CHAPTER 38

53K 1.8K 1.6K
                                    

Psych's POV

Unang liko ko palang mula sa office n'ya, agad na kumawala muli ang mga luha ko. Wala masyadong taong nagagawa rito dahil nasa may likod na ito papuntang Gym.

Napatukod ang kamay ko sa pader at napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang kumikirot ito at gusto ko nalang mapaupo at maglumpasay ng iyak para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"Ang tanga tanga mo kasi, Rid! Bakit ang propesor mo pa kasi?? Ang tanga mo!" Pagalit na sermon ko sa sarili at minabuting patahanin ang sarili dahil baka may makakita pa sa akin.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo nanaman. I can't just cry and cry over her. I'm so freakin' tired of this.

"P-psych?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Bakit s'ya nandito? Bakit ako nito sinundan? Ano pa ba ang kailangan n'ya?

Her features are so soft which is opposite to mine. I remained myself hard as much as possible para hindi ako bumigay nanaman agad sakan'ya. Inayos ko ang sarili ko. Tumalikod ako sakan'ya at pinahid ang natitirang luha sa mukha ko gamit ang mga kamay ko. Ayokong magmukhang basang sisiw sa harapan n'ya. Humarap ako sakan'ya at nasilayan ang napakagandang mukha n'ya pero hindi ako nagpaapekto rito.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko sakan'ya.

Nakita ko itong napakagat ng ibabang labi n'ya kaya napaiwas ako ng tingin sakan'ya. She's just too tempting and I need to look away.

"I-I just want you to l-listen to me, Psych." Mahina at nauutal n'yang sabi.

Hindi mo aakalain na ang nakakatakot na propesorang ito ay mauutal sa harapan ko ngayon.

"Ano po ba ang sasabihin n'yo?" Sabi ko at pinanatiling malamig ang boses.

Mahina itong bumuntong at lumapit saakin. She's biting her lower lip and it made me thirst for her lips.

Ilang hakbang nalang ang layo nito saakin at amoy na amoy ko nanaman ang pabango n'ya. Nakakaliyo ito at nakakabaliw. With that, I just wanna grab her and kiss her so bad. I wanna touch her scorching skin using my tongue, specifically her milky neck.

After being lost for a couple of seconds, I came back to my senses when she cleared her throat in front of me. I mentally slapped myself for thinking sensual thoughts about her.

"I wanna tell you that what you have seen last week, it's not what you think it is." She said in a soft tone.

I snorted after she finished her statement.

Tumingin lamang ako sakan'ya ng blangko at nanatiling tahimik, sabi kasi n'ya, listen. Okay.

"It's nothing, Psych. Please, believe me." She said in her softest voice possible.

She's now holding my hands. I cannot stop myself but to feel her warmth without her noticing that I'm starting to melt down.

Napapikit ako when she start to caress my cheeks and inched herself a little closer. Amoy na amoy ko na ang hininga nito na nakakapagpawala nanaman ng katinuan ko.

"Baby." She said and cupped my cheeks. She plant a light kiss on my lips without minding that we are outside her office.

Binuksan ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang mga mata n'yang nangungusap. I'm thinking if magpapadala pa ba ako sakan'ya o hindi na.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mga kamay n'yang nasa pisngi ko. Ngumiti ako ng pilit sakan'ya at ibinaba ang mga kamay n'ya. Hawak ko pa rin ito at marahang pinisil iyon kaya napahawak ito ng mas mahigpit saakin.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon