CHAPTER 8

52.2K 2K 1.6K
                                    

Psych's POV

"So, magttransfer kana sa NHU ngayon, Ame?" Tanong ni Leaves kay Amethyst habang ngumunguya.

"Yeah. Namiss ko kasi ang Pilipinas. It's been so long, right?" Sagot naman nito kay Leaves.

"What's your plan? What course are you going to take, ba?" Curious na tanong ko sakan'ya since, matagal tagal rin kaming wala balita sakanya.

Agad itong napabuntong hininga sa tanong ko. Parang naging problemado ang mukha n'ya dahil hindi ito nakaimik agad ng ilang minuto.

"That's why I'm here. Mom and dad are forcing me to take Business Administration. I wanna take Engineering like ate. Besides, ayokong mamahala sa negosyo nila dad." His face shows grimace after ranting out his concerns and why he came home and transferred school.

"Eh, 'yong ate mo? Si Arkay, where is she?" Tanong ko sakan'ya matapos lunukin ang beef na kinakain ko.

"Ayon, nasa Australia. She's staying there with her fiance. Also, she's working there as an Engineer sa firm na pinatayo n'ya." Maarte pa nitong sabi. Iisipin ko talagang bakla ito kung hindi ko lang kilala 'to, eh.

"Edi 'yong bunso n'yo ang magmamana ng company kung sakaling ayaw n'yo talaga?" Tanong Leaves referring to Allion na nasa High School palang.

"Dahon, I don't know, okay? Baka si ate lang din ang mapipilit nila mama na bumalik sa New York."
Frustrated nitong usal na ikinatahimik ni Leaves at ikinatawa ko naman.

"Alam mo, para mawala 'yang problema mo, mag bar nalang tayo. Hillton?" Nakangising suhestyon ni Leaves sabay palakpak. Uhaw nanaman ata sa alak ang isang 'to.

"Hoy, ikaw Dahon, ha. Diba sabi ni coach, hinay hinay muna sa alak? Malapit na ang V-league." Saway ko sakan'ya at pinaalala na rin ang sinabi ni coach saamin.

Inirapan lang ako nito sabay hawi ng buhok n'ya. Akala ko mo endorser ng shampoo, eh.

"Ang kj mo talaga, Psycho. Dadamayan lang natin itong kaibigan natin. Ano? G na!" Sabay hampas sa braso ko para makumbinsi ako.

Inirapan ko s'ya bago tumango at tinawag na ang waiter para sa bill namin.

"Yes!" Malakas na sigaw ni Leaves at napatingin pa ang ibang tao sa pwesto namin. Sinaway ko naman ito dahil sa lakas ng boses n'ya.

...

Sobrang lakas ng music at marami na rin ang tao. Hating gabi na at sobrang wild na rin ng mga taong nagsasayawan sa dance floor.

Uminom ako sa beer na hawak hawak ko sabay lean ko sa railings para panoorin ang mga nagsasayaw.

"Whooo! Psychoo, sayaw tayo sa baba." Lasing na sabi ni Leaves sabay hila saakin pababa.

Nakipagsiksikan kami sa dance floor at mas naging hype pa ang mga tao sa paligid namin.

Napalitan ng sensual na tugtog kaya 'yong ibang mga kababaihan, eh, parang linta makakapit sa mga nakasayawan nila.

"Psy-Psy, move your body." Bulong ni Amethyst saakin dahil nasa likod ko lamang ito kanina.

Gumalaw ako at sumabay sa tugtog ng DJ. Dangerous Woman by Ariana Grande.

Oh, yeah
Don't need permission
Made my decision to test my limits
'Cause it's my business
God as my witness
Start what I finished
Don't need no hold up
Taking control of this kind of moment
I'm locked and loaded
Completely focused my mind is open

Lalo kong idinikit ang katawan ko kay Amethyst at kumapit pa sa batok n'ya para sabayan ang galaw nito.

All that you got, skin to skin, oh my God
Don't you stop, boy

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now