CHAPTER 11

340 7 0
                                    

NASA bungad pa lang ng kusina si Louisse ay kaagad nang nanuot sa kan'yang ilong ang mabangong amoy ng bacon. Dahilan para kumalam ang kan'yang sikmura. Nang makapasok ay nabungaran niya si Manang Pasing na noon ay abala sa paghahanda ng agahan. Kaagad hinanap ng kan'yang mata si Lineth pero mukhang wala ro'n ang pamangkin ng matanda.

"Good morning," pagbati niya rito saka tuluyang naglakad sa silya'ng naka-p'westo sa gilid nito.

Nang pumihit ang ulo ni Manang Pasing sa kan'ya ay natigilan ito sa paglalagay ng mga utensils. Matagal pa itong napatitig sa kan'yang mukha dahilan kung bakit niya naikunot ang kan'yang noo. Dahil nagtataka siya sa inaasal ng matanda kaya gamit ang kaliwang kamay ay sinuri niya ang kan'yang mukha. Habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa silya.

"Manang, may problema po ba?" Hindi na niya natiis pa ang hindi magtanong.

Makailang beses pang kumurap ang matandang babae bago nito tuluyang iniwas ang tingin sa kan'ya. At ipinagpatuloy na ang ginagawa. "Wala naman, Miss Lena. Napansin ko lang na tila umaliwalas ang mukha mo. Hindi ko matukoy kung dahil sa simple lang ang ayos mo ngayon at walang kolorete sa mukha o dahil sa ibang bagay."

Umawang ang bibig ni Louisse at pinamulahan ng mukha. Bigla ay naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Zairus, tatlong araw na ang nakararaan. Matapos ang pangyayaring iyon, sa tuwing sasapit ang gabi at magkatabi sila sa iisang kama ay pansin niyang mas naging intimate ang lalaki sa kan'ya. Palagi na siya nitong yakap sa gabi at nakakatulog nang mahimbing sa bisig nito.

Hindi lang dulot ng init ng katawan nito ang dahilan kung bakit naging mahimbing ang tulog ni Louisse sa mga nagdaang araw. Kung hindi pati na rin ang damdaming nakakadarang sa tuwing humahaplos ang kamay ni Zairus sa kan'yang katawan. Hindi man sila lumalampas sa ginagawa, naranasan naman niya kung makailang beses na labasan dahil lang sa munti nitong haplos sa maselan niyang katawan. Habang ramdam niya ang katigasan ng pagkalalaki nito sa kan'yang pang-upo.

Tumikhim siya. "May maitutulong po ba ako?" paglihis niya sa usapan.

"Tapos naman na ako maghanda. Pakitawag na lang si Mr. Montell. Kasalukuyan siyang nasa library ngayon, kasama si Gin."

Napatango naman si Louisse. Alam niya kung saang parte iyon ng mansyon. Pero hindi siya nagtangka ni maski isang beses na pumasok doon. Matapos magpaalam kay Manang Pasing, tuluyan niyang inakyat ang second floor. Sa bungad lang naman iyon ng hagdan. Kaya pag-akyat ay narating niya kaagad iyon at kumatok sa pinto.

Nang wala siyang narinig na sagot ay naghintay muna si Louisse ng ilang segundo bago niya pinihit ang seradura. Pagpasok ay bumungad sa kan'ya ang seryosong pag-uusap ng dalawa. Bahagyang natigilan si Gin saka napalingon sa kan'ya. "Miss Ortigaz."

Naging alerto si Zairus. Ang kaninang nakakunot nitong noo ay umaliwalas at matamis na napangiti. "Lena," sambit nito.

Nang maisara nang tuluyan ang pinto ay dahan-dahan siyang naglakad papasok. Malakas ang buga ng aircon sa loob at nanunuot ang amoy ng libro. Ilang shelves din ang nakita niya na may iba't ibang uri ng libro.

"Hindi ko kayo gustong isturbuhin pero handa na ang almusal. Pinatatawag na kayo ni Manang."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila may magnet na humila sa mga mata ni Louisse para maibaba niya ang tingin sa isang kamay ni Zairus na nakapatong sa table. Pinamulahan siya ng pisngi nang mapagmasdan ang mahahaba nitong daliri. Hindi pa nakatulong na sumagi sa kan'yang isipan kung ano ang kayang gawin no'n sa kan'yang katawan.

"Lena." Muling bigkas ni Zairus sa kan'yang pangalan.

Napakurap siya at pilit ibinalik ang sarili sa tamang pag-iisip. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair saka inilahad ang kamay. "Where are you? Come here."

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now