CHAPTER 39

57.3K 1.8K 3.2K
                                    

Psych's POV

As soon as I step my feet on the Land of Smiles, I breathe in the fresh air and a genuine curve automatically plastered on my lips.

Thailand is indeed a beautiful country to visit.

"S̄wạs̄dī. (Hello)" Napalingon ako sa nagsalita.

A middle age man, in his white collar attire. Their greetings is somehow familiar to me but, I'm having a hard time memorizing and saying it.

He's smiling and his smiles are contagious kaya napangiti na rin ako sakan'ya. Though, he looks so professional and intimidating, his aura seems pretty light because of his pleasing smile.

"Are you from the Philippine Volleyball Team?" He asked me.

Dahil nasa gilid ako at namamangha sa mga tanawin na nakikita ko sa Thailand, ako ang una nitong nakita dahil na rin sa maleta ko na may Philippine flag na maliit.

"Uh-- Y-yes, Sir." Nauutal kong sabi sakan'ya, though he looks approachable and friendly.

"Mr. Shinawatra." Ani ni Coach Arceo noong mapabaling ang tingin nito sa amin.

The smiling man averted his gaze to Coach Arceo who is walking towards us, smiling. He's with Asst. Coach Harry. Sila pala 'yung pumunta sa school ko, asking coach Aiver if pwede nila akong irecruit.

"That Mr. Shina--whatever, he's pretty good looking, huh." Bulong sa akin ni South.

Napatingin ako sakan'ya at ang loka, nakangisi na ngayon ang labi n'yang nakatingin kay Mr. Shinawatra.

Umiling iling nalang ako dahil sa namumuong kalokohan nanaman ni Atlas. She's been with me since we arrived at the Fortridge. Hindi na s'ya humiwalay sa akin dahil mas bet n'ya raw ako kasama kesa sa ibang kasamahan namin.

They seemed friendly naman, maarte lang talaga 'tong Kapitana ng Sur kaya sa akin s'ya dikit nang dikit. It's fine with me naman dahil mas pipiliin ko rin namang kasama s'ya kesa sa ibang kasamahan ko. Pareho lang ata kaming maarte.

"Roomies tayo, North, ha." Malambing na sabi sa akin ni Ghale.

"Of course. Sino pa ba ang magiging roommate ko? Ikaw lang naman ang gusto ko rito." Simpleng sabi ko sakan'ya.

Bigla itong tumili ng mahina na tanging kami lang ang makakarinig. She squeeze my arm and bit her lower lip.

Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon n'ya. Ngiting ngiti ito sa akin at bahagya pang namula ang pisngi n'ya. Kitang kita ito dahil mataas na ang sikat ng araw dito sa labas ng airport.

"Geste me ke?" Sabi n'ya sa akin at inipit pa ang iilang buhok n'ya sa likod ng tenga n'ya.

Napaisip pa ako sa sinabi n'ya dahil hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi n'ya. Ilang segundo ko pa itong tinitigan at biglang nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi n'ya.

Agad ko itong binatukan at nabuwal ito sa kinatatayuan n'ya dahil sa batok ko sakan'ya.

"Potangina, Sur! Ano ang sinasabi mo?" Pasinghal na sabi ko sakan'ya.

Napatingin ang ilang kasamahan namin sa amin dahil nagreklamo agad si Ghale sa sakit ng pangbabatok ko sakan'ya.

"Tangina! Ang sakit, Rid! Gago ka ba?" Pasinghal ding usal n'ya sa akin.

Mabuti nalang at nasa kabilang banda naguusap sila Mr. Shinawatra at Coach Arceo. Hindi pa rin kasi dumadating ang van na sasakyan namin papuntang hotel na pagtutuluyan namin.

"Anong sinasabi mo na gusto kita, ha?" Nakakunot noong sabi ko sakan'ya.

Nakasimangot ang mukha nito at himas himas pa ang batok n'ya. Medyo namumula rin ang mata nito siguro dahil napalakas ata ang batok ko sakan'ya at mukhang iiyak pa s'ya.

Collided Souls (TeacherxStudent)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin