CHAPTER 46

200 1 0
                                    

HINDI maintindihan ni Zairus ang sarili. May kaba siyang nararamdaman pero hindi niya alam kung para saan. Panatag naman siyang kausap si Louisse kanina ngunit pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda.

Ipinilig na lang niya ang ulo saka nag-focus sa pagpirma ng mga papeles na nasa ibabaw ng kan'yang desk. Makakapal ang mga iyon at naipon dahil ilang araw rin siyang nawala simula nang dalhin niyang muli si Louisse sa kan'yang isla.

Nabalik siya sa reyalidad nang tumunog ang telepono sa kan'yang gilid. Napabuntong-hiningang binitawan niya ang papeles na hawak, pati na rin ang suot-suot na eyeglasses. Sandali niya pang hinilot ang sintido bago napagpasyahang kunin ang telepono at ilagay sa kan'yang tainga.

"Zairus speaking!"

[Yo!]

Nangunot ang noo niya nang makilala ang taong nasa kabilang linya. Ang alam niya ay busy ang lalaki sa mag-ina, kaya nga ito pansamantalang nag-leave sa trabaho.

"What do you need?"

[Wow!] amusement will be heared from Ezekhiel's voice. [Don't you miss me?]

"Ibababa ko na ang telepono kung wala kang magandang sasabihin," seryosong babala niya sa pinsan.

[Chill! Tinalo mo pa ang nagmi-menopause na babae niyan.]

Sandaling tumahimik ang kabilang linya. Hindi rin naman nangahas si Zairus na magsalita. Hanggang sa marinig niyang muli ang boses nito.

[Well, I just called because it's just feel weird that Reese was being silent for this past week.]

Nang mabanggit nito ang pangalan ng lalaki ay tila bumalik ang kabang nararamdaman ni Zairus kanina. Hindi man niya gustong pagtuunan ng pansin ang sinabi ni Ezekhiel pero tama naman ito. Walang araw na hindi bumibisita si Reese sa kumpanya para lang guluhin siya. May mga ilang beses pang bigla na lang siyang nakakatanggap ng tawag mula rito para lang asarin siya, which he found childish act of the man.

"Isn't it a good thing?" He said it as if he's unbothered then he rest his back to the swivel chair.

[I don't know. Mas gusto ko pa yatang palagi kayong nagbabangayan kasi atleast alam natin kung ano ang ginagawa at kung anong pinaplano niya. Hindi tulad ngayon na ilang araw na siyang walang paramdam. Alam mo naman kung gaano kalalim ang galit at inggit no'n sa'yo. Nag-aalala lang ako.]

He sighed. "Just focus on your family, Khiel. I'm hanging up the call."

Ezekhiel was about to say something but he already hang up the call.

Ilang oras na rin ang lumipas ngunit hindi na niya magawang mag-focus sa trabaho. Kaya buntong-hiningang kinuha niya mula sa drawer ang cellphone. May pinindot siya mula sa screen saka niya pinagmasdan ang nakuhanang footage. Hindi man niya gustong gawin ngunit naglagay siya ng security camera sa bahay kung saan namamalagi si Louisse.

Napatayo siya nang may lumabas na pamilyar na lalaki mula sa bahay, kasabay nito si Louisse.

"Damn it!"

Nagmamadaling kinuha niya ang susi ng sasakyan saka tinawagan ang numero ni Ezekhiel. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag. Bago pa ito makasagot ay nagsalita na siya.

"We need to go somewhere, Khiel. I'll send you the location. Bring your men with you. I'll be needing them to get back someone who's important to me that was stolen by this rat."

Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito at nagmamadali na siyang lumabas ng kan'yang opisina. Ramdam niya ang galit na umuusbong na sa kan'yang puso pero pinipilit niya pa ring kumalma.

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon