CHAPTER 15

245 4 0
                                    

NAGISING si Louisse na wala na sa tabi niya si Zairus. Mabilis siyang bumangon. Ni hindi na nag-abala pang magsuot ng bathrobe at dumiretso na siya ng banyo. Kahit papaano ay nasasanay na siyang doon naliligo sa k'warto nila ni Zairus. Nando'n na rin pati ang kan'yang toiletries.

Kahapon, sa sobrang tuwa ni Zairus ay sinamahan siya nitong gumala maghapon sa isla. Nag-take ito ng day-off kaya si Gin ang naging abala sa iniwang trabaho ng lalaki.

Nang makaligo at maisuot ang summer dress ay bumaba na rin siya sa ikalawang palapag ng bahay. Naabutan niyang nasa kusina na ang magtiyahin habang tila may isinusulat sa hawak na papel si Manang Pasing.

"Good morning," bati niya sa dalawa.

Sabay ang paglingon ng dalawa at tila lolobo ang puso niya nang ngumiti ang magtiyahin sa kan'ya. Wala na siyang mababakas na sama ng loob sa mukha ng mga ito. Nagulat pa siya nang mabilis na lumapit sa kan'ya si Lineth at mahigpit siya nitong niyakap. Mas matangkad siya sa dalagita, hanggang ibaba lamang ito ng kan'yang dibdib, kaya sakto lang ang pagkakayakap nito sa kan'yang beywang.

"Lineth!" saway dito ng tiyahin. Pinipigilan sa ginagawa nito sa kan'ya.

Bakas ang paghingi ng paumanhin sa mga mata ni Manang Pasing nang tumingin ito sa kan'ya. Kaya para hindi ito mag-alala ay tumango siya nang may pag-uunawa. Then, she whisperd the word, "Okay lang, Manang."

Maya-maya lang ay kusa nang kumalas sa pagkakayap nito sa kan'ya ang dalagita. Nakita niya pa ang luha nitong tumulo, dala marahil ng pagka-overwhelm. "Pasensiya na, Ma'am Lena. Matagal ko na po kasi kayong gustong yakapin pero parang may itim na salamangka na bumabalot sa inyo. Bagay na hindi ko magawa. Pero nang tumuntong ulit kayo sa islang 'to ay nawala ang takot kong 'yon. Kasi parang pakiramdam ko, ibang tao po kayo," mahabang litanya ni Lineth.

Hindi ipinahalata ni Louisse na kinabahan siya. Hiling niya lang na sana ay hindi makahalata ang mga ito. Then, she gently stroked her curly hair.

"Pasensiya na rin po kung nahusgahan namin kayo, Ma'am. Nagtanim kami ng sama ng loob sa inyo kasi akala namin hindi na magbabago ang pakikitungo niyo kay sir. Pero nang makita ko iyong senaryo kahapon, napatunayan kong mabait po talaga kayong tao," dugtong pa nito.

Tinapik-tapik naman niya ang balikat nito at matamis itong nginitian. "Huwag niyo na iyong alalahanin pa," aniya sabay lingon kay Manang Pasing na tila natutuwang pinagmamasdan silang dalawa, saka niya ulit ibinaling ang tingin kay Lineth. "Ang mahalaga ngayon ay napatawad niyo na ako. Magsisimula akong muli. And from now on, I'll treasure our Zairus."

Sa lumipas na minuto ay naging abala silang tatlo sa preparation para sa binabalak nilang suprise birthday present kay Zairus. Ayon kay Manang Pasing ay maagang umalis ang lalaki at nagpunta sa opisina nito. Inaabala lamang ang sarili sa mga tambak na trabaho para makalimutan at maiusad ang kaarawan nito.

Dahil nga bihasa at mahilig mag-bake si Louisse ay siya ang nakatoka sa cake, cupcakes and cookies na isinama nila sa listahan ng lulutuin. Si Lineth sa ibang desserts. Habang si Manang Pasing sa iba pang paboritong dishes ni Zairus.

Napag-alaman niya mula kay Manang Pasing na simpleng tao lamang din si Zairus. Bilyonaryo ang tingin dito ng ibang tao. Competitive, smart and heartless when it comes to business industry. Pero kung kikilalanin at makakasama sa iisang bahay ang lalaki ay malalaman ng mga tao na normal na pamumuhay lamang ang gusto nito. Hindi mapili si Zairus sa pagkain. Kumakain lamang ito ng mga Spanish, Italian at iba pang gawa ng ibang bansa kapag may formal occasion. Ngunit kapag nasa mansyon ito ay gustong-gusto nitong kinakain ang mga lutong Pinoy. Lalo na ang kaldereta.

Gabi na rin nang matapos sila maghanda at mag-set-up ng decorations. She give time for herself to take a bubble bath to relax her body. Noon niya lamang kasi naramdaman ang ngalay dahil sa ginawa. May sapat pa naman siyang oras para mag-ayos ng sarili dahil si Gin ang nagsisilbi nilang chaperone.

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now