CHAPTER 34

47.1K 1.7K 841
                                    

Psych's POV

"Prof. Gutierrez, kailan po babalik si Prof. Alejandro?" Tanong ni Khai kay Prof. Gutierrez.

"I don't have any idea, Miss Abuena. She filed a leave for a week or two, I guess." Sagot naman ng propesor sakan'ya.

Tumango tango lamang si Khai at nagfocus na sa ituturo ni Prof. Gutierrez ngayong araw.

He's been our professor sa major namin dahil hindi pa nakakabalik si Miss Avery. Isang linggo na s'yang substitute at naging temporary teacher namin s'ya.

"Architecture, the art and technique of designing and building, as distinguished from the skills associated with construction. The practice of architecture is employed to fulfill both practical and expressive requirements, and thus it serves both utilitarian and aesthetic ends." Pagdidiscuss ni Prof. Gutierrez sabay flash ng mga famous buildings sa screen.

He's good but, Miss Avery is way much better than him. 'Yung iba kong kaklase, 'di na nakikinig at nakikipagkwentuhan na.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakikita ko nanaman kung paano mahulog ang mga tuyong dahon mula sa puno. Mas may interes pa akong panoorin ang mga nalalagas na dahon kesa makinig sa paulit ulit na lecture n'ya.

If only Miss Avery is here, baka lahat ng mata ay nasa kan'ya na. She's way too strict and terror for us to make stupid moves. Baka detention ang abot namin sakan'ya if 'di kami nakinig.

"Building design refers to the broadly based architectural, engineering and technical applications to the design of buildings. All building projects require the services of a building designer, typically a licensed architect." He continually lectured kahit na 'yung mga nasa unahan lang ang nakikinig.

I close my eyes and feel the calming sound of the air as it goes though the tree and the chimes of leaves are soothing down through my core. Ang sarap pakinggan ng huni ng mga ibon at halakhak ng mga estudyanteng nasa labas na malakas na nagkkwentuhan.

"Class dismissed. Everyone, see you all tomorrow." Ani ni Mr. Gutierrez na nagpabalik saakin sa reyalidad.

Niligpit ko na ang dala kong notebook na nilabas ko lang kanina para gawing props. I can pass this subject without taking notes. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko saka lumabas ng room.

I took out my phone from my pocket and dialed Alejandro's phone number.

"How is she?" I worriedly asked the other line after he answered.

"She's fine, Psych. But, she's isolating herself and starting to shut people out, again." Malungkot na sabi ng nasa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako at napahagod sa mahaba kong buhok.

"Thank you, Lincoln. I'll visit her later." I sincerely said to him and smile a bit.

Ibinaba ko na ang tawag at napasalampak ng higa rito sa damuhan sa field. Hindi kalayuan ang room na pinagklasehan namin dito sa field kaya mabilis lang akong nakarating dito.

It's been a week since that night. She's on leave for a week now and I've been sending her coffee and flowers everytime I visit her. Si Lincoln ang taga hatid ko sa loob ng kwarto ng mom n'ya since ayaw ako nitong papasukin.

Napatingin ako sa kalangitan. It's so calm and fascinating. Napakapeaceful tingnan ng langit na wari'y makakapagisip ka talaga ng malalim if may pinoproblema ka.

Hapon na kaya wala ng init dito sa field. Nandito lang ako sa gilid dahil nagppractice ang soccer team for their upcoming game. Ang saya saya nila tingnan. I miss playing, tho. Coach give us a break after our win last championship game kaya pa chill chill lang kami.

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now