CHAPTER 9.1

278 5 0
                                    

Iyon ang unang beses na nakita niyang may tumulong luha sa pisngi ni Zairus. Gamit ang malaya niyang kamay ay pinunasan niya iyon, saka siya yumuko at hinalikan ito sa noo. Naramdaman niyang na-tense ang katawan ng lalaki. Ngunit nang haplusin niya ang pisngi nito ay unti-unti itong kumalma.

"I don't deserve your love, Zai."

Naramdaman na lang niya na pinagsalikop nito ang kamay nilang dalawa.

"Even you tell me that you don't deserve it, I'll still give it to you. I'll show and make you feel how much I can give just to reach you," madamdamin nitong pahayag.

"You already reach me, Zai." She said as her tears started to fall down on his cheeks.

Gumuhit ang matamis nitong ngiti, umangat ang kamay nito at ito naman ang nagpunas ng kan'yang luha. Nagawa pang maglakbay ng kamay nito papunta sa kan'yang batok at hinila siya nito para magdikit ang noo nilang dalawa.

Ilang minutong katahimikan ang dumaan sa pagitan nilang dalawa bago tuluyang bumangon si Zairus. Kaya napaayos sa pagkakaupo si Louisse, saka niya naalala ang hinandang umagahan para rito.

"I made you a breakfast," aniya saka tumayo na.

Lumapit siya sa bedside table at kinuha ang tray. Pagkatapos ay inilapag niya iyon sa espasyo sa kabilang side ng kama kung saan siya natutulog.

"I think you're planning to make me fat," biro nito.

"Iyon talaga ang intensyon ko," pagsakay naman niya.

Pareho silang napangiti ni Zairus. Pagdaka'y bahagyang lumapit sa kan'ya ang lalaki, kumakapang muli ito sa kama kaya ginagap niya ang kamay nito saka ito bahagyang hinila. Kaagad niya ring binitiwan ang kamay nito saka tinuon ang kan'yang atensyon sa pagsandok ng pagkain at pagsubo rito.

"Maaga ka na ngayong nagigising," maya-maya ay komento nito.

"Yes," sang-ayon niya. "Because I'm now practicing my duties as your wife."

Hindi napaghandaan ni Louisse ang kamay nitong pumaikot sa kan'yang beywang. Namalayan na lang niyang hinila siya ni Zairus at pinaupo sa mismong kandungan nito. Laking pasasalamat na lang ng dalaga na walang laman na kanin at ulam ang kutsarang hawak niya.

"Zairus!" saway niya rito.

She take a deep breath when she felt that he buried his face in her neck.

"It's cold, wife. I need your warmth."

Dahil malapit lang sa kanilang dalawa ang tray, inilapag niya muna ang mga utensils na hawak niya saka ipinaikot ang dalawang kamay sa leeg nito.

"Malamig pa ba?" may lambing na mahihimigan sa kan'yang boses.

He nodded and pulled her even closer to his body. Then, she felt something hard that hitting her ass. Now Louisse was sure that it was his manhood. Especially that he's just wearing pajamas, unlike when she's in his office. Zairus was wearing a slacks that time.

Ipinagsawalang-bahala na lamang iyon ni Louisse kahit pa init ang hatid no'n sa kan'yang katawan. Gamit ang isang kamay ay sinuklay niya ang bahagyang kulot na buhok ni Zairus.

"Gusto mo bang patayin ko ang aircon?" tanong niya pa.

Mabilis naman itong umiling. "Kanina ko pa napatay iyan."

Dahil sa sinabi nito ay napatingin si Louisse sa binuksang sliding door. Doon marahil nanggagaling ang lamig na bumabalot sa apat na sulok ng silid.

"Isasara ko na lang ang sliding door," aniya at akmang tatayo. Ngunit mabilis siyang hinawakan ni Zairus sa kan'yang beywang para panatilihin sa kandungan nito.

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon