CHAPTER 33.1

273 7 0
                                    

"Everyone," pagkuha nito sa atensyon ng mga mga abala nitong mga empleyado.

Nagkaroon ng pagkakataon si Louisse na ilibot ang tingin sa malawak na floor na iyon. Kasalukuyan silang nasa HR department. Kanya-kanyang cubicle ang mga employees. May mga nakikita siyang mga kapwa niya rin Pilipino, pero mas marami ang mga banyaga.

Napangiwi si Louisse nang biglang pisilin ni Tonyo ang kan'yang braso. Nakangiti man ito ay alam niya kung gaano kasahol ang ugali ng lalaki. She didn't expect that the sweet Tonyo that she knew back then, is now turned to a beast she couldn't think of.

Lumabas ang mga employees sa bawat cubicle. Nang tuluyan nang makuha ni Tonyo ang atensiyon ng mga ito ay nagpatuloy ang lalaki. "I want you all to meet my fiancèe, Louisse."

Sa floor na iyon ay tanging pagsinghap niya lamang ang narinig. Tila hindi man lang nabigla ang mga ito. Hanggang sa isang babaeng nasa gilid niya ay nakita niyang may lungkot sa mga mata pero panandalian lamang iyon. Ito pa mismo ang nagsimulang pumapalakpak. Hanggang sa isa-isang bumati ng "congratulations" sa kanila ang mga empleyado.

"I want you all to spread this good news," ang huling habilin pa ni Tonyo.

Nang muli silang makasakay sa elevator ay doon na nahimasmasan si Louisse. Pinagpapalo niya ito sa braso. Nakaramdam siya ng parerebelde dito. "Why did you do that, Tonyo? You didn't even ask for my permission. You can't just tell them lies."

Mariin naman nitong hinawakan ang palapulsuhan niya at bakas sa mga mata nito ang galit. Ito pa talaga ang may ganang magalit.

"I don't need to ask your permission, Louisse. You will do everything I ask you to do as long as you're in my property."

She tried to push him away. But he wouldn't even budge. "Then, we will move out, Tonyo. I can't tolerate you doing this. I still remember that I rejected your offer. So, that means I'm not your fiancèe."

Naipikit niya ang mga mata nang akmang sasampalin siya nito. Ngunit gano'n na lang ang gulat niya nang maramdaman niya na hinaplos nito ang kan'yang mukha, kaya ay muli niyang naimulat ang kan'yang mga mata. Pakiramdam ni Louisse ay nandidiri siya sa tuwing tumatama ang haplos nito sa kan'yang balat.

"I told you, Louisse. Just be a good girl."

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay mabilis siya nitong hinila at ipinaikot ang isang braso sa kan'yang beywang. Pumasok ang tatlong babaeng naka-office attire at sabay-sabay ang mga itong bumati kay Tonyo. Tila siya hanging hindi pinansin ng mga ito. Doon na lalong umusbong ang mga katanungang bumabagabag sa kan'yang isipan.

Mas naunang bumaba ang tatlong babae sa kanila. Nang huminto ang elevator sa ground floor ay hinila nanaman siya ni Tonyo papasok sa limousine nito. Ang lalaking naghatid sa kan'ya ang nag-drive no'n, pero hindi ang sasakyan na iyon ang ginamit nito kanina.



ISANG engrandeng birthday celebration sa El Esco Tower ang dinaluhan nilang dalawa ni Tonyo. Matapos nito siyang pilit ipinakilala sa mga employees nito sa kumpanya ay hinila naman siya ni Tonyo sa isang mamahaling botique shop para bumili nang maisusuot.

Ngayon ay naka-focus ang lahat ng taong naroroon sa paglalakad nilang dalawa sa isang red carpet. Hindi naman napigilan ni Louisse ang mapapikit nang masilaw sa flash ng camera. Habang ang lalaki naman ay abala sa pagpapakuha ng litrato sa kanila.

Suot ni Louisse ang isang cocktail gown na gawa ng isa sa sikat na designer na si Li Yu. She's a chinese, pero naka-based ito sa New York. Maya-maya pa ay naramdaman niyang pinisil ni Tonyo ang kan'yang beywang saka ito yumuko nang bahagya at binulungan siya. "Ngumiti ka, Louisse. Alalahanin mong hindi mo pa nakikita si baby Alexandros sa araw na 'to."

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon