CHAPTER 32

57K 1.7K 1.1K
                                    

Psych's POV

"Shade, 'yung letter R, paki usog nang kaunti sa left!" Sigaw ni Leaves sa mga kasamahan n'yang nagoorganize sa event.

Nandito ako ngayon sa field. The stage were already set up and 'yung decorations nalang ang kulang.

Pinapunta ako ni Leaves dito together with July, Margaux, CJ, and Amethyst to give some helping hands dahil short na sila sa oras if sila lang ang gagawa ng lahat ng ito.

It's currently 9 AM in the morning at mabuti nalang talaga may canopy sa tabi nitong stage na nilalagyan namin ng mga palamuti. Mamayang 6PM ang start ng program kaya we need to double time. Hindi naman gano'n kasakit ang init pero hindi pa ako ready mangitim.

"Psycho, paabot nga ng tubig ko." Pagod na sabi ni Leaves saakin habang pinupunasan ang pawis sakan'yang noo.

Inabot ko naman agad ang tubig n'yang nasa tabi ko lang at ibinigay na sakan'ya habang pinapaypayan ko ang sarili ko dahil pawisan na rin ako.

Tumayo si July na agad kong sinundan ng tingin dahil hindi pa ito tapos sa paggupit ng cartolina. Kasama nito sa paggugupit ay si Margaux na pawisan na rin at mukhang pagod na.

Kaninang 5AM pa kami rito at lahat ng taong tumutulong at pagod na at pawisan. Puspusan kasi ang paggawa ng mga decorations at pagaayos ng effects sa lightings para mas maganda ang ilaw mamaya.

Napatingin ako sa di kalayuang building ng Architecture na nakaharap sa field. Kahit medyo blurry na ang tao sa building, hindi maipagkakaila na makikilala ko talaga ang babaeng naglalakad ngayon sa hallway.

How I miss my girl. Kahapon ko lang 'to hindi nakita pero, miss na miss ko na s'ya. I just wanna run my life from here to her para lang mayakap s'ya ng mahigpit.

Hindi ko na ito nakausap kahapon kaya hindi ko rin naibigay sakan'ya ang kwintas na dapat na ibibigay ko after we attend the Sunday Mass. I wanna give her time after she broke down in front of me.

I know she's been holding those emotions for ages, kaya she need to gather and compose herself from that unexpected breakdown.

Nakangiti ako na parang tanga kakasunod ng tingin sa kan'ya. She walks gracefully in her classy white pantsuit. What a woman.

Napawi ang mga ngiti ko at agad na naningkit ang mga mata ko noong mapansin kong napatigil ito sa paglakad at kinausap ang lalaking naghihintay sa labas ng room na pagtuturuan n'ya. Ang aga aga naman kung makapanginit ulo.

Napalakas ang hampas ko sa mesang katapat ko noong makita kong hinawak ng lalaking mukhang palaka ang bewang ng magiging future girlfriend ko at hindi katanggap tanggap 'yon!

Tumayo ako sa pagkakaupo at agad na naglakad patungo sa building namin, pero bago pa mangyari ang kaguluhan, nahawakan agad ako ni July sa braso bago pa ako makalabas ng canopy.

"Baliw ka ba? Ang aga aga, susugurin mo." Sabi n'ya habang nakakunot noong nakatingin din sa tinitingnan ko.

"What? Let go of me, Hulyo! Hindi dapat n'ya hinahawakan ang bewang ng baby ko!" Maktol ko pa sakan'ya sabay sipa sa mga walang kamalay malay na damo.

"Baby mo? Aba, Psycho, ang bilis makaangkin, ah. Sinagot kana ba?" Nangaasar na sabi saakin ni July matapos akong tingnan nang hindi makapaniwala dahil sa sinabi ko.

Napasimangot ako dahil sa sinabi n'ya at sinamaan ng tingin ang dalawang bulto ng tao na naguusap sa di kalayuan saamin. Sana hindi masarap ang lunch n'yo mamaya!

Bumalik ako sa upuan ko at binagsak ang katawan sa bangko dahil sa inis at selos na nararamdaman ko ngayon. I've never been jealous! Sakan'ya lang talaga nagsimula ang lahat ng 'to.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang