CHAPTER 16

51.7K 1.7K 810
                                    

Psych's POV

"Psy?" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"A-ame." Mautal na sabi ko at saka ito niyakap ng mahigpit. Hinaplos nito ang likod ko at doon ko na pinakawalan pa ang kaninang kinikimkim ko.

"What happened, Psy?" Nagaalalang tanong saakin ni Amethyst na patuloy pa rin ang pag alo saakin.

"Shh, I'm here. Ilabas mo lang yan." Dugtong pa n'ya na lalo kong ikinaiyak.

Inilabas ko lahat ng sakit at pagkadismaya sa sarili ko sa pamamagitan ng pagiyak sa balikat ni Amethyst.

It's been an hour since she left. Kaya nandito ako ngayon sa garden namin upang lumanghap ng sariwang hangin. I'm her for detoxification.

The party is still on-going. Inaaya nga ako kanina nila Leaves na sumali ako sa inuman nila pero tinanggihan ko ang mga ito at sinabing mamaya na.

Kumalas ako sa yakap kay Amethyst noong medyo mahimasmasan ako sa pag iyak. Binigyan ako nito ng panyo na galing sa bulsa n'ya pero tiningnan ko lang ito.

"Malinis 'yan, baliw." Natatawang sabi n'ya saakin at binatukan pa ako. Bigla akong napasimangot at hinimas ang parteng binatukan n'ya. Parang naalog kasi ang utak ko.

Kinuha ko iyon sa kamay n'ya at agad na siningahan dahil napupuno na 'yung ilong ko sa sipon.

"Yuck, Psy. Kadiri." Nandidiring sabi nito saakin pero mahahalataan mong nangaasar lang.

"Gago ka! Kadiri ka d'yan." Sabi ko sakan'ya at pinahiran ang mata kong medyo mamasa masa pa gamit ang palad ko.

Natawa lang ito sa sinabi ko at inakbayan ako at nilapit sakan'ya.

"We've been together since diaper days. Whatever it is, I know you can overcome it. Ikaw pa ba?" Mahinahong sabi n'ya saakin sabay tingala sa langit.

Tumingala rin ako para tingnan ang napakagandang kalawakan.

The stars are enchantingly beautiful. Just like her milky way orbs. So peaceful to stare at.

Napabungtong hininga ako at napatingin sa katabi ko.

Amethyst is undeniably handsome. S'ya 'yung tipo ng lalaki na complete package na. Pero hindi ko man lang magawang magkagusto rito dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakan'ya. He's like a brother to me, just like Leaves na kapatid din ang turing ko.

"Gwapong gwapo kana ba saakin?" Nakangiting sabi nito at nag pogi sign pa noong makita ako nito nakatingin sakan'ya.

"Napapaisip lang ako kung bakit kita naging kaibigan, eh, ang pangit pangit mo naman." Nakangising sabi ko sakan'ya na ikinapawi ng ngiti n'ya.

Agad itong napabusangot at pinad'yak pad'yak pa ang mga paa sa lupa. Parang bata, eh.

"What's happening here?" Napalingon kami ni Amethyst sa boses lasing na si Leaves na pa suray suray ang lakad papunta saamin.

Napaka talaga ng babaeng ito. Buti napagkakatiwalaan pa ito bilang isang student body sa pinapakita nito kapag lasing. Masyadong wild, eh.

"She's wasted." Baling ko kay Ame habang pinagmamasdan si Leaves na nakahiga na ngayon sa damuhan.

"Yeah. Let's clean her up." Sabi saakin ni Amethyst na sinangayonan ko rin naman. Ambaho na kasi ni Leaves, amoy alak na. Naligo ata sa alak 'to, eh.

Agad naman s'yang binuhat ni Amethyst at pumasok na kami sa loob. Napadaan kami sa pool area kung saan nagsasayahan ang mga teammates ko at kita ang kagaguhan ni July.

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now