CHAPTER 41

342 7 0
                                    

DINALA si Louisse ng kan'yang mga paa sa bungad ng dining room. Mula sa kan'yang kinatatayuan ay kan'yang napagmasdan ang ginagawa ni Zairus. Bigla ay naikunot niya ang noo nang marinig ang boses na nanggagaling sa cellphone nitong nasa ibabaw ng kitchen island. Bawat sinasabing instruction ng lalaki sa kabilang linya ay siyang sinusunod ni Zairus.

Laking pagtataka niya dahil malinaw sa kan'yang alaala na magaling magluto ang lalaki. Kaya bakit kailangan nitong humingi ng tulong patungkol sa pagpiprito ng isda?

Hanggang sa nagpasya si Louisse na isandal ang sarili sa hamba ng pintuan nang marinig ang sunod-sunod na pagmumura ni Zairus.

"Why this is so fucking so hard?"

Natitiyak niyang kung ibang tao ang naririnig niyang magmura ay baka ilang beses na siyang napadasal. But why does it sounds so sexy when he's the one who's uttering it? Naipilig na lang ni Louisse ang ulo sa naisip na pati siya ay nagiging makasalanan na rin.

Nakuha ang atensyon ni Louisse nang sunod-sunod na pagtawa ng tao sa kabilang linya. Iyon ang lalong nagpakunot ng noo ni Zairus. Ang suot nitong apron ay ginawa nitong pansalag sa nagtatalsikang mantika. Nang hindi na makatiis si Louisse ay lumapit na siya rito saka pinatay ang tawag.

"Louisse," gulat na tawag nito sa kan'ya.

"Ako na ang magluluto," aniya saka humalukipkip.

Pilit niya itong itinataboy sa p'westo nito pero nagpumilit pa rin ang lalaki. "No! I can do this!"

Ngumisi naman siya. "Talaga lang, ha? Eh malapit mo na 'yang masunog e. Maupo ka na nga lang don at ako na ang magluluto."

Parang bata naman itong napayuko. "I just want to cook for you."

Pigil ni Louisse ang mapangiti. "Sana pinili mo na lang iyong kaya mong lutuin. Hindi ko naman akalaing hindi mo kayang magprito."

Kahit naupo na ito sa isa sa mga stool ay ramdam niya pa rin ang titig nito sa kan'ya.

"Kaya ko namang lutuin ang lahat. Hindi nga lang ako riyan expert."

Pinaikot niya ang mga mata. "At nagpumilit ka pa rin."

"You didn't heard me, do you? I said I just want to cook for you."

"Kagaya nga ng sinabi ko ay p'wede mo naman akong ipagluto 'yong mga kaya mo lang. Pinipilit mo pa kasi iyong bagay na hindi mo naman pala alam," naiinis niyang bulalas.

Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago niya narinig ang mababa nitong boses. "I want to be good in everything. Especially when it involves you."

Nasapo ni Louisse ang dibdib nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kan'yang puso. Naipikit niya ang mga mata, huminga ng malalim, saka muli iyong iminulat. Nagpokus na lamang siya sa pagpi-prito at hindi na pinansin ang lalaki.

Matapos niyang makapagluto ay siya na rin ang nag-ayos no'n sa hapag. Akmang tutulungan pa siya ni Zairus nang bigyan niya ito ng masamang tingin. Bigla ay naitikom nito ang bibig at naupo na lang. Pinagsaluhan naman nilang dalawa ang breakfast nang walang imikan sa isa't isa.

Nang matapos sila sa pagkain ay ang pagkukulong sa sariling silid ang naiisip na planong gawin ni Louisse sa araw na iyon. Pero nang mailagay niya ang plato sa sink ay mabilis siyang inaya ni Zairus na magpahangin sa balcony. Kaya kaysa sa maboryo ay pumayag na lamang siya. Ito pa mismo ang nag-prisenta na maghuhugas ng pinagkainan nilang dalawa.

Sandali siyang nagpaalam sa lalaki para bumalik sa sariling kuwarto para kunin ang paborito niyang libro. Iyon ang nag-iisang bitbit niya at binabasa kapag walang ginagawa. Pagdating niya sa balcony ay naroon na si Zairus at sini-set-up ang isang duyan.

The UnWanted Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon