CHAPTER 2

66.6K 2.3K 1.9K
                                    

Psych's POV

Sa unang tingin, agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit

Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman (ooh)

Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay

Oh, Paraluman
Ika'y akin nang dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso (hoo-hoo)

Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan (hoo-hoo, hoo-hoo)

Mataman akong nakikinig at paminsang sumasabay sa kantang akin lamang napakinggan kanina kay Leaves. Madalas kasi nitong patugtugin habang naliligo kami after practice.

Intro palang nang kanta, nakuha na agad ako nito. Para bang tugma sa naging engkwentro ko noong nakaraang araw.

Pauwi na 'ko dahil kakatapos lamang ng aming training sa Volleyball. Sobrang pagod ako dahil puspusan na ang pagppractice namin para sa darating na V-league.

Malapit na 'ko sa parking lot noong may masilayan akong pamilyar na bulto ng tao na nakatayo malapit sa kotse ko. It seems like she's having some trouble sa sasakyan n'ya.

Nilapitan ko ito para magtanong sana, ngunit noong makalapit ako, agad ko itong namukhaan. Si Professor Alejandro.

"Prof. Alejandro, good evening po. May problema ba rito?" Magalang na pagbati ko rito bago s'ya tingnan.

Napatingin agad ito sa gawi ko noong marinig ang sinabi ko. Para akong binalot ng lamig sa mga tinging ipinupukol nito saakin. Saglit pa itong di umimik matapos akong tingnan na parang naistorbo ko ito.

"I'm fine. You can leave." Walang emosyong tugon nito saakin.

Saglit pa akong napamaang sa tinugon nito. Ako na nga 'yong nagmamagandang loob, s'ya pa ang may ganang magsungit. Reklamo ko naman sa loob loob ko.

"You sure, Ma'am? I can give you a ride home po. Gabi na rin kase at delikado na" Pag aalok ko naman sakanya. Dahil totoong delikado naman na talaga dahil gabi na.

"I'm sure, Miss Lerson. Just leave, now." May diin at malamig nanamang sabi nito saakin.

Napagdesisyonan kong umalis na lang dahil baka nakakaistorbo na ako sa gabi n'ya. Nasa tabi lang naman ng sasakyan n'ya 'yong car ko.

Binuksan ko na ito nang bigla nitong tinawag ang pangalan ko. Napangiti naman ako dahil doon.

"Yes, Prof. Alejandro?" Pigil ngiti kong tanong dito.

"Can you give me a ride?" Sabi nito na parang bagot na bagot na. Inirapan pa ako nito nang saglit na sumilay 'yong ngiti ko sa sinabi nya. Ang sungit naman talaga nito.

"Sure, Prof. Alejandro. Pasok na po kayo." I told her while opening the door for her. She sat on the passenger seat. Mula sa kinaroroonan n'ya, amoy na amoy ko 'yong pabango nito na mashadong nakakaadik at nakakaakit.

"Saan po ba ang bahay ninyo, Prof. Alejandro?" Tanong ko rito matapos paandarin ang sasakyan ko.

"Miss Avery. Call me Miss Avery." She replied coldly.

"P-po?" Mautal kong sabi. Nakakagulat naman kasi s'ya. Address naman ang tinatanong ko, bakit pangalan ang binigay?

"Are you deaf? I don't wanna repeat myself." Masungit nitong tugon saakin.

"M-miss A-avery, saan po ba ang address n'yo nang maihatid ko na po kayo" nahihintakutan kong tanong sakanya.

"Sa Northridge Condominium"

Matapos sabihin nito ang address, pinasibad ko na agad ang aking sasakyan. Mahirap na, baka magreklamo pa itong katabi ko na babagal bagal ako.

Nasa may parking lot na kami ngayon ng condo n'ya. Pababa na ito ng pagilan ko sya.

"Magingat po kayo, Miss Avery" Bilin ko rito bago ito bumaba at naglakad na papasok ng building.

Wala man lang akong thank you'ng nakuha.

Umuwi na 'ko sa bahay dahil past 7PM na. Malamang, hinihintay na 'ko nila mommy at daddy for dinner.

Nang makauwi, agad kong pinarada ang sasakyan ko at pumasok. Nakasalubong ko si Nanay Ara. Sinabi nito na nasa hapag na raw ang aking mga magulang.

"Hi mommy, hi Daddy" Bati ko sa mga magulang ko pagpasok ko ng dining area.

"Hi baby, how's school?" Tanong ni daddy saakin.

"Okay naman po. Medyo pagod lang dahil paspasan na ang training."

"Anak, 'wag mashadong abusuhin ang katawan, ha?" Paalala naman ng mommy ko saakin.

"Opo, mom and dad. Don't worry, I can handle everything naman po." Sinabi ko iyon para naman di na sila mag alala sa'kin.

Matapos ang dinner namin, nagpahinga na rin ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas. First subject pa naman namin si Miss Avery.

...

Pasipol sipol akong naglalakad ngayon dito sa hallway. Maaga akong pumasok, alam n'yo na, baka sa labas ako magfirst period pag nagpalate ako.

Nakasalubong ko si Leaves sa gitna nitong hallway. Tumatakbo ito na parang hinahabol ng aso.

"Hoy, Dahon! Agang aga mo magmarathon, ah. Saan ang punta mo at madaling madali ka?" Tanong ko sa naghihingalong si Leaves.

"Pinapatawag kase ako sa Admin at may problema raw ang council" Habol hininga naman nitong sabi sa'kin. Vice President kasi s'ya ng student council.

"Oh? Bilisan mo na't di ka pagalitan doon" Payo at pagtataboy ko sakanya dahil malelate na rin ako.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad noong may humarang nanaman sa dinaraan ko.

Ang kutong lupang si Marky na masugid kong manliligaw.

"Hi, Rid! Magandang umaga" sabay pakita ng nakakakilabot nitong ngiti. Inabot din nito saakin ang isang tangkay ng bulaklak na hindi ko rin naman tinanggap.

"Pwede ba, Marky? Tigil tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo" Medyo inis kong sabi rito. Umagang umaga, nambbwesit, e.

"Please naman, Rid. Pagbigyan mo naman ako. Kahit isang pagkakataon lang." Pilit pa rin n'ya at bigla nalang ako nitong hinawakan sa braso na may kasamang diin.

"Ano ba? Nasasaktan ako, Marky!" Mahinang pasigaw kong sabi rito dahil nakakahakot na kami ng tao.

"Kahit is-"

Naputol ang sasabihin ni Marky nang may tumabi saakin.

"What is happening here?"

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now