CHAPTER 22.2

226 8 0
                                    

Nakaramdam siya ng kaba sa tono ng boses nito. "What do you mean?"

[Hindi totoong tiyahin ni Lena si Rita. Ang totoo ay nagbubugaw siya ng mga babae sa mga mayayaman at matatandang nagpupunta sa bar ng kaibigan niya. At isa si Lena sa mga biktima niya. Louisse, Lena was a rape victim.]

Nanigas ang kan'yang katawan nang dahil sa narinig. Ilang minutong tila nakalimutan niyang huminga. Ni pandinig niya ay tila hindi na maayos na nagfu-function.

[Umuwi ka na, Louisse. I can't tell you the whole story. But there's someone who wanted to talk to you. Siya ang magpapatunay sa lahat ng mga nalalaman niya.]

Hindi na nagawa pang makapagsalita ni Louisse. Natulala lamang siyang nakaupo roon habang nasa kan'yang tainga pa rin ang hawak na cellphone, kahit na ibinaba na ni Eya ang tawag.

Pumatak ang kan'yang mga luha at hindi makapaniwala sa mga narinig. Maraming katanungan ang pumapasok sa kan'yang isipan. At alam niyang masasagot lamang iyon kapag umuwi na siya sa Manila. Kailangan niyang makausap si Zairus, dahil imposibleng makasama siya rito papuntang America.


ILANG oras pa bago ang flight nila ni Zairus papuntang America, kaya nilibang muna ni Louisse ang sarili sa pamamasyal sa tabing-dagat. Habang dala pa rin sa isipan ang mga nalaman. Hindi niya nagawang makausap si Zairus dahil nang magpunta siya sa opisina nito ay abala ang lalaki sa pakikipag-usap kay Gin patungkol sa trabaho at sa operasyon na mangyayari.

Nasa kalagitnaan siya ng pagmamasid sa paghampas ng alon nang makuha ng isang binata ang kan'yang pansin. Sa harapan nito ay canvas na nakapatong sa isang wooden stand. Nakatingin ang binata sa paghampas ng alon at muling ibabalik sa harapan ng canvas. Nang makalapit siya sa likurang bahagi nito ay doon niya nakumpira na ipinipinta nito ang view sa harapan nito.

"Ang ganda," hindi niya naiwasang maiusal.

Mukha naman itong nabigla. Ipinihit ang ulo saka siya tiningnan sa nanlalaki nitong mga mata. Ngumiti naman siya at muling tiningnan ang ipinipinta nito. "Alam mo bang pangarap ko noong matutong magpinta? Kaso lang ay hindi ako nabiyayaan ng gan'yang talento. But I know someone who's good at painting. She's really like you," naibulong niya na lang ang huling pangungusap.

Nakita naman niya ang pagkislap ng mga mata nito, tila nakuha na niya ang atensiyon ng binata. "Really? Who's she? Is she with you?"

Mabilis naman siyang napailing. "Wala na siya." Iyon lamang ang salitang nanulas sa kan'yang labi, pero tila naunawan naman nito ang nais niyang iparating.

Tumango-tango ito saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Dumaan pa ang ilang minuto bago ito muling magsalita. "My mom passed away when I'm just five years old," k'wento nito. "I didn't remember what she looks like. But because of my dad's artwork, I can still see her face through his arts."

Kumirot naman ang kan'yang puso. May pangungulila siyang nararamdaman para sa mga magulang pero hindi niya naman magawang ma-imagine kung ano nga ba ang hitsura ng mga ito.

"You see, if ever you'll missing someone, you can look at those paintings or drawings. And it can be a bit helpful to ease your longiness."

Bigla ay naalala niya si Zairus. Bago pa niya mapigilan ang sarili ay naibuka na niya ang bibig. "Then, can do you me a favor?"

Natigilan ito sa ginagawa saka napatango.

"Can you paint me and my husband? I want to remember him if ever I'll miss him through your painting."

Tuluyan na itong tumigil nang matapos sa ginagawa at umayos ng upo, nakaharap na ito sa kan'ya. "Why would you want a painting of you and your husband? It doesn't like you will be part ways, right?"

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon