CHAPTER 28

53.9K 2K 1.2K
                                    

Psych's POV

I'm in my kitchen, making pancakes. I'll make some breakfast for her kasi I know, di pa ito kumakain.

It's 6:30 in the morning at 8 AM pa ang pasok ko sakan'ya. I decided to make something for her, cause I know, that a way to a woman's heart is through her stomach.

I'm planning to start my courtship by making her pancakes in chocolate syrup, strawberry smoothie, a piece of note and a stem of rose.

Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng isang sticky paper na pagsusulatan ko ng note. I chose a pink paper since I observed that she's very feminine and girly.

Bumalik ako sa kusina kung saan ko iniwan ang pagkaing dadalhin ko sakan'ya. Kumuha ako ng isang lunchbox sa overhead cabinet ko at inilapag iyon sa island counter ko.

I giggled noong mapansin ko ang lunchbox na nakuha ko. It was a Garfield lunchbox. Binili ko ito noong nagbakasyon kami noong nakaraang taon sa Australia.

Nilagay ko na ang pancake sa isang tupperware at ang smoothie naman sa isang tumbler na di ko pa nagagamit.

Nagsimula akong magisip kung ano ba ang ilalagay ko sa note. Ayoko namang maging super cheesy kasi baka isipin no'n na ang corny ko manligaw.

I want it short yet, sweet.

I scrunched my nose and tap my pen on the counter and stare at the pink blank paper.

Start your day with a simple breakfast I made, baby. Keep safe in your busy day ahead. Fetch you later after class.

Your baby,
Psych

After I wrote my note to her, inilagay ko na rin iyon sa ibabaw ng tupperware ng pancake. Tiningnan ko ang prinepare ko sakan'ya at napangiti.

A pancake, smoothie, a note, and a rose.

Isn't it sweet? Kung siguro ako ang binigyan nito, naglumpasay na ako sa sobrang kilig. Pero, ako ang magbibigay kaya dapat h'wag mawalan ng kumpyansa sa sarili. Makukuha ko rin s'ya.

Matapos kong ihanda ang mga dadalhin ko. Naligo na rin ako at kumain. Bitbit ang One Leaf – Blueprint Document Tube ko sa kanang balikat at suot ang leather body bag ko, hawak hawak ko rin ang lunchbox, umalis na ko sa condo ko at pumunta ng parking lot.

Nilagay ko sa backseat ang bag at tube ko habang ang lunchbox naman, eh, itinabi ko ito saakin. Nilapag ko ito sa passenger seat nang nakangiti at tinap pa ang mukha ni Garfield.

Masaya kong binaybay ang daan papunta sa NHU. Hindi pa gano'n kabigat ang traffic dahil maaga pa. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko para makalanghap ng sariwa at the same time, polluted na hangin.

Nakarating ako sa NHU 30 minutes before 8 o'clock kaya dali dali akong lumabas ng sasakyan at dinala ang mga gamit ko. Ingat na ingat ako sa pagdala ng lunchbox na hawak ko para hindi masira ang mga ginawa ko sa loob nito.

Nakangiti akong naglalakad papunta sa opisina n'ya at tumatango sa mg bumabati saaking estudyante.

"Hi Rid."

"Crush, ang ganda mo talaga!"

"Baby Psych ko, akin kana lang, please?"

Ilan 'yan sa mga tinatanguan at nginingitian ko. Nakakatuwa talaga ang mga tao rito sa school. Nakakadagdag good vibes sila sa umaga.

Masaya akong nakarating sa tapat ng opisina n'ya. Kumatok ako ng tatlong beses at napagpasyahang pumasok nalang dahil hindi ito sumagot. Bukas din ang pinto nito at hindi nakalock kaya nakapasok agad ako.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon