CHAPTER 13

49.3K 1.9K 1.4K
                                    

Psych's POV

Malakas na sigawan ang bumungad saakin pagpasok ko palang sa North High University. Dito kasi gaganapin ang league na pinaghahandaan namin.

Today is our big game day. The battle for Championship.

I parked my car when I reached the parking lot. Bumaba ako ng sasakyan at agad na nagtilian ang mga fans ko na galing pang ibang school.

Mostly, girls. Meron din namang mga kalalakihan na sumisigaw ng pangalan ko.

"Kalampagin mo ako, my baby Riiid."

"Spike me, baby."

"Ako nalang ang imine mo, my labs."

Sa kabilang banda, naririnig ko rin ang sigaw ng South High University students na dumayo pa para supportahan ang kanilang players.

"Atlas, akin kana lang."

"Bugbogin mo na ko, Atlas babe!"

"Atlas, sirain mo ang buhay ko!"

Ilan yan sa mga naririnig ko habang papasok ako ng dug out. Nakakatuwa lang ang mga sinasabi ng mga fans saakin, saamin.

Atlas Ghale Salgado. The bitchy captain of the SHU volleyball team. She's my rival inside the court and a great friend outside the court.

Rinig dito mula sa locker ang sigawan na nagmumula sa Arena. Mukhang maraming manonood, ah.

"Captain!" Rinig kong sigaw ni July mula sa likod ko.

"Hinahanap ka na ni Coach." Sabi n'ya at inakay ako papunta kay Coach na naghihintay na pala malapit sa entrance ng Arena.

"Coach."

Agad naman itong lumingon saakin at hinawakan ako sa balikat.

"Let's do it, kid." Determinadong sabi n'ya at tinap ang tuktok ng ulo ko.

I gathered my team at nagdasal muna kami. Praying for a victory and a good game. For everyone to be safe and avoidance of injuries.

Nag group hug kami at agad akong nagsalita para mas lalong maboost 'yung energy namin.

"This is for our school. For our pride. For our passion. Let's win this to be champions!" Malakas na sabi ko sakanila na sinundan naman nila ng malakas na hiyaw. Lalong lalo na si July na sumigaw na ngayon.

"Go, Lions!"

"What are we?" Malakas na sigaw ni Leaves.

"We are the growling Lions!" Sabat naman ng mga kasamahan namin.

Narinig namin na nag salita na yung announcer hudyat na meron nalang kaming kinse minutos bago magstart ang laro.

Palabas na kami ng dug out noong may tumawag saakin. Pinauna ko na sila Leaves sinabing susunod ako after few.

"Psych."

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko noong masilayan ko itong nakatayo malapit sa pinto ng exit. She's smiling and looking so beautiful standing there.

Lumapit ako sakan'ya na may malawak na ngiti sa aking mga labi.

"You're watching?" Parang tangang tanong ko sakan'ya.

She rolled her eyes and muttered something na rinig ko naman.

"Stupid."

Tumawa lang ako sa sinabi n'ya. It's so overwhelming seeing her here. Parang dumoble ang kaba ko knowing na manonood ito.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon