa usapan nila.

Nang muling ibaling ni Louisse ang tingin sa babae ay nginitian siya nito. Nanigas ang katawan niya sa sunod na narinig mula sa doktora. "Congrats, Misis. You're one week pregnant."

Hindi nakatakas sa pandinig niya ang pagsinghap ni Tonyo. Mula sa kan'yang peripheral vision ay nakita niya pang nagulat ito.

"And your reaction is also normal. I advice you to take a rest, Misis. Maselan kasi ang pagbubuntis mo. Niresetahan na rin kita ng vitamins. You need to take it for you to stay healthy. Para na rin kay baby."

Saglit lamang doon ang doktora at ilang minuto na rin ang lumipas nang magpaalam ito sa kanila. May rounds pa raw kasi ito. Habang silang dalawa ay nanatiling tahimik pero si Tonyo na ang bumasag sa katahimikang iyon.

"You're pregnant? Ang akala ko ay hindi natuloy ang kasal niyo ni Arthur? You also stated sa resume mo na single ka."

Natahimik lang siya. Hindi niya magawang mahanap ang boses para makapagsalita. Nandoon ang pakiramdam niya na hindi pa siya handang buksan sa ibang tao ang patungkol sa pagpapanggap niya bilang si Lena.

Narinig na lang niyang humugot si Tonyo ng malalim na hininga. "It's fine if you don't want to talk about it. I don't want you to get stress. Just take a rest. Tinawagan ko na rin si Eya. Baka mamaya rin ay nandito na siya."

She nodded. "Thank you."

"I need to go back to the office. Marami pa akong papeles na dapat pirmahan."

Nang makaalis ang lalaki ay doon na tuluyang tumulo ang mga luha ni Louisse. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Takot, pangamba o saya?

Dapat ba siyang matakot dahil magiging ganap na siyang ina? Mangangamba dahil papalakihin niya ang bata nang mag-isa? O magiging masaya dahil ito ang pinaka-magandang alaala nila ni Zairus?

Bago pa niya mapag-isipang sagutin ang katanungang tumatakbo sa kan'yang isipan ay muling bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Eya na bakas sa mukha ang pag-aalala. Nang makalapit ito ay doon niya napansin ang pawis sa gilid ng noo nito, waring tumakbo ito makapunta lang kaagad sa kan'ya. It makes her heart melt.

Napangiti siya nang hawakan nito ang kan'yang kamay, sinisipat kung may pasa siya roon. Nagawa rin nitong i-check pati ang kan'yang noo. "May masakit ba sa'yo? Hindi ka ba nauntog sa kung saan?"

"I'm fine, Eya. No worries," she said, with a smile.

Tila roon pa lang ito nakahinga nang maluwag.

"Ilang araw ka na ring nagsusuka tapos nahihilo. At isa pa-"

Bago pa nito matapos ang balak sabihin ay bigla natakpan niya ang kan'yang ilong at pilit inilalayo ang sarili sa kaibigan. May kung ano sa katawan nito na tila nag-trigger sa pang-amoy niya. "Eya, anong pabango mo? Bakit ang baho?"

Inamoy-amoy naman nito ang sarili. "Grabe kang babae ka. Ang bango kaya. Alagang bench ako, noh!"

Nang maupo ay mas lalo niyang inilayo ang sarili sa kaibigan kaya tuluyang nanlaki ang mga mata ni Eya, tila nabigyan ng kasagutan ang katanungan nito. "Don't tell me... you're pregnant?"

Nang dahil sa tanong nito ay saka niya muling naalala ang sinabi kanina ng doktora. Muntik niya na iyong makalimutan.

"Silence means yes, right? Iyon ba ang rason kung bakit ka nandito sa hospital?"

Nangilid ang kan'yang luha. "Eya, anong gagawin ko?"

Nataranta ito nang humagulgol siya ng iyak. Hindi naman siya nito magawang malapitan dahil nasusuka siya sa amoy nito. Tuloy ay kinailangan pa magtawag ni Eya ng nurse para mapatigil siya sa pag-iyak.

Nasa sofa na ito, prenteng nakaupo, nang tuluyan na siyang mahimasmasan. Umalis na rin ang nurse at hinabilinan pa ang kan'yang kaibigan na kailangan niyang magpahinga.

"Matulog ka na muna, Louisse. Kailangan mong magpahinga."

"How can I do that?" bulong lang iyong lumabas sa kan'yang bibig.

"Don't think of anything else. Just take a rest, then we will talk again later."

Napahugot na lamang siya ng buntong-hininga. Ipinikit ang mga mata saka na tuluyang nakatulog.

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now