CHAPTER 36

52.3K 1.9K 2.2K
                                    

Psych's POV

"Psycho, Coach Aiver is looking for you." Bungad saakin ni July pagkalabas ko ng classroom.

It's my last class kaya pupunta na sana ako kay Avery para ayain s'yang magdinner kami sa labas. I asked her earlier and she said yes naman.

"Bakit daw?" I curiously asked her.

She just shrugged her shoulders and tap my back before bidding her goodbyes.

Hindi pa man ito nakakalayo, tinawag ko ito sa pangalan n'ya kung kaya't napahinto ito sa paglalakad at napalingon saakin.

"Where is coach Aiver?" I shouted.

Okay lang naman na sumigaw ako dito sa hallway dahil dismissal naman na at pauwi na rin ang mga estudyante at mga professors kaya marami ang tao ngayon na naglalakad sa hallway.

"He's in the Gym! He's waiting for you there." She shouted back and we fist bump in the air.

Napapailing akong naglalakad papuntang Gym dahil p'wede naman akong tawagan ni coach to personally asked me na pumunta ako, pero dinaan pa nito kay July. Ano kaya ang paguusapan namin?

I took my phone from my pocket to text Professor Alejandro na malelate ako ng kaunti dahil dadaan ako sa Gym before fetching her.

To: LAv❤

I'll be heading to the Gym, baby. Be late for a couple of minutes. Will fetch you after I discuss with Coach. Keepsafe ❤

After I hit the send button, binalik ko na agad ang cellphone ko sa pocket ng pants ko at binilisan ang lakad papuntang gym para hindi na malate lalo.

Habang naglalakad ako, nahagip ng mata ko ang isang pigura na papunta sa building namin. I don't know if nakita ko na s'ya somewhere. Those broad shoulders and builded body figure. Nakatalikod kasi ito noong madaanan ko s'ya at halatang may bitbit na bouquet dahil may iilang pirasong bulaklak ang kita sa posisyon ko.

Kinurap ko ang mata ko nang ilang beses at iniling ang ulo ko dahil baka hindi naman s'ya 'yung kuyang kasama noong nakaraan ni Miss Avery.

Nagvibrate ang phone ko kaya dinukot ko ito mula sa bulsa ko. Napangiti ako matapos mabasa ang mensahe n'ya.

From: LAv❤

Be quick! I'm starving.

Aw, she's so cute. Napatawa ako ng mahina dahil sa message n'ya. Kahit sa mensahe galit na galit. My baby's starving kaya binilisan ko lalo ang lakad ko at kulang nalang takbuhin ko ang daan papuntang Gym.

May pwersang binuksan ko ang pinto ng Gym kaya napatingin saakin ang mga taong nandoon na nakatayo at nagusap usap. Coach Aiver is not alone. He's with white collar people.

"There you are!" Coach Aiver exclaimed noong makita n'ya ako.

Ngumiti naman ako ng tipid bago lumapit sakanila. 'Yung dalawang lalaki na nakatayo sa gilid nito ay nakangiti rin saakin kaya sinuklian ko ito ng tipid na ngiti.

"She's the girl I'm talking about, Mr. Arceo." Nakangiting sabi ni Coach matapos kong makalapit sakanila.

Napakunot ang noo ko at tiningnan s'ya nang may pagtataka. What is he talking about?

"She's Rid Lerson. The Pride of NHU." Sabi pa nito at natawa pa. Pati tuloy ang kaharap namin ay natawa rin ng mahina.

"I can see, coach. Sa tindig palang n'ya, alam mo nang magaling talaga s'ya." Nakangiting sabi pa ni Mr. Arceo raw habang tinitingnan ako.

Hinawakan ko ang braso ni Coach kaya't napabaling ito saakin. I excused us for a moment sa dalawang lalaki at hinila papunta sa gilid ng gym kung saan kami lang ang magkakarinigan.

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now