CHAPTER 10

402 9 0
                                    

NAPAPIKIT si LOUISSE nang maramdaman ang maligamgam na tubig nang tuluyang lumubog ang katawan niya sa bathtub.

Pakiramdam niya ay mahina na ang kan'yang katawan. Ni hindi na siya nakakapag-exercise man lang. Mula nang nag-stay siya sa mansyon para magpanggap na Lena ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang libutin ang kabuuan ng mansyon ni Zairus, pati na rin ang resort.

Hindi tulad ng nasa sariling apartment ay nakakapag-jogging siya tuwing Linggo. Nakakapag-bake din siya pagkauwi mula sa trabaho. Bagay na hindi niya magawa sa kusina ng mansyon dahil ilag sa kan'ya ang mga tao sa loob - lalo na si Lineth.

Nakagat niya ang labi habang inaabot ang bote ng shampoo. Wala na siyang stock ng toiletries. Kaya wala siyang choice kung hindi gamitin ang kay Zairus. Nang makuha niya ang tamang dami ay agad niya iyong inilagay sa buhok niya at ikinalat. Nang makuntento, kinuha niya ang shower hose, ginamit iyon at binanlawan ang kan'yang buhok.

Pagkatapos maanlawan ang kan'yang buhok ay sinunod naman niya ang pagkuskos ng towel na may body wash sa kan'yang katawan. She stand up as she drained the water from the tub. Habang sinunod naman niyang banlawan ang katawan gamit ang shower hose.

Pagkatapos maligo ay nagpunas siya ng katawan. Nang maisuot na niya ang kan'yang undergarments, kinuha niya ang bathrobe na maayos na nakatupi sa lababo at sunod iyong isinuot.

Napahugot pa siya ng malalim na hininga bago pihitin ang seradura at tuluyang lumabas ng banyo. Napahawak siya sa tali ng roba nang dumapo ang kan'yang tingin kay Zairus na nakaupo sa gilid ng kama, may hawak itong hair dryer. Tila naghihintay ito na matapos siya sa pagligo.

"Lena."

Nabalik siya sa ulirat nang tawagin siya nito.

"B-bakit?"

Kahit anong pigil niyang hindi mautal ay lumabas pa rin ang salitang iyon sa nanginginig na boses.

Tinapik nito ang espasyo sa tabi. "Come here. Let me dry your hair, wife."

Kahit ilang beses na niyang narinig ang endearment na iyon mula kay Zairus ay hindi niya pa rin mapigilang matigilan at maramdaman ang tila kamay na humahaplos sa kan'yang puso.

She cleared her throat and decided to walk near him. Umupo siya sa espasyo katabi nito. Ang likod niya ang kaharap nito. Maya-maya lang ay naramdaman niya ang paghaplos ni Zairus sa kan'yang buhok, dahilan kung bakit naipikit niya ang mga mata.

Mas lalo niyang naramdaman ang kaginhawaan nang maingat ang ginawang pagmasahe nito sa kan'yang anit. Ilang segundo lang ang tinagal at tuluyan na ring natuyo ang kan'yang buhok.

"Get dress, wife. At matutulog na tayo."

Tumango lang siya at kinuha mula rito ang hair dryer. Binitbit niya rin ang lingerie at bumalik sa banyo. Inilagay niya lang sa cabinet ang hair dryer at saka na nagbihis. Paglabas niya ng banyo ay nakahiga na si Zairus sa kama, ang likod nito ang nakaharap sa kan'ya. Tanging ang lampshade na lang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng k'warto.

Ilang araw rin niyang pilit iniiwasan ang lalaki. Noon kasi niya naisip na sana ay sinunod na lamang niya ang payo ni Rita. Dahil habang tumatagal ay lalong dumarami ang mga kasalanan na nagagawa niya. Hindi lang ang kan'yang pagpapanggap, kung hindi pati na rin ang tila pagnakaw niya sa bagay na dapat ginagawa ni Zairus kay Lena. At hindi sa kan'ya.

Ngunit inalis niya sa isipan ang kan'yang agam-agam nang maalala ang sulat na iniwan ni Lena sa kan'ya, pati na rin ang ipinangako niya sa harap ng puntod nito. Kailangan niyang mas pagtuunan ng pansin ang kan'yang importanteng misyon - iyon ay ang muli itong makakita. Idagdag niya pa ang kagustuhang makalimutan nito ang sakit na idinulot at iniwan ng kan'yang kaibigan.

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon