CHAPTER 19

222 6 0
                                    

NANUOT sa balat ni Louisse ang init na dulot ng araw. Kumpara sa mga nagdaang araw ay mas maalinsangan ang panahon sa oras na iyon.

Bigla ay naalala ni Louisse ang dalawang matanda. Hindi nagawang mag-stay doon ng mag-asawa. Kaninang madaling araw din ay sakay ng private chopper ng mga ito ay bumalik ang mag-asawang Montell sa tinutuluyang hotel sa Manila. Babalik din daw kasi ang mga ito sa Australia. Nandoon kasi ang kumpanyang pinapamahalaan ng mga ito. Nag-request pa ang mag-asawa na kapag ikinasal na sila ay doon na sila manirahan. Pero walang balak si Zairus na sumunod doon. Dahil sa Pilipinas lang nito pangarap bumuo ng sariling pamilya.

Nasa labas siya ng hotel at piniling maupo sa isa sa mga lounge chair na naroroon. She used the cantillever umbrella as a shield against the sun. Habang inabala niya ang sarili sa pagtingin sa mga taong tulad niya ay nakasilong din sa nasabing payong. Ang kaibahan lang ay kasama ng mga ito ang mga anak at asawa, habang ang iba ay mukhang mga magkasintahan. Sa hilerang iyon ay siya lamang ang walang kasama at tanging nag-iisa.

Tuloy ay sumagi sa kan'yang isipan si Zairus. Wala na ito sa kanilang hotel room paggising niya. Si Gin din ang inutusan nitong magdala ng umagahan para sa kan'ya.

Tuluyan na niyang inalis ang tingin sa mga taong pinagmamasdan kanina saka niya isinuot ang dalang shades, proteksyon laban sa sinag ng araw. Tuluyan na rin siyang humiga sa lounge chair. Nasa ganoon siyang tagpo nang tila may maramdaman siyang mga matang nakatingin sa kan'ya. Nilingon niya ang kabilang side at nakita niya ang isang taong balot-balot ang mukha. Pakiramdam niya ay siya ang naiinitan para rito.

Mukha naman itong nabigla nang lingunin niya ang gawi nito, kaya tumayo na ito sa kinauupuang lounge chair at tuluyang umalis. Ipinilig na lamang ni Louisse ang ulo, kahit na sumagi sa isipan niya na wala ang taong iyon kanina. Inilihis na lang niya ang tingin at pinagmasdan ang dalampasigan, de-kalayuan sa kan'yang pwesto.

Ilang minuto rin ang lumipas nang maramdaman niyang may tumayo sa kan'yang gilid. Unti-unti niyang itinaas ang kan'yang tingin at ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang mapag-sino iyon. Si Zairus, suot ang business suit nito, ngunit bukas na ang tatlong butones, habang nakatanggal na ang necktie at hinayaan lamang iyong nakapalibot sa leeg nito. Tulad niya ay nakasuot din ito ng shades.

"Zai," tawag niya rito. "Tapos na ba ang trabaho mo?"

Mula sa pagkakahiga niya sa lounge chair ay umupo siya saka niya ito hinila patabi sa kan'ya.

"Wala naman gaanong gagawin. Tapos ko na ang mga papeles na dapat kong pirmahan," sagot nito. "How about you? Bakit nasa labas ka gayong maalinsangan ang panahon?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Mas mabuti pang dito nalang ako sa labas kaysa maisipan ko pang kausapin ang mga multo sa hotel room natin," pagbibiro niya.

Natawa naman ito saka niya naramdamang umangat ang kamay nito sa kan'yang pisngi. Nang matagpuan nito ang kan'yang ilong ay bahagya nito iyong pinisil. "Silly."

Dumaan ang ilang segundong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sa sandaling iyon ay inabala niya ang sarili na pagmasdan ang side profile ng lalaki. Pati ang adams apple nito ay hindi nakaligtas sa kan'yang paningin. Hindi niya tukoy kung saan siya humugot ng lakas ng loob, ngunit natagpuan na lang niya ang sariling kumapit sa braso nito at niyakap iyon. Humilig siya sa balikat nito saka ipinikit ang mga mata. Umangat naman ang kamay ni Zairus at hinaplos nito ang buhok niya.

"I want to invite you to have a dinner date with me later. Is it okay with you?"

Bigla ay naimulat niya ang mga mata. "Why are you asking? Just date me," aniya.

Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa labi nito. Kinuha nito ang kamay niyang nakakapit sa braso nito, saka hinalikan ang likod ng kan'yang palad.


The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now