CHAPTER 17

49.5K 1.8K 667
                                    

Psych's POV

Malakas na tugtog ang sinasabayan namin ni Atlas at grabe na rin ang pawis namin. We're here at Hillton's and it's already past midnight.

"This is so fun, North!" Malakas na sigaw ni Atlas sa tenga ko. Tatlong oras na kami rito at ramdam ko na rin ang hilo dahil napaparami na ang inom ko.

Kumapit ako sa balikat ni Atlas at nilapit ang bibig ko sa tenga n'ya.

"Let's do this often, South." Sabi ko sa may kalakasang boses dahil masyadong malakas talaga ang tugtog ng DJ.

"Yeah! Let's party." Sigaw pa n'ya at sinimulang sumayaw ng todo. Hindi mo aakalain na ang babaing halimaw maglaro sa court, eh, ang sexy kung sumayaw sa dance floor.

Napahawak ako sa ulo ko dahil muntik na akong matumba noong may nakabunggo saakin.

"Ghale, I'll go back to our table." Sabi ko sakan'ya habang sapo sapo pa rin ang ulo ko.

Pagewang gewang akong naglakad papunta sa table namin ni Atlas. Matiwasay naman akong nakarating at agad na umupo.

Huminga ako ng malalim at uminom ng malamig na tubig para mahimasmasan kahit konti. Paniguradong sasakit ang ulo ko nito kinabukasan.

I felt that my phone is ringing and I immediately check it.

Dahon's Calling...

Nagtaka ako bakit napatawag ng ganito ka late si Leaves saakin.

Pinindot ko ang answer button at dinala sa tenga ang cellphone ko.

"Where the hell are you?" Agad na bungad n'ya sakin. Napalayo ko bigla ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses n'ya.

"Geez! What the hell, Leaves?" Inis na sagot ko sakan'ya. Ang sakit sa tenga ng boses n'ya.

Narinig ko itong napabuntong hininga na parang nagtitimpi. Damn! Lalo akong nahihilo sakan'ya, eh.

"Bree called and told me you are wasted. Sino ang kasama mong babaita ka?" Pagalit nitong sabi saakin pero mababakas ang pag-alala.

Tumawa ako dahil sa sinabi n'ya. Bree Hernaez is our SSG President at dahil Vice President nito si Leaves, hindi malabong magsumbong ito sakan'ya.

"Chill, Dahon. I'm a little tipsy lang." Sambit ko at tumawa pa ng mahina. Gosh, nahihilo na talaga ako.

"Besides, I'm with Ghale. We're having fun here, Dahon. You should come over." Aya ko pa sakan'ya.

"You're hopeless. May pasok bukas, Psycho." Nauubusang pasensya na usal n'ya.

Kinamot ko ang kilay ko dahil naiinis na rin ako sakan'ya.

"Yeah, yeah. I know." Sabi ko at ininom ulit ang tubig habang malamig pa ito. Para akong naginhawaan bigla dahil sa malamig na tubig na dumaan sa lalamunan ko.

"I'll fetch you there. Don't go anywhere, Lerson." Seryosong sabi n'ya at ibinaba na ang tawag.

"Yeah, yeah, fetch me here." Sabi ko sa kawalan na tumatawa at tinapon ang phone ko sa table.

Sinandal ko ang likod at ulo ko sa sandalan ng upuan at nagpakawala ng malalim na hininga.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sariling makapagpahinga at makabawi ng lakas dahil sa pagod ko sa pagsasayaw kanina.

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko at parang tinatawag ang pangalan ko. Am I dreaming?

"Psycho?"

"North!"

"Psycho!"

Dinilat ko ang mga mata ko at kinusot kusot ito. Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Hinawakan ko ang ulo kong biglang pumintig sa sakit.

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now