CHAPTER 39

286 11 1
                                    

SUOT ANG biniling cocktail dress sa kan'ya ni Mrs. Olivia ay pumasok si Louisse sa grand entrance ng bahay nito, matapos ibigay sa guwardiya ang kan'yang invitation card.

Pinalamutian ang paligid ng carnation flowers na siyang galing sa shop nila. Gaya ng suot niya ay gold and black ang design ng paligid. Masyado ring maliwanag kaya kinailangan niyang ipikit ang mga mata para makapag-adjust siya sa liwanag kahit papaano. Muli niyang iminulat ang mga mata at nagpunta sa mga babaeng nasa iisang table. Magagara ang suutan ng mga ito, pati na rin ang alahas.

Nilunok ni Louisse ang bara sa kan'yang lalamunan bago in-approach ang mga ito at isa-isang binigyan ng brochure, kalakip ang impormasyon tungkol sa kanilang shop.

"You seems familiar. Parang nakita na kita before," ani ng huling babaeng nabigyan niya. Hanggang balikat ang buhok nito at kapansin-pansin ang dark red na lipstick.

"Saan mo po ako nakita?" alanganin ngunit magalang niya pa ring tanong.

Bago pa ito makasagot pabalik ay may tumawag na sa kan'ya. "Louisse, my dear. You came."

Nabigla pa si Louisse nang makipag-beso-beso sa kan'ya ang ginang, saka siya nito inakay papunta sa mesa ng mga ito, nando'n ang mga amiga ni Mrs. Olivia.

"Hello everyone!" pagkuha nito sa atensyon ng mga taong nasa table. Lumingon naman ang mga ito sa kanila pero sa kan'ya nakatuon ang pansin. "This is Louisse Alejo."

Narinig naman niya ang pagsinghap ng mga ito, saka nagkomento ang isang babae na malapit sa kanila. "Hindi ba at siya iyong babaeng hinahanap ni Zairus?"

Ngumiti naman si Mrs. Olivia, itinaas pa nito ang isang daliri. "Bingo!"

Tuloy ay siya ang naging sentro ng usapan nang dahil sa pagpapakilala sa kan'ya ni Mrs. Olivia. Halos matuyuan siya ng laway kasasagot sa mga tanong ng mga ito. Mabuti na lamang at pumailanlang ang isang classical music kaya roon nalihis ang atensyon ng mga amiga nito, isa-isang umalis ang mga ito sa table nila at nagsayaw. Habang hindi naman niya tukoy kung saan nagpunta si Mrs. Olivia.

Sinubukan niyang hanapin sila Sachza at Ezekhiel pero mukhang wala pa roon ang mag-asawa. Nang may dumaang waiter sa gilid niya ay kumuha siya ng isang cocktail drink. Sandali niyang naipikit ang mga mata nang humagod iyon sa kan'yang lalamunan matapos niyang inisahang lagukan.

Inaabala niya ang sarili sa pagmasid sa paligid nang biglang tumunog ang cellphone na nasa dala niyang pouch. Mabilis niya iyong kinuha at sinagot.

"Hello."

Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring sumasagot sa kabilang linya, kaya bigla ay nailayo ni Louisse ang cellphone sa tainga, sinuri kung naibaba niya ba ang tawag pero nando'n pa rin naman ang caller id nito. Muli niyang ibinalik ang cellphone sa tainga saka muling nagsalita. "Hello?"

[Louisse.]

Bigla siyang binundol ng kaba nang marinig ang paghihikaos sa boses ni Drake.

"Drake, ayos ka lang ba?"

Naging magulo ang background sa kabilang linya bago ilang minuto ulit ang dumaan bago ito nagsalitang muli.

[They found us, Louisse. Tonyo found the resthouse.]

Nang dahil kan'yang narinig ay bigla siyang napatayo. Natakpan niya gamit ang isang kamay ang bibig at napasinghap. Ang kabang kan'yang nararamdaman ay mas lalo lamang tumindi lalo na nang maputol ang tawag sa kabilang linya. Frustrated niyang tinawagan si Drake sa pangatlong beses pero out of coverage area na ito.

Ipinikit niya ang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Hindi niya sukat akalaing sa pagmulat ng kan'yang mga mata ay makakatitigan niya ang dalawang pares ng mga matang iyon. Nakatunghay ito sa kan'ya, habang hawak ang kopita. Madilim ang bakas ng mukha nito na waring anumang oras ay handa siya nitong sugurin. Pero hindi na iyon ang tamang oras para kausapin niya pa ang lalaki.

The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now