CHAPTER 42

364 7 1
                                    

TANGHALI na nang magising si Louisse. Mula sa hinahanging kurtina ng kuwarto ay kita niyang tirik na tirik ang araw. Hindi niya sukat akalain na makakatulog nang mahimbing pagkatapos nilang mag-agahan. Bigla ay nailibot niya ang tingin sa kabuuan ng dating kuwarto nila ni Zairus. Nang makita ang malaking picture frame nilang dalawa ay tuluyan na siyang bumalikwas ng bangon at nakangiti siyang lumabas ng silid.

Kaagad na si Zairus ang hinanap ng kan'yang mga mata. Hindi naman siya natagalan at natagpuan niya ito sa balcony, nakatingin sa karagatan at mukhang malalim ang iniisip.

"Good morning," bati niya rito.

Mas mabilis pa sa alas-kuatro ang naging pagbaling nito sa kan'ya. Otomatiko itong ngumiti saka tumayo. Tuloy ay hindi niya mapigilan ang sariling titigan ang labi nito.

"You want a kiss?"

Namula ang kan'yang pisngi at mabilis na ibinalik ang tingin sa mga mata nito. Hindi naman nakaligtas sa kan'ya ang pagtaas ng sulok ng labi ng lalaki.

"Dream on," aniya saka humalukipkip.

"Pero ako gusto ko ng kiss."

Bago pa siya makahuma ay mabilis na itong nakalapit sa kan'ya at naramdaman na lang niyang nakalapat na ang labi nito sa labi niya. Akma pa lang siyang kakawala ng mabilis nitong ipinaikot ang kamay sa kan'yang beywang at mas lalo pang pinalaliman ang halik. Kalaunan ay pinakawalan din naman ni Zairus ang kan'yang labi, pero nanatiling dikit pa rin ang katawan nila sa isa't isa.

"Gutom ka na ba?" kalaunan ay tanong nito.

Napatango lamang siya. Nasa state of shock pa rin siya dahil sa ginawa nito.

"Sakto at may hinatid kanina si Manang na pagkain. Tara at pagsaluhan na natin."

Nangunot naman ang noo niya. "Nagpunta sila rito? Bakit hindi mo ako ginising? Hindi ko man lang sila nakamusta."

Ngumiti nanaman ito saka pinanggigilan ang matambok niyang pisngi. "Saka na. Sa ngayon ay sa akin ka muna."

Nang dahil sa sinambit nito ay bumilis ang tibok ng kan'yang puso. At dahil nakatingin sa kan'ya si Zairus ay pinigilan niyang huwag ngumiti, kaya inirapan na lang niya ito para mapagtakpan ang kilig na nararamdaman. Hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw sa pagkakayakap nito sa kan'ya saka na nagpatiuna.



NAKANGITING pinagmasdan na lamang ni Zairus ang papalayong bulto ni Louisse. Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili... nagawa na nga niya kayang muling mapasok ang puso nito? May tsansa kayang muli siyang ibigin ng babae? Dahil hindi siya makakapayag na hindi iyon mangyayari. Gagawan niya ang lahat, maramdaman lang muli ang pag-ibig nito at marinig mula sa labi nito ang totoong nararamdaman.

Huling sulyap sa karagatan ay tuluyan na niyang sinundan sa kusina si Louisse. Natagpuan niyang abala ito sa paghahanda ng tanghalian nila. Nagawa pang iinit ng babae ang ulam na dala kanina nila Manang Pasing. Isang oras na kasi buhat nang magpunta roon ang matanda, kaya hindi na nakapagtataka kung lumamig na iyon.

Naupo siya sa mga stool na nasa kitchen island saka nakapangalumbaba na pinagmasdan si Louisse. Sa paningin niya ay asawa niya itong pinagsisilbihan siya. Nang dahil doon ay mas lalo lamang siyang napangiti at nadagdagan ang lakas ng loob na ipagpatuloy ang planong muli itong mapa-ibig.

Hanggang sa hindi na siya nakatiis sa simpleng pagtingin lang dito. Tumayo na siya at mula sa likuran nito ay ipinalibot niya ang kan'yang mga braso sa beywang ng babae saka mahigpit itong niyakap. Narinig naman niya ang malakas na pagsinghap nito, lalo na nang ibaon niya ang ulo sa leeg nito at kagatin ang sensitibong balat nito roon.

"Zairus!" napapantikusang tawag nito sa kan'yang pangalan.

Napangiti lang siya at mas lalo pang pinatakan ng maraming halik ang leeg nito.

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now