CHAPTER 30

278 6 0
                                    

RAMDAM ni Louisse ang panghihina ng kan'yang buong katawan nang imulat niya ang kan'yang mga mata. Makailang beses niya pang ipinikit-pikit ang mga mata para makapag-adjust sa liwanag na dulot ng florescent light.

Maya-maya lang ay may narinig siyang boses na waring nagulat. Hanggang sa naramdaman niyang may humawak sa kan'yang braso. "Louisse, thank God, you're awake."

Unti-unti niyang ipinihit ang ulo sa kan'yang gilid dahil doon nanggaling ang boses na kan'yang narinig. Ang nag-aalalang bakas ng mukha ni Eya ang siyang bumungad sa kan'ya. Kahit gustuhin niyang tawagin ang kaibigan ay hindi niya magawa, tila nanunuyo ang kan'yang lalamunan at hirap na hirap bumigkas ng salita ang kan'yang bibig.

"Wait. I'll call a doctor," anito saka pinindot ang maliit na speaker sa itaas ng kan'yang ulo. "Doktora Suarez, gising na po si Louisse."

Nang matapos ito sa ginagawa ay muli nitong ibinaling ang buong atensiyon sa kan'ya. "May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo?"

Nakatitig lamang siya sa mga mata ni Eya. Nakaramdam siya ng frustration nang hindi pa rin niya magawang maibuka ang bibig. Gusto niyang itanong sa kaibigan kung kumusta ang lagay ng baby niya lalo na't naalala niya na ang nangyaring aksidente.

Nakatitig pa rin siya kay Eya nang bumukas ang pinto, iniluwa noon ang pamilyar na hitsura kay Louisse. Nakasuot ito ng puting roba na pang-doctor. Saka niya biglang naalala na ito rin ang doktora na nag-check-up sa kan'ya noong dinugo siya. Kaya tukoy niyang nasa General Hospital siya sa mga oras na iyon.

Matamis itong ngumiti sa kan'ya saka pinisil ang kan'yang palad. Nang dahil doon ay tumulo ang luha sa gilid ng kan'yang mga mata. Sa pamamagitan ng tinging ibinibigay niya sa doktora ay ipinapahiwatig niya na nais niyang malaman ang kalagayan ng kan'yang anak sa kan'yang sinapupunan, umaasang mababasa nito iyon sa pamamagitan ng mga mata niya. Nang sumagot ito ay nakaramdam siya ng relief. "Your baby is fine, Miss Alejo. It seems that the baby is strong like her mother. So, for a moment, close your eyes and take more rest."

May bagay itong itinurok sa kan'ya na naging dahilan ng unti-unting pagpikit muli ng kan'yang mga mata.

Sa muli niyang paggising ay nanatili sa kan'yang tabi si Eya, habang hawak nito ang kan'yang isang kamay. Hindi tulad kaninang paggising niya ay mas maayos na ang kan'yang pakiramdam.

Tipid siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ni Eya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kaginhawaan dahil alam niyang may natitira pa siyang mabuting kaibigan na nandiyan para sa kanila ng kan'yang anak. Tila naramdaman ni Eya ang paghaplos niya sa buhok nito kaya unti-unti nitong iniangat ang ulo at diretsong sinalubong ang kan'yang mga mata. Nang makita siya nitong nakangiti ay tila noon pa lang ito nakahinga nang maluwag.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango naman siya. "Mas maayos na ngayon."

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kan'yang kamay. "Sobrang nag-alala ako sa'yo, L.A. Akala ko pati ikaw ay mawawala na sa akin. Mabuti na lang at pareho kayong strong ni baby."

Nang dahil sa sinambit nito ay hinaplos niya gamit ang isa niyang malayang kamay ang kan'yang tiyan. "Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kung sakaling mawala ang baby ko, Eya. Sa kan'ya na lang ako humuhugot ng lakas. Kapag nawala ko pa siya, hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko."

"Hindi siya mawawala sa'yo, Louisse," Mabilis nitong singit sa kan'yang sinasabi, waring inaalis nito ang mga negatibong bagay na kan'yang iniisip. "Alam naman nating dalawa na pino-protektahan siya ni Anzelm."

Nang marinig ang pangalan na iyon ay namasa ang mga mata ni Louisse. Nag-uumpisa na naman siyang maging emosyonal. "Ilang araw na ako rito, Eya?"

Bumuntong-hininga ito. "Tatlong araw ka nang tulog. Nagpapasalamat nga ako at may mabuting taong tumulong sa'yo para madala ka rito sa hospital. Louisse, hindi na ulit kita papayagang gamitin ang motor ko at lalo na ang magpunta pa sa penthouse ni Zairus. Magalit ka na sa akin pero hindi na ulit ako papayag na hindi mo susundin ang mga payo ko sa'yo. Mas makakabuti siguro ngayon na mas isipin mo muna ang kapakanan ng anak mo."

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now